Chapter 27

5.5K 95 1
                                    

Kate POV
Nagising akong walang katabi sa kama. Ang aga naman yata niyang nagising.

Mahapdi ang mga mata ko. Hah, i got 2 luggage's.

May nahagilap ako pulang rosas sa may table at may sulat pa pala.

Wife
Hey, naalala mo ba yung sinabi ko kagabi? Siguro pag nabasa mo ito nasa malayo na kami. Huwag kang masyadong mag alala sa akin I'm with your best friend . He will help me kaya ikaw huwag mong iistress ang sarili mo. Be healthy, be safe. Take care of our baby.

Ill be back wife. Huwag mong isipin masyado ang prophecy kasi gagawa ako ng paraan.

I love you so much
Take care while I'm away.

Umalis na pala siya. Hindi ko man lang nalaman na ngayon siya aalis.

Hinawakan ko ang tyan ko. "Magtiwala tayo kay daddy ha baby" .Hindi ko alam pero hindi ako naiiyak ngayon na wala si Czar sa tabi ko. Marahil naubos na ang luha ko kakaiyak ng magdamag.

Kung kasama niya si Xander ibig sabihin mag isa rin si Celine. Should i call her?

*ringgg*tinignan ko ang phone ko. Okay just in time .

"Hey, good morning "bati ko kay Celine .

"Good morning, I'm on my way at your house. My mate is with your hubby so i want to accompany you also"

"Haha. Yeah, ill wait for you then. I'm hanging up. "this will be fun. Bonding with Celine. I should call Ven also para masaya. Tutal busy rin naman si Von.

"No. Wait ,hindi pa ako kumain. Haha. Prepared some food for me. Hah? Okay bye. "she ended the conversation.

Tinawagan ko muna si Ven at pumayag naman siya agad. Ayaw rin daw niyang makita si Von. Nag away yata ang dalawa.

Saktong natapos kong gumawa ng waffles ng dumating si Celine at Ven. Pinakilala ko muna sila sa isat isa bago ko sila iniwan para kumuha ng inumin.

We chatted while eating the food. Mabuti nalang at may kaibigan akong makausap.

Napilit rin ako ng dalawang dumalaw sa clinic nila dito. Kaya heto kami hinihintay ang resulta ng test.

Healthy naman raw ang bata. Pero kaylangan ko raw maging maingat sa mga galaw kasi ang nasa sinapupunan ko raw ang magiging Alpha nila paglaki nito. Wala pa nga eh, excited sila masyado.

Kinailangang umalis ni Celine kaya kami nalang ni Ven ang natira. Sasamahan ako ni Ven ngayong gabi kasi ayaw niyang umuwi sa bahay ni Von.

Ang cute talaga nila. Ven at Von,bagay talaga sila. Natawa nalang ako sa pinag awayan nila.
Kasi naman itong si Ven hindi marunong magluto at dahil dun may nasabi si Von na ikinagalit niya sabi ba naman kasi " Maghahanap nalang ako ng ibang mate kung ganyan ka. Wala ka man lang alam lutuin? Magugutom ako sa iyo"kaya yun nagkaroon ng world war 3 ang dalawa.

I cant blame Von for that kasi most men love a woman who knows how to cook. Mabuti nalang at marunong naman ako.

"I can teach you if you want" pag anyaya ko sakanya.

"Pero, baka masunog ko itong bahay niyo magalit pa sa akin si kuya at pa alisin ako dito sa pack"

"Hindi yan, i will guide you naman eh. "

Pumayag naman siya. Mabuti na rin ito para may pagka abalahan ako habang wala si Czar. Mas malulungkot lang ako pag iniisip ko siya masyado.

Habang tinuturuan kong mag saing si Ven, oo hindi siya marunong magsaing kaya naman pala ganun nalang si Von ,speaking of the devil. Ayan dumating si Von na humahangos.

Hindi pinapansin ni Ven si Von .Patuloy parin siya sa pag huhugas sa bigas. Masyado nang malinis yung bigas sa pauulit ulit niyang paghuhugas nito.

"Ehmm. Bakit Von? "pagbabasag ko ng katahimikan.

"Kanina pa kasi ako naghahanap ng aso na hindi marunong magluto ,akala ko umalis na siya yun pala nandito lang "pffft. Hahaha.

Napansin ko ang matalim na tingin na ipinukol si Ven sakanya. Pffft.

"Kate, bakit nagpapapasok ka ng malanding aso dito sa bahay niyo? Masama yan sa kalusugan ng pamangkin ko"huh?paki connect?

"Anong malanding aso ka jan? "sigaw ni Von.

"Umalis ka nga na aalibadbaran ako sa pagmumukha mo, chupi"

"Ven naman eh, uwi na tayo. Alam mo bang nag alala ako sayo ng sobra. Akala ko umalis ka na,o di kaya napahamak ka" omo ang cute nila mag sagutan.

"Wala akong paki, alis"malamig na turan ni Ven.

Tinignan ako ni Von na waring humihingi ng tulong. Tss

"Sorry Von, dito muna matutulog si Ven. Okay lang kung dito ka rin para may bantay kami"

"Okay, so. Nag aaral kana magluto ngayon. Inabala mo pa si Kate, eh kung sa akin ka nalang nagpaturo edi maganda"

Hindi matigil ang pikunan at tuksuhan ng dalawa kaya pina alis ko sila sa kusina at ako nalang ang magluluto.

"Kate dun ako sa tabi mo matulog mamaya hah? "masayang sabi ni Ven

"hah. Okay lang sa akin pero " lumingon ako kay Von na tahimik lang habang kumakain "mukhang may ibang may gusto na makatabi ka sa pagtulog. " tuloy ko

"pero-"pinutol ko ang sasabihin niya.

"Ven ayusin niyo muna ang away niyo. Mas lalo lang kayong magkakagalitan niyan pag ganyan ka. Magusap na nga kayo" Ayaw pa kasi mag ayos ng dalawang ito. Pataasan ng pride. Ewan ko nalang kung san sila dalhin niyan.

"Ikaw kayo na ang bahala dito. Akyat na ako, busog na ako. Paki ayos nalang yung mga pinagkainan natin. Salamat. " iniwan ko na sila at umakyat sa kwarto namin.

Parang masyadong malaki ang silid na ito ngayong wala si Czar. I missed him already.

Sana ayos lang siya.

Sinubukan ko siyang tawagan pero out of reach ito.

Naalala ko nanaman ang prophecy.
Bakit *sniff*bakit kailangan pang maging ganito ang sitwasyon.?

Bakit kami pa ang tinutukoy sa prophecy?

Bakit kailangang mailagay kami sa panganib ng anak ko?

Bakit kailangan kong mamatay?

Madaming tanong na nasa isipan ko ngayon. Pero kailangan kong magtiwala kay Czar.

Magiging maayos rin ang lahat.

Walang mawawala.

Magiging masaya tayong pamilya.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

---------
thanks for reading

She's my MateWhere stories live. Discover now