5th Escape

52K 737 185
                                    

A/N: HAPPY 90K READS!!! HALURRRRR MGA BEKS!!! THIS IS IT PANCIT!! ENJOY! ❤️

Jheis' POV

Mas maaga akong nagising kesa sa higad kong losyang, charot keme lang! So ayern, we ended up here in my room. Pagkatapos ng sesh kagabi ay inakyat ko na agad siya. Pagoda ang ate mo gurl!

Hinawi ko ang buhok niya mula sa mukha niya. Kajirits! Mas makinis talaga ang feslak niya kesa sakin! Natatawa ako kasi nakaawang yung bibig niya habang natutulog.

Everything made sense last night. Kaya lang siya nagpapakahigad dahil gusto niyang pansinin ko siya. Pero bakla ako diba? Dapat mga Adan lang ang sinasamba at pinapantasya ko. At siya, bilang Eba, ay hindi nararapat dahil karibal ko siya sa kagandahan.

Pwede naman yern diba? Yung babae ka kumilos pero babae din ang betsung mo? Or ako lang yun? Ano? Lesbiana lang ang peg?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihing mahal ko siya. Kasi yun naman talaga ang nararamdaman ko. She can't have another gay in her life! Bunutin ko isa isa bulbol niya eh! At dahil napikon na naman ako, sinampal ko siya.

"ARAY!!! Jheis Drico, bakit mo ako sinampal?!" Napabalikwas siya at hinimas himas ang pisngi niya.

"Kase I heart you!" Ay oh kumikire, nagbublush ampotcha!

PAKKKKKK

"Walanghiya ka talagang higad ka! Bakit mo ako sinampal pabalik?!" Handa na akong hablutin ang bed hair niya nang mabilis nyang nahawakan ang kamay ko. Pinagintertwine niya at nagkatinginan kami. Ang corny neto pwe!!!!

"Kasi I heart you too, bakla!" Sabay halik sa kissable lips ko. Aba! Para-paraan ang higad!

Napangiti naman ako. Kenekeleg eke ee ne! Tinulak ko siya pahiga saka pumatong sa kanya.

"Kahit bakla ako?"

Umiling siya. "Kahit ano ka pa, Jheis. Kahit anong gawin mo sa sarili mo, mamahalin parin kita." Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa dibdib niya. "My heart got used to you that it only beats for you and you alone."

Grabe naman magpakilig ang babaeng to! To the highest level.

"Alam ko din naman na ayaw mong maging buff yang katawan mo dahil gusto mo mas sexy at slim ka kesa sakin." Pinisil niya ang pisngi ko at pinanggigilan ito.

"Hindi ka attracted sa boys?" Umiling siya.

"I've always wanted a gay for my partner and best friend." Pinaglaruan niya ang buhok ko. "And I'm so glad I've chosen to chase you down."

She grabbed my chin closer. At ngayon magkadikit na ilong namin. Ansaavehhhh?

"Will you be my gayfriend? And my gay bestfriend?" I can't help but smile. Tumango ako and I sealed my decision with a kiss.

Ang saya naman kapag tanggap at mahal ka ng isang tao. Hart hart na dis! ❤

Velvet's POV

Kakatapos ko lang maligo at sumunod naman si Jheis. Nagulat ako nang makita ang mga damit na isusuot ko. Sa kanya ba lahat to? May panty, bra, pedal pants at blouse. Wow ang conservative naman ng gayfriend ko.

Sinuot ko ang mga iyon at saktong lumabas si Jhe.

"Ikaw ha, ang conservative mo na pagdating sa akin! Yiiie!" Inirapan niya ako sabay ngiti habang pinapatuyo ang buhok niya using his towel. Nakapagbihis na din siya.

"Gaga. Ayoko lang na mas bongga outfit mo kaysa sakin." Ay medyo umasa ako. "Tska para di ka nila pagtinginan lalo na yang legs mo." Omg is he jealous?

"Selos ka ba pag may tumitingin sa legs ko?" Lumapit ako sa kanya at nasa likod na niya ako. Nakaupo siya sa harap ng desk niya. I wrapped my arms around his neck. "Sayo lang naman ang legs ko eh."

"So ganern? Legs lang? Ano KFC lang ang peg?" Natawa ako sa remark niya. Ang funny talaga this gay!

I tilted his head to my direction and quickly pecked his lips. "Baliw! I love you talaga!"

"I love myself din. Chos! I love you too."

"Halika na nga, may pupuntahan tayo!"

"Saan naman? Teka ipapahanda ko yung kotse."

"Magbabyahe tayo ano ka ba."

"Seryoso ka gurl?"

"Damn serious. Let's go na!"

Nakaalis na kami ng bahay nila at nagiintay na kami ng jeep. Ang cute lang kasi first time niya daw magcocommute! Kiligers naman ako dahil ako ang unang kasama niya sa journey na ito.

Pinauna ko siyang pasakayin tapos sumunod ako. Uupo na sana ako sa tabi niya, as in my space na for me to take kaso bigla namang umusod si kuyang epal. Dahilan para siya ang maupuan ko.

I swear I felt his hard on pagkaupo ko sa kandungan niya. Agad kong pinausod si Jheis para magkatabi kami pero katabi ko parin yung guy. Nakakahiya kay Jheis!! Ugh!

"Kuya, usod ka naman, maluwag naman sa kanan mo oh." Pero para siyang walang narinig. Okay. I focused on Jheis. Ang sama na ng tingin niya sa guy na katabi ko.

What's worse eh binubrush niya na yung palad niya sa legs ko! Nakapedal naman ako ngayon pero bakit naman legs ko palagi ang target? Kinukurot ko si Jheis, I'm asking for help. Masikip na kasi yung jeep, ang daming sumakay. 

"Higad, palit tayo ng pwesto ha?" Pero bago ako um-oo ay nakipagpalit na siya. "Patry din ako hihi." Leche! Akala ko ipagtatanggol na niya ako. Amp!

Lumingon na si kuyang bastos sa gawin namin at nagulat siya na legs na pala ni Jheis ang hinihimas niya. Nanlaki ang mga mata niya at itinigil ang ginagawa niya.

Pero binawi ni Jheis ang kamay ni kuyang bastos.

"Ano na kuya? Bakit mo tinigil? Makinis din naman legs ko ah?" Pangaasar ni Jheis. Jusko ang baklang ito, napakaewan talaga.

"Puta kadiri." Narinig kong sambit ng manyakis.

"Kadiri?! Eh tarantaders ka pala talaga eh!" Saka hinablot ni Jheis ang hair ni kuyang manyakis tapos hinila. So parang nakalabas na ang ulo ni kuya sa jeep pero sinasabunutan siya ng gayfriend ko.

Inumpog umpog niya ito sa matigas na bakal ng jeep. "PAG SA MGA BABAE HINDI NAKAKADIRI HA?! EH GAGA KA PALA EH! PITIKIN KO BALLS MO!" Poor guy.

Kaya ayan, wag nyo gagalitin ang mga bakla lalo na pag di ka naman gwapo at yummy.

Binitawan niya ang buhok nung guy tapos sinampal ng malakas. Yung tipong Lucy and Irene from Tubig at Langis!

"WAG MONG BABASTUSIN ANG GIRLFRIEND KO!" Sabay pinicture-an yung guy. Oh no. Lagot ka sa baklang yan!

"Hoy patigilin niyo nga tong jeep!" Halos lahat ng pasahero natakot kay Jheis kaya sabay sabay silang nagpara.

"Thank you! Byers!!" Pinauna ako ni Jheis na bumaba at sumunod siya.

Natulala lang ako at namumula. Dati rati ako yung pinapahiya niya, ngayon naman ako na yung pinagtatanggol niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you! Thank you for protecting me. I really love you, Jheis Drico!"

"Bawal ka na kasing hawakan ng iba. Akin kana diba?"

Sasabog na ako sa kilig. Lumalabas ang sweet bone niya!

Sexcapade With A GayWhere stories live. Discover now