Chapter 12: Truth

252 33 2
                                    

"Y.W.D. Ano na mang mabubuo nating salita dyan?" Irita kong tanong kay Erica.

Nasa kwarto ko sya ngayon, nag uusap lang kami. Hindi rin naman ako kinakausap ng iba eh, mamaya ko na sasabihin ang totoo sakanila.

"You Want Dog!" Sigaw nya, seriously?

"You want dog? Argh! Gusto ko yung mga puppies pero hindi naman siguro yan." Sabi ko sakanya.

Tinignan ko ang oras sa Wrist watch ko, 7:30 na pala ng gabi.

"Gabi na pala." Bulong ko.

"Gabi na? Bilis naman. Sige lalabas lang muna ako." Paalam nya.

Hay! Inaantok nanaman ako, maaga nalang siguro ako matutulog ngayon pero maliligo na muna ako.

"Lalalalala~"

Sinong kumakanta? Ako yan. Hindi yan yung line ni Jimin sa Fire ah? Yan yung kumakanta ka kapag naliligo or naglalaba, basta! sana ma-imagine nyo hehehehe.

"Ela? Nandyan ka ba?" Tawag ng taong pumasok sa kwarto ko, pinatay ko naman yung shower.

"Nandito, bakit?" Tanong ko.

"Kakain na raw, bumaba ka na." Sagot nya, Ah si Claudine.

"Sige, bababa nalang ako." Sabi ko.

Umalis na siguro sya kaya naligo na ulit ako.

After 20 minutes

Hays! ang lamig naman, malapit na kasi magtag-ulan eh.

"Ouch."

Natamaan ko pala yung sugat ko, ang sakit.

Tumalikod ako sa salamin para tignan yung sugat ko.

Oo nga, parang letra at Y.W.D yung mga letra. Ano kaya 'to? Atsaka yung Valin ba yun yung gumuhit nito? Ang galing naman nya.

Matapos kong magbihis at mag-ayos , bumaba na ako.

Nadatnan ko na silang kumakain, Hays di man lang ako hinintay.

Umupo na ako at nagsimulang kumain.

Tahimik lang kami, pero sa kalagitnaan ng katahimikan biglang nagsalita si Erica.

"Guys, may sasabihin si Ela sainyo." Sabi nya, hays bakit ako kinakabahan.

"Ahm guys." Pag uumpisa ko pero bigla na mang napa-ubo si Marg.

Kinwento ko sakanila ang lahat ng nangyari, pero ni-isa wala man lang nagreact.

"Sana maniwala kayo." Sabi ko atsaka na ako tumayo at pumunta sa kwarto ko.

Atleast nasabi ko na rin ang Side ko sakanila, matutulog na ako.

Day 6

Napamulat ako dahil sa liwanag sa mata ko, tumambad naman sakin ang isang gwapong lalaki.

Teka, Gwapo?!

Napa-upo ako kama ko ng marealize kong may ibang tao sa kwarto ko, si Taehyung pala.

"Bakit ka nandito?" Mahinang tanong ko.

Syempre nakakahiyang ibuka bibig ko kasi di pa ako nagtoothbrush noh.

"Baba ka na." Sabi nya ng nakangiti atsaka na sya lumabas ng kwarto ko.

Sinampal ko naman sarili ko, baka nananaginip lang ako.

Galit sila sakin diba? Ela! Gising!

"Ahhhhhhh!" Napa-upo ako sa kama ko, aish! sabi ko na nga ba't panaginip lang -_______-

50 Days With Bangtan [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now