Two♥❤

4.8K 40 0
                                    

It's 4:30 pm. Maya maya darating na si Blesi. Inayos ko ang medyong kulot kong buhok. At tumingin sa salamin. Ok lang man siguro tong sout ko ngayon. Naka ripped faded blue jeans lang ako at white v-neck shirt na may abstract na design.

Pfft. Paki alam ko ba sa sasabihin ng iba. Maya maya pa may bumusinang sasakyan sa harap ng bahay namin. Si Blesi na yun. Agad akong bumaba at nilock ang bahay.

"San tayo pupunta?" Tanong ko pagkaupo ko sa front seat.

"Kahit saan" Nakangiting sabi ni Blesi.

Nagkibit balikat nalang ako at tinignan ang mga puno na nadadaanan namin.

"Kina Ericka tayo. May party siya eh" Sabi ni Blesi.

Himala nga dahil ang tahimik namin ngayon. Madaldal kasi kaming dalawa.

Natawa kaming dalawa dahil sa katahimikan.

"Ang weird ha. Ang tahimik natin ngayon" Tumawa siya.

"Awkward nga eh !" Dagdag ko.

"Naku naku sigurado akong madaming lalaki dun" Kinindatan niya ako.

Aish. Hate ko to eh ! Naalala ko kasi mga kalokohan ko kapag nasa party.

"Pramis hindi na ako makikipagmake out kahit kanino" Sabi ko.

Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Talaga lang ha?"

Hindi naman ako malandi eh. Sumasabay lang naman ako sa kanila.

"Magpapapako ako sa krus kapag natupad mo yan" Tawa niya.

Eh di magpapako ka. Kainis tong babae nato !

After ng ilang minuto huminto ang sasakyan ni Blesi sa malaking bahay nila Ericka.

"Bat ba ganyan suot mo? Para kang tiboom !" Irita niyang sabi.

"Ok lang naman ah. Tsaka fitted kaya tong Tshirt hubog na hubog ang curves ko" Sabi ko naman.

Nag roll eyes lang siya at bumaa na ng sasakyan.

Bumaba na din ako. Alangan naman magpaiwan ako sa sasakyan. Hinintay ako ni Blesi at saka sinalubong kami ng mga kaibigan namin pati na si Ericka.

"Buti naman pumayag c alex na sumama" Sabi ni Jake

Tinignan ako ni Blesi. "Syempre kung hindi yan pumayag kakaladkarin ko yan papunta dito." Tumawa siya.

Binatukan ko naman siya agad. "Aray ha" sabi pa niya habang hinihimashimas ang batok niya. "Sadista to" dagdag pa niya.

"Pumasok na nga kayo baka magsuntukan pa kayo jan" Tumawa si Ericka.

Sinundan naman namin siya papunta sa loob ng kanilang bahay.

Tinignan ako ng masama ni Blesi. Asus ! Hindi na siya nasanay sa pagiging sadista ko.

"Nasan nga pala kuya mo lex?" Tanong ni Ericka at namula.

"Cedric" tipid kong sagot. Tumango naman siya.

Pagpasok namin agad akong nag groan. Bat ang daming tao? 5 pa lang ah?

"Para masaya kaya maaga nag start" Sabi ni Jake na para bang nababasa niya ang iniisip ko.

"Tara dun tayo" yaya sakin ni Blesi.

Sumunod din naman ako sa kanya.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon