Chapter 2

7.4K 151 3
                                    

Ashe anderson's pov

" mam nandyan na po yung bride.. " sabi ni mae.

Si mae nga pala ay assistant wedding manager.

" okay sige mae.. Susunod na ako mauna kana." Sabi ko sa kanya.

Inayos ko ang mga portfolio kung saan nakalagay ang mga sample ng flowers,concept etc.

Binuhat ko yun at sumunod na sa room kung saan gaganapin ang pakikipag usap sa mga cliente.

" oh hi.. You are the bride right?" Bati ko sa kanya at nakipag shake hands.

" yes." Sabi niya tsaka ngumiti.

" I'm the wedding manager of this hotel.. Ashe anderson." Pakikipag kilala ko.

" I'm  faye alcantara.. "

" oh .. Let's seat.." Sabi ko tsaka na kami umupo.

" where is the groom? " tanong ko.

" uh. May kinuha lang siya sa kotse . Papunta na dito yun." Tsaka siya ngumiti.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nun ay ang isang pamilyar na lalaki.

Oh my god!!!

Bigla akong tumalikod sa upuan ko.
Hinaharang ko yung buhok ko sa mukha ko para di niya ako makilala.

" oh babe!! " sigaw ni faye.

Anong gagawin ko?! Anong gagawin  ko?!!! Arrghh!!

Pero infairness mukha akong tanga promise! Daig ko pa magnanakaw neto ah!

No! Dapat ko siyang harapin! It's fucking 8years ashe! 8years na ang nakalipas dapat wala kanang nararamdaman sa kanya!

1,2,3 !!!

" hi. Im the wedding manager of this hotel.." Tapos nilahad ko ang kamay ko para makipag shake hands.

Nakita kong gulat ang rumihestro sa mukha niya at nahulog niya pa ang hawak niya na na phone.

" uh. Nice to meet you.." Sabi niya lang nakipag shake hands din.

Parang naging slowmotion ang lahat.

Hanggang sa magkadikit na ang kamay namin. Para akong nakuryente!

Same feeling! Same f*ckin' feeling!!

Yung dibdib ko kumakabog..
Kumakabog ng sobrang bilis..

Tinitigan niya ako sa mata. Pero ako patay malisya lang tapos ngumingiti pa ako.

" so let's proceed.. " sabi ko.

At pinagusapan na namin yung detalye ng kasal. Pero si chase. Ramdam ko yung mga mata niya nakatingin sa akin. Tanging ang bride lang ang sumasagot sa mga tanong namin ni mae.

Sana matapos nato!!-.-

----

Whoo!!!! Nakahinga din nang maluwag!

" okay ka lang manager?"tanong sa akin ni mae.

" oh yes im okay.." Sabi ko nalang. At umupo na sa desk ko.

Sa dami ng venue na pwede bakit sa hotel pa namin?!! Arrgh!! Kapal talaga niya !! Ang kapal kapal!!

Akala ko di ko na siya makikita ! Pero tignan mo nga naman ang tadhana! Binubuiset ako!!

No! Hindi dapat sila makasal dito! Ayokong ako ang mag ayos sa kasal nila! Utang na loob naman! Wala ba siyang konsensya?!!

Hinanap ko ang file nila at kinuha ko ang number ng hinayupak na yun!

Kakausapin ko siya! Sasabihin ko na sa iba nalang sila magpakasal.

*ring*

" hello? Sino to?" Sabi ng nasa linya.

" magkita tayo! Kailangan nating mag usap!" Inis na sabi ko!

Punyemas naman e! Kahit ayoko siyang kausapin kailngan!

Ano ako baliw?! Aayusin ko ang kasal nila? Wow lang huh! As in wow!

" okay..*deep breath* saan at anong oras." Yung bosses niya hindi ko maexplain kung malungkot ba o sabik.

" 5pm. Sa cafe diyan sa harap ng hotel namin. Sumipot ka! " then i ended the call.

Ang tapang mo ashe! Ang tapang tapang mo!

" hoy. Bakit lutang ka diyan?!" Iritang sabi ni oh! And demonyita ng hotel. Si devone!

" pakeelam mo kung lutang ako?! Pwede ba dun ka sa department mo ha!" Pambabara ko sa kanya.

" ts! " tsaka na siya tumalikod.

Leche to! Isa pa to e! Isa pa tong panggulo sa buhay ko!

Haay! Sumasakit ang ulo ko.

Devone sandoval's pov

" psh!! Peste talaga yung babaeng yun!" Aaaiissh!!! Nakakasira ng araw!

Naglalakad ako sa hallway ng biglang may nakita ako.

" oh! Si super crushy!!!" Kinikilig na sabi ko tsaka ako nagtago sa may poste ng hallway. Malapad yung kaya hindi ako makikita.

Inayos ko ang buhok ko at nang makuntento ako.

Naglakad na ako with poise.

Nang magkasalubong kami kunwari matitisod ako.
.
.
.
.
.

And boom! Sinalo niya ako friend!!
Hahahaha!

Ang galing ko talaga!

" oops! Are you okay?" Sabi ng ceo ng hotel. He is lance mariano.

My super crushy!!
Gagawin ko ang lahat para lang makuha siya.

" okay lang ako.." Tapos tinitigan ko ang mga mata niya.

Ang gwapo niya talaga.

Umayos ako ng tayo at nagpacute sa kanya.

" sa susunod mag iingat ka ha." Bakit parang nag aalala siya??

Yiih!! Kahit ceo siya down to earth siya. Hindi niya kami tinuturing na iba . Kahit empleyado niya lang kami.

" uh-ye-s." Nauutal na sabi ko.

" okay .. Mauna na ako." Tsaka siya ngumiti.

Ako?? Naiwan lang na nakatayo. At kinikilig!!! Hahaha. Sabi ko na type niya din ako e! Kiyyaaahhh!!!




--

Assumera si devone no?! Hahaha!
Sadyang mabait lang talaga si lance. Ambisyosa naman ang lola niyo! Haha.

Read.vote.comment plus follow me and i'll follow you back.

Gusto ko sana agad matapos to. ^^ sana matapos ko agad. Just keep on reading.. Love you guys! Muuaah!!:)

My secret love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon