Chapter 17: Vulnerable

6.2K 73 25
                                    

Genie’s POV

Oh my, hindi talaga nagbibiro ang tadhana. Nasasaktan na talaga ako sa mga nangyayari. Ngunit kailangan ako ni Marco.

Hindi na baling hindi niya ako matanggap na Mhai, hindi baling hindi niya maalala na minsa’y may pinalakas siyang loob na nasa bingit ng kamatayan.

Hindi na baling hangga’t sa kahuli-hulihan eh hindi niya ko siya makasama.

Basta ngayon. Ngayon ang mahalaga. Ngayon ay kailangan ko siyang makasama.

Desperada na kung desperada, ganito daw ang pag-ibig sabi ni Daddy.

Ang pag-ibig ay isang malaking P-A-I-N. Malaking sakit lang daw sa ulo at puso. Pero yang sakit na yan daw eh pag wala naman sa buhay mo eh, parang hindi mo rin nararamdamang buhay ka.

Gusto ko mabuhay. Gusto kong magmahal. Gusto kong maranasang mahalin ng taong feeling ko eh mahal ko na.

Kaya...

I would rather risk my heart to the possibility of pain na sinasabi ni dad…

than to never feel love while I’m still here in the earth.

 To live without love is merely existing.

At sa tingin ko’y there is no greater pain than that.

Sobrang lakas ng ulan. Alam kong walang dalang payong si Marco kaya kailangan ko siyang hanapin.

Kung dati, siya ang sumusuporta sa akin, ngayo’y ako naman ang pprotekta sa kanya, hindi lang sa ulan, kundi sa lahat ng takot at sakit na nararamdaman niya ngayon.

Kanina pa ako takbo ng takbo dito sa kalsada, Ngunit wala akong Marcong nakikita.

Alam niyo yung feeling na abot mo na yung pinakahihiling mo sa mundo, pero parang isang iglap lalo siyang lumayo.

Hawak mo na eh.

Nahihilo na ako. Andami kong pinuntahang wala naman siya.

Nakadaan ako sa plaza malapit sa Liang’ kung saan kasalukuyang ginaganap ang concert ng Imago at kasalukuyang tinutugtog nila yung kanta nilang AKAP.

Shemay naiiyak talaga ako...

Nagtatanong
Bakit mahirap
Sumabay sa agos
Ng iyong mundo

 

Bakit nga ba ang hirap Marco?  :’(

Bago pa ako maiyak ng tuluyan (dahil pumatak na ang mga ilang tears sa pisngi ko) eh tumakbo na ulit ako.

Strings AttachedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora