Chapter 4

5.4K 117 5
                                    

Ashe andersons's pov

" aiishhh! Sakit ng ulo ko." Pupungas pungas na sabi ko.

Huh?! Nasan ako?? Nasa hotel ba ako??

Nag ayos ako tapos bumaba na.

Habang naglalakad ako sa hallway yung mga staff nagbubulungan tapos tingin sa akin.

Luh!! Problema ng mga to!

" wedding manager ashe!!!!" Tili ng isang bosses.

Paglingon ko. Nakita ko si devone.

Patay!!!

Tumakbo ako!
Basta takbo lang ako.
Ano nanaman kaya ang sasabihin sa akin neto.!!

" hoy! Bruha ka! Tumigil ka! " sigaw niya pa.

Hanggang sa dead end na. :/

" walang hiya ka..*hingal* pinagod mo ako!" Sabi niya.

" ano ba kasi yun?! " hingal din na sabi ko. Para lang kaming tanga kasi naka heels kami tapos tumakbo pa. Hehe.

" bakit ka nagpakalasing?! At alam mo ba kung ano ang mga sinabi mo kay ceo kagabi?! Huh?! Natatandaan mo ba?!" Nanggigil na sabi niya.

Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi.

At napatakip nalang ako ng bibig.

Talaga bang sinabi ko yun??!!!

" ah-eh wala naman akong natatandaan eh." Patay malisya na sabi ko. Tapos aalis na sana ako nang bigla niya akong hinila.

" wala kang natatandaan?!! Gusto mo bang ipaalala ko sayo?!!  Ts! Nagpropose ka lang naman kay ceo! Inaya mo siyang magpakasal!!" Sigaw niya sa akin.

" ah. Ganun ba hehe." Tapos lakad takbo ang ginawa ko palayo sa kanya.

" hoy! Di pa tayo tapos! Ashe!!!!!" Inis na sabi niya.

At tuluyan na akong tumakbo. Baka mahabol niya ako mahirap na! Hehe.

Hindi pa ako nakakarating sa office ko nang makasalubong ko si ceo.

Nakakahiya man pero wala na akong magagawa. Lasing ako nun e. -.-

" goodmorning.." Nahihiyang sabi ko.

" pwede ba tayo mag usap?" Sabi niya.

" s-ige po." Sabi ko nalang tapos sinundan ko siya.

Whoo! Kinakabahan ako! Kagagahan kasi e ashe! Bakit mo ba ginawa yun?'

Umupo kami sa may garden ng hotel.

" tungkol sa sinabi mo kagabi.." Paninimula niya.

Agghh! Sabi ko na nga ba e. !!

" ah! Pasensya ka na ha.. Lasing kasi ako kagabi.. Alam mo na.. Pag lasing nawawala sa katinuan.. Kaya pasensya ka na ha?? " sincere na sabi ko.

" ah ganun ba?? Akala ko pa naman seryoso ka sa sinabi mo.." Sabi niya na parang nanghihinayang.

Seryoso?? Bakit. Type niya ba ako?? Haha. Oyy ashe ! Wag ka mag illusyon!

" pasensya na .." Sabi ko ulit.

" okay.. Kapalit nang paghatid ko sayo dito sa hotel .. Hmm. Magdinner tayo mamaya."  Oh my! Dinner daw! Whoo!!

" o-sige.." Sabi ko nalang. Tsaka para makabawi nadin ako sa abala ko sa kanya.

Eto na ba ang umpisa ng love life ko?!
Lord! Siya na ba?! ^^



---

Chase fuentes pov.

" alam mo ba kagabi.. Si wedding manager ashe nagpropose kay ceo! Ay kaloka girl! " sabi nung isang staff ba yun?? Nagpantig yung tenga ko dun ah!

" ay oo nga! At alam mo anong sagot ni ceo?!! *kilig* oo daw girl! Pakakasal daw siya kay wedding manager ashe! Oh my gosh! Sila na! At bagay sila! " sabi nung isa pa.

Rinig ko yan habang naglalakad akong papunta sa office ni ashe.

Ano naman ang pinagsasabi ng mga to?! Si ashe nagpropose? Imposible!

Mas lalo kong binilisan ang mga hakbang ko papuntang office niya.

Ts! Kung totoo man yun. Bakit kailangan siya pa ang magpropose?! Ganun ba talaga siya kadesperada?!!

Ashe anderson's pov

" mam. Nandyan napo ang groom." Sabi ni mae.

" okay sige papasukin mo nalang." Sabi ko .

Yes!! Inaatras niya ang kontrata sa wakas!'

" upo ka.." Sabi ko nang makaposok siya.

" heto pumirma ka nalang dito. At tuluyan nang macacancel ang kasal niyo dito." Masayang sabi ko. Yung ngiti ko abot hanggang tenga.

Sa wakas! Makakahinga na ako ng maluwag! * evil grin*

" sinong nagsabing pipirmahan koto?" Sabi niya tapos kinuha ang kontrata at pinunit iyon.

Reaction ko?! Laglag ang panga ko sa mga sinabi niya at ginawa niya!

" tuloy ang kasal ko dito. At ikaw*turo sa akin* ikaw ang maghahanda nun." Aba't !! Siraulo to ah! Sabi niya aatras na siya tapos ano to?!

" akala ko ba aatras kana ha?! Ano nanaman ba ito?! " iritang sabi ko.

" binabawi ko na! .. sabi nila nagpropose ka daw.. Ts! Wow lang. Kababae mong tao! Nakakahiya ka." Sabi niya tapos tumayo na siya.

At ano namang connect nun?!
At paano niya naman nalaman?!

" tandaan mo to. Dito ako ikakasal at ikaw ang gagawa ng kasal ko! Maliwanag ba!?" Then he walked away.

Arrgghhh!! Di pwede to!

" chase !!! Bumalik ka dito!!!" Sigaw ko tapos lakad takbo ang ginawa ko para maabutan siya.

*hingal*

" kailangan mong pumirma!!" Galit na sabi ko.

" ayo.ko." Yung itsura niya sarap hambalusin ng timba!! Yung stainless na timba!

" bakit ba?! Ano bang connect nun! "

" wala. Basta dito ako magpapakasal tapos." Then he walked away again.

Buisit! Buisit! Buisit!!!!!!!

Chase fuentes! Isinusumpa kitang leche ka!!!

---

Read.vote.comment plus follow me and i'll follow you.

My secret love (Complete)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang