Chapter 18

6.5K 104 5
                                    


"Mahal kita... at handa kong gawin ang lahat makuha ka lang sa kaniya."

Hindi ko alam ang isasagot sa kaniyang sinabi. Ang kaniyang mga mata ay tila hinahatak ako palapit sa kaniya.

Tama man o mali pero naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang bibig sa akin na siyang aking tinugon.

Tila may dumadaloy na kurtente sa aking katawan at bigla na din lumakas ang tibok ng aking puso. Hindi ako magalaw ang akin kamay upang itulak siya. Dinala niya ang kaniyang kamay sa aking pisngi at mas diniin ang kaniyang mga labi sa akin. Agad akong napahiwalay ng may marinig na kung anong kaluskos.

Ginising ko ang aking sarili. Hindi hindi tama yun Andrea!

"Mahal kita... at handa kong gawin ang lahat makuha ka lang sa kaniya."

"Mahal kita... at handa kong gawin ang lahat makuha ka lang sa kaniya."

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang sinabi niya.

Bakit parang apektadong apektado ka Andrea.

Concentrate Andrea! Concentrate okay? Wag mo muna isipin yun! Hindi yun importante.

"Last 10 minutes." Sabi ng prof namin at agad kong tinignan ang papel ko.

Shit! Ni isa wala pa akong sagot.

Nagmadali ako sa pag iisip ng sagot ngunit hindi ako makapagisip ng matino dahil sa pagmamadali.

Nagulat ako ng may kumuha ng papel ko sa gilid ko.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya ngunit sinulatan niya na yung papel ko. "Magtatime na!"

Ngunit hindi niya ako pinansin. Nawalan na akong ng pagasa kaya niyukyok ko ang mukha ko sa desk.

Pati pag aaral mo na papabayaan mo na. Ano bang nangyayari sayo Andrea. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?

"Pass your papers." Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko ng marinig ko yun. Bakit ka ba ganiyan Andrea?! Bakit kailangan mong maranasan to?

Patuloy ako sa lagiyak hanggang sa may nag angat ng aking mukha mula sa pagkakayukyok sa lamesa.

"Shhhhh. Why are you crying? I answered your paper." Sabi niya sa akin.

Tinitigan ko siya ng masama at hinampas siya sa hindi ko malaman na dahilan.

"Nakakainis ka!" Sabi ko sa kaniya at muling yumukyok ngunit hinila niya ako patayo at niyakap ng mahigpit.

"Shhhh, Princess stop crying." Pero mas lalo akong napahagulgol ng tawagin niya ako muli na Princess. Napayakap ako sa kaniya pabalik.

Ang tagal kong inintay ang pagkakataong ito. Ang mabilik ang dati. Ang dating malapit siya sa akin. Ang dating Zayn na tinuturing akong prinsesa at hindi parausan niya lang.

"Shhhh. Tahan na, sige ka mamamaga yung mata mo pangit yan bukas sa debut mo oh." Sabi niya.

Oo nga pala bukas na yun. Tinitigan ko siya ng masama ngunit tumawa lang siya.

"Pero okay lang pala, para wala ng magkagusto sayo o magtangkang umagaw."

*

HINDI pa din maalis ang ngiti sa mukha ko sa sinabi niya sakin hanggang ngayon. Pilit kong pinipigilan yung kilig para hindi niya mapansin.

"Kanina ka pa namumula ah!" Pangaasar niya ngunit inirapan ko lang siya.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa parking lot ni Zayn at tulad ng inaakala ko at lahat ng atensyon nila ay napunta sa amin.

"Cute mo!" Sabi niya at tumawa.

Yung pakiramdam na ayoko ng matapos yung oras na ganito. Dahil baka bukas o maaring mamaya ay magbago na siya at muling bumalik sa dati.

"Zayn" at dumating na nga ang kinakatakutan ko. "Zayn, papasama sana ako sayo." Sabi niya.

"Diba napagusapan na natin to Megan." Sagot ni Zayn.

"Ngayon lang... ngayon lang Zayn. Please." Sabi niya at hinawakan pa ang kamay ni Zayn.

Please humindi ka zayn... Please


Huminga siya ng malalim. "Okay. Fine." Sagot ni Zayn sa kaniya na nagpadurog sa aking puso.

Kusang gumalaw ang mga paa ko palayo sa kaniya.

Megan point of view:

Sabi ko na nga ba at hindi mo ako matatanggihan Zayn.

"Andrea!" Habol niya ngunit pinigilan ko siya.

Ngumiti ako sa kaniya tulad ng ngiting palaging nagpapabihag sa kaniya.

"Let's go?" Tanong ko at binitawan niya ang aking kamay saka nauna sa paglalakad.

Good Zayn...

Umaayon na ang lahat sa aking plano.

I'm sorry Andrea but, Zayn is mine. Only mine.

Vote and comment

Pasensya na at natagalan guys nagkapasok na e at sobrang sakit na :'( Pero tapusin ko agad yung next chapter para ma publish na din ngayong gabi. Salamat sa pagiintay.

Follow me on Twitter @MaskSecret_ puro hugot yun guys hahah

MaskSecret

Taking Her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon