Chapter 14 (Part 2)

8K 144 28
                                    


"Nanay Ana, sino siya?" Tanong ng batang lalake

"Siya?" Binaba niya ang bata sa higaan nito "Siya si Andrea...anak namin ng Tatay Anjo mo." dagdag niya.

Tinitigan niya ang batang anak kaniyag nanay nanayan at tatay tatayan. Napakagandang bata sa kaniyang paningin. At nang ngumiti ito sa kaniya? Sinabi na agad sa sarili niya na nais niyang ingatan ang batang babaeng ito.

"Zayn... kinakapatid mo siya ha. Alam mo naman na ang kapatid ay kapatid lamang." Sabi ng kaniyang Tatay Anjo sa kaniya.

"Opo. Iingatan ko po siya! Wala pong makakasakit sa kaniya." Masayang sagot niya.

*

"Ma-ma.." dahan dahan na bigkas ng batang su Andrea na ngayon ay mag dadalawang gulang na.

"Ayyy! Ang cute cute na bata! Mommy naman. Ma-my." Sabi ng ina ng batang lalakeng di Zayn.

Nakatayo sa malayo ang batang si Zayn. Pinapanood ang masayang pagaalaga ng kaniyang ina at ama sa kinakapatid niyang si Andrea. Noon ay sakaniya nakatuon ang atensyon ng lahat pero ng dumating si Andrea parang naitchapwera na lamang siyang bigla.

*

"Zayn hindi pwede! Walang mag kasama si Andrea!" Sita ng kaniyang ina.

"But mom! Ang laki laki na niyan! Kaya niya na sarili niya!" Inis na reklamo niya sa kaniyang ina.

May outing kaniyang mga kaibigan at nais niyang sumama ngunit hindi niya magawa dahil sa batang babaeng si Andrea.

"God Zayn! 8 years old Zayn! Malaki na ba yun? Nung 8 years old ka nga hatid sundo ka pa!" Sabi ng kaniyang ina.

"Ayst! Bwiset!" Pagmamaktol niya at dumiretcho na sa kaniyang silid ngunit ng mapadaan siya sa pwesto ni Andrea at ngumiti ito tila nawala ng kaunti ang kaniyang galit ngunit hindi ang inis.

*

"Zayn tara na! Iwan mo na yan!" Aya sa kaniya ng kaniyang kaibigan sakay ng sasakyan.

Napatingin siyang muli sa batang si Andrea na gumagawa ng kaniyang assignment sa sala.

"Pero--"

"Zayn nandun si Megan!" Paalala ng isa niya pang kaibigan.

Biglang nagliwanag ang kaniyang mukha ngunit bigla din iyun napawi ng maalala niya na minsan ng napahamak si Andrea ng iwan niya ito sandali.

"Andrea, magbihis ka. Sasama kita." Sabi niya.

*

"Wow!" Masayang nasabi ng batang si Andrea. "Kuya Zayn ang ganda naman dito!!" Manghang mangha ito sa nakikita.

"Wag kang lalayo ah! Dito ka lang sa malapit." Sabi niya.

"Pre, si Megan!" Sabi ng kaniyang kaibigan na nagpaagaw ng atensyon niya.

Hindi niya matanggal ang tingin sa dalagang si Megan. Sadyang napakaganda nito at napaka-amo ng mukha.

"Hi, Zayn." Bati nito na siyang nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso.

"H-hi..." balik nitong bati sa dalaga.

"Kuya Zayn!" Tawag ng batang si Andrea at kumaway.

Ngumiti siya sa bata at muling binalik ang atensyon kay Megan.

"Kasama mo pala siya." Sabi ni Megan.

"O-Oo. B-bakit? Ayaw mo ba?"

"I don't know pero honestly Zayn... ayoko sa kaniya." -Megan

*

"Zayn! Zayn! Si Andrea!" Sigaw ng kaniyang kaklase.

"Anong nangyari?" Gulat na tanong niya.

Tumakbo sila patungo sa lugar ni Andrea at nakita niya na may dugo sa ulo nito.

*

"Zayn! Ano naman tong ginawa mo kay Andrea!" Galit at nagaalalang tanong ng kaniyang ina

Gusto niyang sisihin ang sarili niya, kung hindi dahil sa kaniya hindi mapapahamak ang kinakapatid niya. Kung binantayan niya na lamang ito at hindi na sumama kay Megan.

"Maam! Sila Ana at Anjo po..."

"Anong nangyari sa kanila?!"

*

"Ma'am Sarah, si nanay po?" Tanong ng batang si Andrea. Ilang araw na ng magkamalay ang bata pero hindi pa din siya nilalabas.

"Pagaling ka ha iha." Sabi ng ina ni Zayn.

Tila winawasak ang puso ni Zayn ng makita si Andrea na ganun ang kalagayan at malaman pa na wala na ang magulang nito.

*

"Nay! Tay! Nandito na po kami." Sigaw ni Andrea

Ngunit ilang sigaw pa nito at ng walang inay at itay na lumabas at nagsimula ng lumuha ang dalaga. Agad na nilapitan ni Zayn ang batang si Andrea at niyakap ng mahigpit.

"Kuya asan sila?" Umiiyak na tanong nila.

"Shhh, tahan na. Nandito lang ako. Wag ka ng umiyak. Hindi kita iiwan." Sabi nito.

*

"Zayn dalaga na si Andrea ah! Ang ganda ganda na! Tulungan mo naman ako." Sabi ng kaibigan niya.

"Tigilan niyo! Wag si Andrea." Sagot niya sa sinabi ng kaibigan.

"Di ko sasaktan tol! Titikman ko lang-"

Walang sabi sabi ay bigla niyang sinuntok ang kaibigan.

"Tangina Zayn!" Awat ng mga kaibigan niya sa kaniya."

"Kahit kaibigan kita papatayin kita! Hindi walang mananakit kay Andrea!"

Simula noon, mas naging mahigpit si Zayn kay Andrea. Iningatan niya ito na parang isang ginto. Hindi hinahayaang masaktan at sa tuwing babagsak ang mga luha nito ay natataranta siya. Ganun kahalaga si Andrea para sa kaniya pero nagbago ang lahat ng muling bumalik ang babaeng kinabaliwan niya.

Parang nawala si Andrea sa buhay noya at umikot ang mundo niya muli kay Megan. Naiinis siya sa tuwing lalapit sa kaniya si Andrea dahil ayaw iyun ni Megan. At dahil sa pagtataka di tumigil sa Andrea sa kakalapit sa kaniya hanggang sa nakipagbreak si Megan sa kaniya at pagkatapos nun ay nangyari na ang hindi dapat nangyari sa kanila.

Ang pangakong hindi kailan man sasaktan ni Zayn si Andrea ay tila nabaon sa limot.

Ang sakit ng pagiwan ni Megan kay Andrea ay naibuhos niya kay Andrea.

End Flash Back

"I'm sorry... Im sorry..." sabi ko sa kaniya at hinigpitan ang aking mga yakap.

Hindi ko sinasadyang saktan ka. Hindi ko lang alam ang gagawin ko nung iniwan ako ni Megan. Naisip ko na paranas sayo ang sakit na nararamdaman ko para maintindihan mo ako pero sa tuwing babagsak ang mga luha sa iyong mga mata dinudurog din ang puso ko. Pilit kong nilalabanan ang awa pero hindi ko na kaya.

Simula ngayon... pinapangako ko...hindi na kita sasaktan, muli kitang iingatan at pahahalagahan.

Vote and comment

Hindi siya pov na pov ni Zayn pero sana nagustohan niyo.

MaskSecret

Taking Her InnocenceWhere stories live. Discover now