2.0

5.3K 132 8
                                    

Amethyst's POV

"What do you think about having dinner with me?"Bulong ni Adam sa akin habang nakahiga lang ako dito sa may beach chair. Napatingin tuloy ako sa phone ko dahil may araw pa at nagtatanong na siya tungkol sa dinner. At nagulat naman ako na seven na pala ng gabi.


Hindi ko ata napansin ang oras dahil sa dami ng ginawa namin. We also went scuba diving kanina at sinusubukan ko pa siyang mapapayag na mag-surfing bukas.


"Where?"Tanong ko sa kanya

" I don't know wherever you want."Sagot niya sa akin kaya tumango ako.


"Tawagin na natin sila para makapagpalit na tayo bago kumain."Sabi ko at tatayo na sana kaso pinigilan niya ako.

"I was thinking about eating dinner just the two of us, we can meet them later tonight to a club that I know."Sabi niya at umiwas ng tingin sa akin at napansin ko pa yung pamumula ng pisngi niya.


Napangiti naman ako, I love that he wants to spend time with me alone. Hinalikan ko siya sa pisngi kaya napatingin ulit siya sa akin.


"Thank you daddy, Sabihan ko lang sila" Tumayo na rin siya para makapag-paalam sa kanila.

"Hey, we're um planning to eat dinner and it looks like you'd rather eat in the restaurants here so let's just meet later. For drinks? I'll text you the address."Inunahan na ako ni Adam sa pagpapaalam at tumango lang naman sila.


Tiningnan ko si Sabrina at tinanguan niya lang naman ako kaya nginitian ko na lang siya.


"Let's go?"Hinawakan niya ang kamay ko at tumango naman ako.

"How about a car for them?"Tanong ko habang nagdra-drive siya.


"I already called someone to drop one of my cars to them."Sagot niya at tumango lang ako

"We can look over there!"Turo ko sa may part na may Bayside.


Naghanap naman agad siya ng parking space. Bumaba na ako agad pagtigil ng sasakyan.


"Dito na lang tayo."Sabay turo ko sa may outside restaurants tumango naman siya.


Pumayag naman siya,pinaupo na kami nung nasa may desk.


At agad na kaming umorder ng kakainin..


Nagkwentuhan lang kami habang kumakain nakwento niyang pinilit lang naman siya ng mama niya na kunin ang course niya noon pero he learned to love it naman na. He also told me about his pet peeves and I found out that we have a lot in common.


After our dinner I feel like mas kilala ko na siya. He finally revealed some informations about his self but I know na marami pa rin akong hindi alam tungkol sa kanya.



"Lakad lakad muna tayo?"Tanong niya at pumayag naman ako.

No Control (K.N)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin