Chapter VI

3.1K 77 4
                                    

Hi NoriaMe! This chapter is dedicated to you. (^_____^) Salamat kasi nagustuhan mo 'yung fanfic na 'to. Labyah cchi~ L(^^,)

***


Chapter VI



ILANG ulit na nabatukan ni Freya ang sarili sa sobrang kahihiyan. Sa susunod kasi isaisip mo nalang ang lahat ng nasa isip mo hindi 'yung isinasatinig mo pa! WHAAAAAAA!! Nakakahiya talaga siya.


Kamuntikan pa siyang mahuli ng asawa. Paano kung nagtanong at nangulit pa ang isang 'yun? Sasabihin niya ba? Na gusto niya ng round 2 at gusto niyang patunayan na may ibubuga siya sa kama? Huhuhu~ hindi niya ata kayang sabihin 'yun.


O baka naman gusto niya lang talaga makita ang mala-adonis na katawan ng asawa? Bakit kasi lasing siya ng ginawa nila 'yun? Ito pang si Zenwel hindi pinapaalala sa kaniya ang nangyari. Galit kaagad. Sayang tuloy.


Matapos maghugas ng hugasin at maglinis sa kusina ay agad na siyang umakyat sa kwarto niya para hanapin sa kaila-ilaliman ng cabinet niya 'yung night dress na susuotin niya ngayong gabi para akitin ang asawa.


"Gotcha." Masayang banggit niya at itinaas ang night dress na nakuha. Itinapat niya pa 'yun sa katawan niya at humarap sa salamin para makita kung babagay ba sa kaniya ang nakuhang red na night dress na halos maseselang parte lang ng katawan ang tinatakpan dahil sa malanet nitong tela.


Kaya niya kayang dalhin ang ganitong damit?


"Freya?" Nabigla siya ng may nagsalita sa likuran niya at nakita niya si Zenwel na kalalabas lang ng cr. Oo nga pala, iisa lang ang cr nilang dalawa. Pero mas nakakagulat kasi 'yung lumabas ito ng cr na nakahaf-naked. Wala 'tong pantaas kaya kitang-kita niya ang mga hati nito sa katawan.


Agad niyang itinago sa likuran ang dress na hawak. "Anong ginagawa mo?" Pagtatanong pa nito habang tinutuyo ng towel ang buhok. Naglakad ito papalapit sa kaniya habang ganoon ang ayos.


Agad na napaatras si Freya ngunit hindi maalis ang tingin sa katawan ng asawa. Iniisip niya kung nahawakan niya ba ito kagabi? Pwedeng pahawak ulit?


"Ah, w-wala. Wala." Mas itinago niya ang night dress na hawak pero nandoon pa rin ang tingin niya sa katawan ng asawa. Isa.. dalawa.. tatlo.. apat.. lima.. anim. Anim na masasarap na pandesal na siguradong bubusog sa kaniyang mata.


"Gusto mo ba ang nakikita mo?" Napabalik siya ng tingin sa mukha ni Zenwel ng marinig niya ang nakakalokong tanong nito.


"O-oo--ay hindi 'no! Asa ka!" Pagtatanggi niya sa huli pero mukhang hindi naniwala sa kaniya ang asawa dahil nakangisi pa rin ito sa kaniya at mas lumapit pa ng husto kaya napaatras pa siya ngunit sadyang nakorner na siya nito dahil wala na siyang maatrasan.


"Z-zenwel.." Nabigkas niya sa kakaibang tono na hindi niya alam na pwede niya palang magawa. My Gosh! Ang init-init ng pakiramdam niya ngayon.

Married To My SLAVE [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon