64 : Daehan's choice

573 12 1
                                    

~~
( Third Person's POV )

"Lance, sasama ako"
Napatigil sa pagsusuot ng jacket si Lance nang marinig ang sinabi ni Yerin. Aalis na kasi siya para pumunta sa lugar na sinabi ni Jasmin. Tumawag ito kanina at gusto niyang magkita sila, kasama din ang bata.

"Why? You don't need to"
Pinagpatuloy niya na ang ginagawa. Sinuot niya ang rubber shoes pero nanatili pa ding nakatayo si Yerin sa may pintuan ng kwarto niya.

"Gusto kong makita si Daehan"
Seryoso ang pagkakasabi niya nito kaya wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong hininga. Napalapit din si Yerin kay Daehan at nakita niya kung paano nito namiss ang bata nung umalis ito sa kanila.

"Pasalamat ka mahal kita. Magbihis ka na, hihintayin kita sa baba"
Hinalikan niya ito sa noo bago tuluyang lumabas ng kwarto. Dumiretso siya sa ibaba at pumunta sa kusina para sana uminom ng tubig nang maabutan niya si Jacob na para bang hinihintay siya doon.

"Oh? Problema mo?"
Nakahalukipkip ito at diretso ang tingin sa kanya habang busy naman siya sa pagkuha ng tubig sa ref.

"So Daehan will choose huh?"
Hindi na siya nagulat pa ng malaman na alam nito ang sinabi niya sa kausap niya sa telepono kanina.

"Yeah"

"Alam mo hyung, mas pinapakumplekado mo lang ang lahat. Daehan's with his mom, there's nothing wrong with it. Oo, masaya din ako sa balak mo na kuhanin siya pabalik, pero alam naman natin na mali iyon. Why don't you let him go? Bumalik na ang eomma niya, tapos na ang pag aalaga mo sa kanya, why won't you try to move on?"

"In the first place, diba ayaw mo din siya ibalik sa eomma niya? Diba ikaw pa nga tong unang pumigil sa akin nung hinayaan ko silang umalis dalawa? Bakit ganyan na ang sinasabi mo ngayon Jacob?"

"Because I'm wrong. Mali ang ginawa ko noon at ngayon, alam ko na ang tamang gawin"

"Let the kid decide Jacob. It all matters to him. Sa kanya umiikot lahat ng ito kaya hayaan natin siyang pumili"
He patted his shoulder. He's just concerned about everything. Napailing na lang siya dahil pati kaibigan niya namomroblema dahil dito.

( Third Person's POV )

Mabigat ang mga buntong hininga ni Lance na naririnig ni Yerin. Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa park malapit sa bahay nila. Walking distance lang naman kaya hindi na sila nag abala pang magsasakyan.

Hindi niya ito magawang kausapin, hindi niya din naman kasi alam ang sasabihin dito. Kahit siya, kinakabahan sa mangyayari mamaya.

Siguro, hindi din alam ni Jasmin na mapapalapit si Daehan kay Lance. Ang akala niya siguro e hindi ito mapapamahal sa kanya. Dahil na rin siguro sa lukso ng dugo at magkapatid sila kaya hindi nahirapang mag adjust ni Daehan sa hyung niya.

"We're here"
Hindi niya namalayan na nandito na pala sila sa park. Wala sa sariling napahinto siya sa paglalakad at napalingon sa buong lugar.

"Wala atang tao?"
Medyo pumiyok pa ang boses niya ng itanong niya iyon. Hindi naman ganun kalaki ang problema ni Lance tungkol kay Daehan pero bakit ganito ang nararamdaman niya?

"You looked pale. May masakit ba sayo?"
Kumunot ang noo ni Lance ng mapansin ang hindi komportableng itsura ni Yerin. Sinabihan na niya kasi itong huwag na sumama pero nagpumilit pa din.

"Wala, ayos lang ako"

"Mukhang mas kinakabahan ka pa sa akin ha? Don't worry, everything's fine"
Hinawakan niya ang kamay ng kasintahan at sabay silang naglakad papunta sa gitna ng park.

Bakit ganito siya umakto? Bakit parang nawala ang Lance na kasama ko nung mga nakaraang araw? Parang wala siyang pinoproblema ngayon at para bang kahit anong mangyari, ayos lang sa kanya?

Pagkausap ni Yerin sa sarili. Ang chill lang kasi ng dating nito samantalang siya, hindi na mapakali.

Nang makarating sila sa mga slide, nakita niya si Jasmin kasama si Daehan na nakatayo doon na halata namang hinihintay sila. Hindi niya naiwasang mapatitig sa mukha ni Jasmin, nandoon pa din kasi ang awkwardness sa paligid. Halata niyang labag sa kalooban nito ang pagbalik ng anak kay Lance.

"Hyung! Hyung!"
Kumaripas ng takbo si Daehan papalapit sa kanilang dalawa. Walang nagbago sa itsura nito, mas lalo lamang siya tumangkad at mas naging kamukha niya si Lance.

"Pagkadating niyo pa lang, lumapit na kaagad siya sa inyo"
Nakangiting saad ni Jasmin sa kanila pero kita niya ang lungkot sa mga mata nito. May hawak siyang bag na alam naman niyang gamit ni Daehan.

"Daehan-ah, kamusta ka na? Miss mo ko no?"
Ginulo ni Lance ang buhok nito at pinisil ang pisngi niya. Nakayakap sa binti niya si Daehan na parang ayaw ng humiwalay sa kanya.

"Hyung mith na kita! Pati noona!"
Sobrang laki ng ngiti ni Daehan ngayon. Parang ang saya saya niya ng makita niya ulit si Lance.

"Hindi na ata natin siya kailangang papiliin. Halata naman ng sa inyo siya sasama"
Nanatiling nakatayo si Jasmin sa harapan namin. Tinitignan niya lang ang anak niya.

"Daehan, sasama ka na ba sa amin?"
Tanong ni Lance sa bata pero hindi siya narinig nito.

"Daehan-ah, kanino ka sasama, sa akin o kay eomma mo?"
Diretsa niyang tanong dito. Lumuhod siya para harapin ito at makausap ng mas maayos.

Hindi kumibo si Daehan, tahimik lang siyang nakatayo at tinitignan ang mukha ni Lance. Sinulyapan niya si Jasmin na naluluha na kanina pa.

"Hyung"
Niyakap niya si Lance kaya napaiyak na nang tuluyan si Jasmin. Ayun na nga, ito na ang inaasahan nila, pero bakit hindi niya pa din maiwasang umiyak?

"Hyung, kay eomma ako thathama"
Natigilan sila ng marinig ang sinabi ni Daehan. Nakayakap siya kay Lance pero kita ni Yerin ang pag iyak nung bata. Akala niya ba si Lance na ang pinili nito?

"Hyung, wala kathama eomma pag alith ako. Lungkot thiya, kaya hyung mamimith ka ni Daehan"
Isa iyon sa pinaka hindi nila inaasahan na sasabihin ng isang bata. Sobrang matured niya, naiintindihan niya na agad ang mga pangyayari sa edad niyang yan.

"Goodboy. Umaasa pa din naman akong sa akin ka sasama, but I understand. It's okay, wag ka ng umiyak, naiintindihan ni hyung"
Pinat ni Lance ang ulo nito. Hindi siya umiyak, para saan pa?

"Hyung, makikita pa kita diba?"
Tanong ni Daehan sa kanya. Kahit na kay Jasmin siya sasama, gusto niya pa ding makita ang kuya niya.

"Syempre naman. Kada week, bibisitahin kita sa inyo"
He flashed a smile. Gumaan na ang pakiramdam niya, para bang nawala na ang problemang nagpapahirap sa kanya.

"Tutulungan kita sa mga bayarin para kay Daehan. I'll pay for his school, kapag nag aral na siya. Susuportahan ko siya kapalit ng ginawa ni appa"
Pag uusap nila ni Jasmin habang si Daehan naman ay nagpapaalam pansamantala kay Yerin, magkikita din naman sila pagbumisita ang hyung niya doon.

"Hindi na kailangan Lance"

"No, I insist. Kapatid ko siya, hanggat kaya ko ibibigay ko sa kanya yung mga kailangan niya"
Wala ng nagawa si Jasmin ng pinilit ni Lance na gusto niya talagang tulungan silang dalawa. Alam naman din kasi niya ang kalagayan nila.

"Hyung, thama mo thina Minguk at Manthe kapag punta ka thamin ha!"
Masiglang sabi ni Daehan na dahilan ng pagngiti nilang tatlo.

He picked his mom, pero hindi ibig sabihin non, hindi na sila magkakasama at magkikita ni Lance. He picked the right choice, and Lance is proud of him.

~~
Author's Note:
   Epilogue na po ang kasunod nito. Sorry kung natagalan ng update, pasukan na po kasi namin. Pagpasensyahan na din sa kasabawan at kakornyhan. Last na po na problema yang kay Daehan and I'm gladly to say na hindi siya naging sad ending. Isusunod ko na yung last part ng story and sana magustuhan niyo.

P.S: SALAMAT SA LAHAT NG NAGBASA, NAGBABASA NG LWTCLB. YOU MAKE ME SO HAPPY. BABAWI PA AKO SA BOOK 2. KAMSAHAMNIDA! SARANGHAE READERS ❤❤❤

Living with these Cute Little BoysWhere stories live. Discover now