Twenty Four♥❤❤

2.1K 31 2
                                    

Alexis'

Nahiga na lamang ako sa kama ko at binura sa isip ko ang tagpo kanina. Ayoko lang talaga mapalapit ulit sa kanya dahil baka saan pa ito mapunta.

Ang sakit parin ng katawan ko at di ko alam kung bakit. May kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya agad akong napaupo sa kama.

"Pasok" at bumalik ako sa paghiga.

"Welcome back" isang mahinahon at mahinang boses ang pumukaw sa isip ko kaya bumalik ako sa pagkakaupo sa kama.

Ngumiti na lamang ako sa kanya ng tipid. Lumapit siya papunta sakin at umupo sa dulo ng kama at humarap sakin.

"It's been a year na hindi kta nakita.. Kumusta ka?" Tanong niya sakin.

"Two years actually, hmmm.. Ok lang naman ako" seryosong sagot ko sa kanya at tumingin na sa direksyon niya.

Naghihintay ako ng sagot niya pero wala akong natanggap. Nagtitigan lang kami ng matagal. Napangiti naman ako nakakatawa lang kasi ang atmosphere eh. Ngumiti naman siya sakin.

"Tulog muna ako" sabi ko sa kanya at humiga na.

"Pakilock na din ang pinto paglabas mo" dagdag ko.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at di ko na rin siya nilingon. Hinihintay ko nalang na makatulog ako.

Ayoko na talagang guluhin ang buhay at relasyon ni Nate. Karma siguro ang nangyari sakin at sa magiging anak ko dahil ng loko ako ng tao. Mas mabuti na sigurong umiwas ako at wag na sabihin sa kanya ang nangyari.

Ok lang naman na di ko na sasabihin sa kanya diba? Tsaka tapos na rin yun at nangyari na para san pa kung sasabihin ko yun? Di naman naging kami at baka di siya maniwala sa nangyari.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at nagpatangay na sa antok.

Matapos ang dalawang oras na mahimbing kong tulog ay nagising ako dahil pawis na pawis ako nakalimutan ko kasing buksan ang aircon ng kwarto ko.

Nagulat ako ng makitang bukas ang PC ko at nakatapat ang mukha ni Nate sa screen at tinignan ang mga pictures na naka save dun.

"Bat ka nandito !" Pasigaw kong sabi sa kanya.

Nilingon niya ako saglit at bumalik ang atensyon niya sa PC ko.

"Gising kana pala" tipid niyang sabi.

Nag roll eyes nalang ako. "Nangingi-alam ka ng gamit ng iba ! Itigil mo nga yan at diba pinaalis na kita kanina"

Tanging tango lamang ang naging sagot niya. At patuloy pa din siya sa pag scan ng mga pictures ko. Aish. Kainis may mga wacky paman dun na nakakasuka.

Napatigil siya sa pagscan nag makita niya ang picture ko nung dalawang buwan palang akong buntis. Pano naman na punta yan jan? Tanong ko sa sarili ko.

Hindi naman halata ang tiyan ko dahil naka summer dress naman ako pero tinitigan talaga niya ito.

"You look fat dito.. No.. Mataba ka talaga dito" seryoso niyang sabi at lumingon siya sa akin.

"Madami kasing bigas" seryoso kong sabi sa kanya. Di naman siya natawa sa sinabi ko at ibinalik ang pansin sa PC. Nag scan lang siya at tumigil na naman.

"Boyfriend mo?" Tanong niya.

Tinignan ko naman ang larawan. Si Jake ang kasama ko.

"Yeah" tipid kong sagot.

Tinitigan naman niya ako at walang sinabi.

EX Friends With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon