/Hugot 103

23 0 0
                                    


Lyca's Hugot

Bumaba na ako sa kotse ko at pumasok na sa Mall. Well susulitin ko na araw na 'to. Bibilhin ko lahat ng gusto kong bilhin. Tutal siguro, masaya na si bestfriend ngayon, edi magpakasayana rin ako. Ano ako da-drama nalang forever? Psh, wala ngang forever eh! -__-

Pumasok na ako sa entrance ng Mall at as usual, nagche-checkpoint si Manong Guard.

Hay. Parang pag-ibig lang.

Bakit kailangan mo pang siguraduhin na mahal ka niya kung halata namang wala lang siya sayo.

Parang ako ngayon, chini-check ni Manong Guard kung may killer weapons, bomba at droga akong dala sa bag ko pero wala.

Tss, sayang effort!

Lumakad na ako at pumunta muna sa isang parlor. Gusto kong magmake-over!

"Goodmorning Ma'am!" nilagpasan ko lang yung babaeng nasa entrance ng parlor. May pagoodmorning goodmorning pa siyang nalalaman! Di niya ba alam ang kalagayan ko ngayon? Na kaya ako pumunta dito sa parlor nila dahil gusto mong magmove-on! Gusto kong i-move yung nararamdaman ko sa bestfriend kong nakaka-turn on.

Lolz, ang corny ko na.

"Hey ma'am! What  can we do for you?" tanong nung baklang shrek. Bakla na nga, mukhang shrek pa. In short, pangit siya.
At tanga pa! Malamang kaya ako pumunta dito para magpa-gupit, magpa-make up at magpa-ganda! Salon nga eh. Obvious na nga, di pa nahahalata.

Parang pag-ibig. Halata na nga na gusto mo siya pero nagbubulag-bulagan pa. Ansarap lang ingudngod sa inidoro ano?

Tss. -___-

"I want a super duper mega hyper kame kame wave transformation." sabi ko na lang. Ano pang silbi kung mamalditahan ko pa? Sayang lang yung effort ko noh! Sayang lang kung sa maling tao lang mapunta.

Gaya ng letseng love na yan! Anong silbi kung mage-effort ka pa sa kanya kung alam mo namang walang patutunguhan ang mga effort mo? Edi nagmukha kang tanga at kaawa-awa! Mawawalan ka ng pera at lakas, masasayang pa ang oras mo. Edi tsugi ka!

Pero sasabihin ng iba, "hindi man ako mahal, atleast pinakita at ipinaramdam ko yun sa kanya. Nasa kanya na lang kung mamahalin niya ako o hindi."

Sino sila? Sila ang mga taong todo-todo ang pagmamahal sa isang tao pero sinasayang lang ng mga iba. Sila yung mga sobrang umasa sa mga feeling magaganda at gwapong mga pa-asa! Pero wag tayong mag-aalalang mga sawi sa pag-ibig ngayon, maniwala tayo sa karma. Sabi nga sa twitter, What goes around, comes around. Let karma finish it! Move-on lang!

Tumayo ka sa kama, inhale exhale. MOVE forward. MOVE backward. MOVE forward. Forward. Backward. Switch ON the light. Forward. Switch off the light. Smile na naka-wacky. MOVE forward. Forward again and smile na parang ngiting aso. Switch ON the light again.And repeat all 3 times.

Pero wag niyo yang pansinin, kabaliwan ko lang yan.

Bahala kayong mag-move on. Malay ko ba kung paano.

Haaays.

Nagsimula ng mag-trabaho ang mga baklang shrek. Alangang tutunganga pa sila?

Remember the Law of Inertia?

Hindi gagalaw ang isang bagay kung hindi mo ito gagalawin.

Kung hindi ka gagawa ng paraan para mapansin at maparamdam mo na mahal mo siya, eh di hanggang tingin ka na lang sa kanya!

Ouch! </3 Naalala ko na naman siya. Parang natamaan ako sa sarili kong hugot ha? Bakit ba talaga ako nabi-bitteran sa kanila? Bakit ba kapag naaalala ko siya naghu-hugot ako? Bakit ba lahat na lang ng bagay binibigyan ko ng hugot?

Sa katunayan nga wala akong karapatang mag-ala brokenhearted dahil in the first place, hindi ko sinabi sa kanya na mahal ko siya. Pinaparamdam ko lang sa kanya yun, pero dahil kaibigan ang turing niya sakin, wala lang yung mga ginagawa ko. Walang malisya!

Kaya siya, walang kaalam-alam sa kalagayan ko ngayon at nandoon siya sa girlfriend niya—hindi ko alam kung sila na pero doon rin naman ang patutunguhan nila diba?—at siguro nagpapakasaya na sila ngayon.

Minsan kailangan mo ring ilabas ang tunay na nararamdaman mo, mas masakit kung sinasaloob mo lang lahat... mas lalo ka lang masasaktan.

Hindi ko alam pero after I remembered those words, I felt my tears falling down on my cheeks.

Gosh, I'm crying.

***
to be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You BestfriendWhere stories live. Discover now