Chapter Eight

29.4K 911 402
                                    

Chapter Eight

Inabot ng baha yung second floor ng bahay nila Mommy Sexy. Buti na lang, naitaas namin lahat ng gamit at nakuha namin yung mga importanteng gamit pati na rin pagkain or should I say, gulay. Pag nakita niyo yung ref ko, punung-puno ng gulay. Intense!

After 'that' hug, awkward na naman kami ni Eisley. Nagulat ata siya sa ginawa niya kaya pagkatapos nun, hindi na siya makatingin sa akin. Alam kong hindi naman niya sinasadya 'yung yakap na 'yun. Nadala lang siya ng emosyon kasi nga buhay yung nanay niya.

Baka 'yun na rin yung way niya para mag sorry. Kung ganun pala, lagi ko na siyang aawayin. Syempre, biro lang. Mahirap siya galitin. Baka mamaya, kung anu-ano na naman sabihin. Masakit kaya. Dahil nga sa mga sinabi niya, nakapag-paint na naman ako.

Napag-usapan namin na sa amin sila matutulog hangga't maayos yung bahay nila. Okay lang naman sa'kin dahil wala naman akong kasama dito. Pumayag din naman sila Mama. Nandito naman daw kasi yung nanay pati dalawa naman yung kwarto.

Hindi pa rin nila alam na si Eisley yung kasama ko at ayokong malaman nila lalong lalo na si Ahia. Kaya nga si Achi lang ang nakakaalam. Alam naman niyang hindi interested sa'kin si Eisley kaya okay lang sa kanya.

Medyo weird lang sa feeling dahil kasama ko sa bahay yung taong gusto ko and at the same time, umaapak din ng ego ko. .

Hindi naman ako pumapayag magpabayad, pero ayaw pumayag ni Eisley. Nagugulat na lang ako dahil bigla na lang may pera sa kung saan-saan ng unit ko. May pera sa sofa, table, gilid ng TV, at . He's secretly paying me, but at the end of the day, I secretly put it back inside his bag.

"Kain na!" Mommy Sexy claps as she calls us. Gusto ko sanang tumulong sa pagluluto, pero h'wag na raw dahil mahihiya na raw siya ng sobra sa'kin pag tumulong pa ako. Gusto ko naman talaga magluto para matuto rin ako.

Lagi niya nga kaming pinagluluto at inaalagaan ni Eisley. Hindi na ako magtataka pag tumaba ako. Since hindi naman ako vegan, nagluluto rin siya ng walang vegetables, pero para sa akin lang.

Sabay kami ni Eisley na lumabas ng kwarto kaya sabay rin kaming nagtinginan. "Kakain na raw," sabi niya. 

"Narinig ko nga," I say coldly. Inis pa rin ako sa mga sinabi niya. How dare he? Bakit ba niya pinapangunahan feelings ko sa kanya? Kung makapagsalita siya, parang alam na alam niya kung anong nararamdaman ko at anong dapat kong maramdaman.

Excuse me, I don't pity him. At kung naaawa man ako sa kanya, 'yun ay dahil concerned ako sa kanya. Kung hindi ko naman siya mahal, wala akong pakielam kung hindi niya ako kausapin. Wala akong pakielam kahit sarilihin niya 'yung mga problema niya.

Naka-uniform na ako. Siya naman, naka-corporate attire, pero hindi pa siya nagmemedyas at sapatos. 

Tumingin ako sa paa niya. "Bakit ka naka-paa? Magkakasakit ka." Sa huli, ako pa rin ang talo. Bakit ba hindi ko kayang hindi makielam? Manang mana ako sa nanay ko. 

Tumingin din siya sa paa niya. "Pagkatapos na lang kumain." 

Maaga parehas ang pasok namin. Saturday ngayon kaya half day lang siya. Nagpapakiramdaman pa kami kung sino ang mauuna maglakad. Sabay rin naman kaming nag lakad, pero nasa likod ko lang siya. Hindi ko siya pinansin at nagtuluy-tuloy sa dining table.

Nakaupo si Mommy Sexy sa center. Katabi niya kami ni Eisley kaya ang awkward na naman dahil magkatapat kaming dalawa. Hangga't maaari, hindi kami nagtitinginan.

"Nakabili ka na ba ng phone?" tanong ni Mommy Sexy kay Eisley.

"Bibili pa lang," matipid niyang sagot.

Have I Told You (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon