Prologue

74 7 37
                                    


SELOS? Nararamdaman yan kahit wala kayong relasyon. Basta nasanay ka na laging nasayo ang atensyon.

Gaya ng bestfriend ko. Lagi ko siyang kasa-kasama. Sa ekwelahan man, sa mall, sa lakad ko, at sa lahat ng kalokohang pinaggagagawa ko. In short, siya palagi ang kasama ko. Nakakatuwa nga eh, kahit sa pag-text, siya parin ang ka-text ko, sa pag-chat, siya parin. At maski sa video call siya pa rin! Kung tutuusin, para na kaming mag-jowa sa ginagawa nami . Pero hindi.

Malabo.

Hanggang kaibigan lang ako sa kanya. Pero ako? Hindi ko inaasahang mahuhulog ako sa kanya. Pero siya, manhid!

Manhid na pwedeng maihahalintulad sa bato. Hindi nga nasasaktan, pero nakakasakit naman.

Oo ansakit-sakit. Yung pinapakita niya sakin. Yung mga haplos niya. Yung ngiti niya. Yung mga comforting messages niya. Yung pagsasabi niya ng 'I miss you at I love you friend' ay pang-kaibigan lang. Para sa kanya, walang malisya!

Ayaw kong sabihin sa kanya na mahal ko na siya, pero pinakita  at pinaramdam ko yun sa kanya. Dahil natatakot ako, natatakot akong masaktan. Pero dahil mapaglaro ang tadhana, hindi ko aakalaing mayroon siyang mamahaling babae.

Oo wala akong karapatan pero hindi ko mapigilang di masaktan at magselos.

Haaay, kailanman hindi mo talaga  mapipilit ang isang tao sa mga bagay na ayaw niya at kung mapipilit mo man sya asahan mo, hindi siya masaya.

Kahit labag sa kalooban ko, palalayain ko na lang siya. Sapat na ako sa katagang,  'kung saan siya masaya, doon na rin ako.' Wala naman akong magagawa eh, isa lang akong hamak na kaibigan niya.

*sigh*

Minsan kahit mahal mo, minsan kailangan mo rin siya bitawan lalo na pag nasasaktan ka na. Sana sumaya ka bestfriend, I love you. :'(

***
to be continued...

I Love You Bestfriendजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें