Chapter 9: Puzzle, at ikaw nalang ang kulang.

6.5K 64 15
                                    

Marco’s POV

“Marco, busy ka ba ngayong araw na ito? M-meron kasi akong f-friend na… na gusto mong makilala. Hmm Actually siya~”

Lumingon ako.

“ang yung dati mong Guitar Tutor.”

Ahh ok. Un pala.

Thaat’s my mom, malamang hindi ko cia matatanggihan. Mommy ko yan eh.

 Half day lang naman kami sa school kaya pede ko naman absentan yung mga yun.

Kaso, si Sir. Makatol pala! He is very strict with regards to attendance and passing rate of his seatworks, exams and even assignments.

Yung last time nga na umabsent ako dahil sa practice ng CREAMS sa biglaang performance sa program ng College Department eh nasabihan niya ako na dapat kahit wala ako sa klase niya, kailangang alam ko kung anu anu ang mga tinuturo niya.

Ayokong magpaturo sa mga girls na nagkakandarapa sa harap ko. Grabe naman kasi ang bukambibig. Puro Prince Marco nalang, parang sa sobrang Mesmerize nila, wala nang sense ung mga sinasabi nila. Lalo na sa klase ko, lagi nalang ganun, anu bang ipinunta nila sa school?

Ang lalaki o ang pagaaral?

Hindi naman sa sinasabi kong masam ang paghanga. Pero naman kasi eh. Sobra naman ung sa kanila eh.

*ting*

Wala na akong choice kundi gamitin itong last tactics ko! Bwahaha

Kinuha ko yung cellphone ko at tinype ko sa searchbox ko ang

“N...”

Ayan nakita ko na ang pangalan niya! Tatawagan ko na.

“NR Calling...”

OO. NR ang name ko sa kanya kasi lagi ciang NO REACTION. Ewan ko ba, parang lagi nalang siyang pumapayag na api apihin ko or utus-utusan.

Pero kakaiba cia ah, sa lahat ng babaeng nakilala ko, siya lang ang parang NO REACTION na nakikita ko kapag tumutugtog ang banda ko sa school or kahit sa Liang’s.

Ni Hindi siya namemesmerize.

Ni hindi siya nagtatatalon.

Ni hindi siya nagsisigaw lalo na pag kumakanta ako.

Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon