Chapter 21

8.2K 154 1
                                    

Czar POV
Nagising akong walang ka tabi sa kama. Tinignan ko ang orasan malapit ng mag 11am. Tagal ko palang nakatulog.

Bumukas ang pinto at pumasok si Kate na may napaka gandang ngiti sa labi.

"Gising kana pala, gumawa ako ng meryenda here"sabay lapag niya sa lap ko ng tray ng pagkain.

"Pinapataba mo yata ako? *chuckles *"

"What do you think?. "sabi niya sabay tayo ay lumapit sa closet niya at binuksan ito.

"Okay lang sa akin ang tumaba, ikaw ba naman ang palaging nagpreprepare ng food palagi akong gaganahan"sabi ko

"oh, tama na yan mister. Cge na. "

Nakita kong cookies ,chips at juice ang nakalagay sa tray. Kumuha ako ng cookies at kinain ito. Bagay siyang magtayo ng sarili niyang bake shop ,or should i ask her for her recipes para sa hotel and restaurant business namin?

Nakita ko siyang may kinukuha sa ilalim ng kama. Tutulong sana ako ng makita kong isang malaking maleta ito.

Anong gagawin niya jan? A-aalis ba siya? Iiwan niya ako? Hindi yan kasal na nga tayo sa kanya eh. Pero baka ayaw niya maging luna kaya aalis siya. Tss, ewan ko sayo.

Para akong na nuno ng makita kong nilipat niya yung ibang damit niya sa maleta at yung iba inilabas niya at isa isang tinupi yung mga naka hanger.

Napatayo ako at pinigilan ko siya sa ginagawa niya pero winaksi niya lang yung kamay ko at bumalik siya sa pagtutupi.

"Hey stop that"awat ko pero hindi siya nakikinig.

"Dun ka nga, ubusin mo yung pagkain"

Kinuha ko yung maleta at binato sa dingding. Nanlilisik ang mata kong ipinukol sa kanaya.

"Hindi ka aalis, dito ka lang. "matigas kong sabi

"At bakit, ayaw mo na ba sa akin?"naguluhan naman ako sa tanong niya

"Anong pinagsasabi mo. Basta walang aalis sa bahay na ito"seryosong sabi ko

"Bakit sino bang aalis? "pabulyaw niyang tanong sa akin

"Tinatanong mo sa akin yan samantalang ikaw itong nag eempake? "pagdidiin ko ng salitang ikaw at eempake.

"Hahahahaha. Te-teka hahaha, whahaha. I c-cant haha ta-take it hahahah haha. Okay seryoso na haha"halatang nagpipigil pa rin ito sa pagtawa hanggang sa di na niya napigilan.

Nangiyak iyak siya sa kakatawa. Pinahid niya ang luha niyang lumabas dahil sa kakatawa. Samatalang ako seryoso lang.

"Nakakatawa"sarcastic tone

"Tulungan mo nalang ako dito. Tss. Wala tuloy akong paglalagyan. Tss, ikaw magbuhat ng lahat ng to papunta sa kabilang kwarto. Akala mo ah,palitan mo rin yung maleta kong yun. Bigay pa sa akin ni lolo yun, ka bago bago sinira mo. Maglilipat lang naman ako ng gamit sa kabila eh "derederetsong sabi nito.

Dun palang nag sink in sa utak kong lilipat na pala siya sa kwarto ko. Nabobo na yata ako, ikaw kasi, pagbibintang ng sa lobo sa akin. Pasenya naman bro, hindi ka pa nasanay sa akin .Sanay na ako ,sanay na sanay. Tss bobo.

Hindi nalang ako nakipag argumento pa dahil matatalo rin naman ako.

Tapos na ang pag rerenovate sa kwarto. Tinulungan ko siyang magligpit at talagang pinabuhat niya lahat sa akin ang gamit niya.
Pati kama pinalipat niya. Hindi kasi siya sanay sa ibang kama kaya nahihirapan siya madalas makatulog ,okay lang sa akin na eto nalang ang kama namin tutal malaki naman siya.

She's my MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon