Chapter 4 - Señorita

565 16 1
                                    

Chapter 4

Señorita

“Saan punta mo Adrianna?”

Parang magnanakaw na nahuli sa aktong napatalon ako bigla sa gulat. Si Lolo naman kasi, out of the blue na lang nagsasalita. Ang tahi-tahimik tapos biglang ganun. Eh itong mansion pa mandin ni Lolo, lumang-luma na. Tindig balahibo talagang makarinig ka na lang magsalita matapos ang nakakabinging katahamikan.  

Speaking of the mansion, maganda naman talaga iyon dahil Spanish style. Pati mga muwebles ay mga antigo. Pang museum na nga eh. Yun nga lang, alagang-alaga ang bahay at mga laman nun kaya makikita mong maayos at maganda pa rin lahat. Ngunit syempre, hindi pa rin maiiwasang kabahan na lang ako bigla dahil ang alam ko mag-isa ko lang, then may nagsalita na lang. Kahit sino naman di ba?

“Lolo naman eh, tinatakot niyo ako,” nakaingos kong wika rito.

Lumapit ito sa akin.

“Kow, hija, ikaw lang nanakot sa sarili mo.”

“Eh kasi naman –“ natigilan ako ng makita ang orasan sa grandfather’s clock sa may tabi. “Mamasyal lang po ako Lo.”

“Saan?” taas kilay nitong tanong.

“Diyan lang sa tabi-tabi.”

“Saang tabi-tabi?”

“Lilibutin ko lang po ang hacienda Lo.”

“Senyang!!!” bigla nitong sigaw.

“Ha? Bakit niyo po tinatawag si Senyang?” takang tanong ko.

“Hintayin mo na si Senyang at sasamahan ka niya.”

Agad akong nagprotesta. “Huwag na po Lo. Diyan lang ako sa malapit. Isa pa, hindi naman ako mapapahamak sa loob ng hacienda. Takot lang nila sa iyo kung sakali,” biro ko rito and the same time reason out ko para mapanatag loob nito.

“Pero hija –“

“Lolo, please! Promise, I’ll be back before lunch. Gusto ko lang talagang mag-enjoy dito sa inyo ngayon.”

Lumambot mukha nito. “Sige hija. Pero kapag wala ka pa dito ng lunch, ipapahanap na kita sa mga tauhan ko,” may halong birong sagot nito. Alam kong hindi lang iyon biro. Siguradong gagawin nito iyon. Nag-iisang apo kaya ako.

“Promise Lo. Sabay tayong kain ha.”

“Oo hija. Nagpakatay ako ng baboy para sa pagdating mo.”

“Kawawa naman yung baboy!” komento ko at tukso ko kay Lolo.

“Ikaw talaga hija. Pero mamaya, ikaw naman numero uno sa pagkain ng kinaaawan mong baboy.”

Napakamot ako ng ulo. “Syempre naman po, para may papupuntahan ang pagsakripisyo niya ng kanyang buhay para sa aking pagdating.” Naks! Lalim na Tagalog!

“Sige po Lo, mauna na ako,” paalam ko na.

“Ingat ka hija. Ayaw mo ba talagang pasama kay Senyang?”

“Di na po. Isa pa, I’m a big girl now.”

“Big. But still a girl hija.”

“Okay. I’m a young lady now,” revised ko sa statement ko.

Natawa si Lolo. “If you say so hija.”

At tuluyan na akong naglakad paalis ng bahay.

*******

Noong una ay parang nanibago ako sa paligid ng hacienda. Kalaunan nga lang ay parang bumalik sa akin ang lahat mula noong una at huling pagbisita ko. In fairness, kahit maraming nagbago sa hacienda, hindi ko pa rin nakalimutan pala ang pasikot-sikot doon. Ako ba naman kasi dati nung bata pa lang na halos araw-araw naglalaro sa paligid ng hacienda. Mabuti na lang at likas akong maputi at hindi ako nangingitim kahit magbilad ng matagal sa araw. Namumula lang balat ko at babalik ulit sa dating kulay paglipas lang ng ilang oras.

The Almost 10 Years Gap (Slow update)Where stories live. Discover now