Chapter 17: Day 8

241 31 1
                                    

"Wake uppppppppp!" >______<


Napa-upo kami pareho nina Taehyung sa kama namin dahil sa malakas na sigaw na yun, argh! kahit kailan talaga Jimin oh!

Oo, si Jimin ang sumigaw (-,-)


"Argh! Aga pa eh." Reklamo ni Taehyung sabay sabunot sa buhok nya.


Gusto ko ring magreklamo ng magreklamo dito kaso may pasok kami eh, wala kaming magagawa.


"Tara na, may pasok pa tayo." Aya ko sakanya.


Tumayo na ako sa kama ko at ganun rin ang ginawa nya.


Kumuha na ako ng mga damit atsaka ko tinignan si Taehyung habang nililigpit higaan nya.


"Maliligo na 'ko, pakisara nalang yung pintuan ha." Sabi ko


"Okay." Tipid na sagot nya.


Makapasok na nga't makaligo.


After 20 minutes

"Good morning." Bati ko sakanila, umupo na rin ako para kumain na.



"Teka, saan nga pala natulog si Taehyung kagabi? Sa kwarto mo ba Ela?" Tanong ni Jimin sakin, tumingin ako sakanya atsaka ako tumango.

Bakit wala pa sya dito? Tagal naman ata nyang maligo.


"Naliligo pa ba sya?" Tanong ko.


"Hindi, nasa labas na sya at naghihintay. Ewan ko nga kung anong pumasok sa isip nun at naisipang maghintay sa labas." Sagot ni Jimin sakin.



Kailangan ko nang matapos agad sa kinakain ko, baka may ginagawa nanamang di kanais-nais yun.



"Hinay hinay baka di kami matirhan." Pagpipigil sakin ni Marg, baka di ka matirhan kamo HAHAHA takaw kasi eh.



"Hayaan mo na, malay mo nagutom lang." Sabat ni Kookie sabay tingin sakin ng nakangiti.


Ano nanamang nasa isip nito?



"Tama na dakdak, kumain nalang kayo." Pagbubulyaw sakanila ni Jin-hyung, yan kase eh kung ano pa pinagsasabi nyo.



Nang matapos ko nang kainin yung mga kinuha ko, tumayo na ako para puntahan si Taehyung.



Nadatnan ko syang may kausap sa phone kaya ako napahinto.



"No, please maniwala ka naman oh. Hindi ko magagawa yun sayo, wag ka maniwala sakanya." Salita nya sa kausap nya.


Sino kausap nya?

"Okay, just take a rest. Mamaya na kita kakausapin baka tapos na sila." Salita ulit nya.


Pero mas ikinagulat ko ang mga huling linya na sinabi nya.

'"I love you too." O.O


I love you too? May Girlfriend na ba sya?


"Hoy bawal yan." Muntik namang lumabas ang puso ko dahil sa nagsalita.

"Ay I love you too! Ano ba , muntik na ako mamatay dahil sayo." Gulat kong sabi kay Marg, tumawa lang sya.


Ano na mang nakakatawa dun?
-_____-


"Nakakatawa reaksyon mo Hahaha, ano bang I love you too na sinasabi mo?" Tanong nya.


Sasabihin ko ba? Sige!


50 Days With Bangtan [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now