04.

84.9K 2.7K 127
                                    

Chapter 4

I actually stayed inside this small room with them. Gustuhin ko mang lumabas dahil ayokong makasama sila sa iisang kwarto dahil feeling ko nasusuffocate ako, I didn't mind it. Pinahiram pa ako ni Mario ng upuan niya and he chose to sit on the ground.

Tumingin ako sa relos ko at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang makitang lagpas na ang oras. Kanina pa nagsisimula ang klase ko. Bad trip. 

Tumayo na ako't hinanda ang bag ko sa balikat. I slightly pushed the chair towards Mario. 

"Salamat nga pala. Hindi na ako magtatagal pa dito, aalis na ako."

"Bago ka umalis... May tanong ako." Tumayo si Mario at tiniklop ang binabasa niyang magazine. "Bakit ganiyan itsura mo?"

Natigilan ako sa tanong ni Mario Greg Jung kaya pinasadahan ko ng tingin ang suot ko. Ayos naman, ah. Hindi naman ako mukhang basahan o ano. Even if I disguised, I still looked human. Hindi ko naman hahayaan ang sarili kong magmukhang basahan sa harapan ng mga tao. I just don't get why they're judging me by my looks.

Isang simpleng makapal na frame na eyeglasses at bangs, huhusga na agad sila. I know I wear different outfit from them. Knee-length socks and jacket. Ano naman kung ganito ako manamit? It's part of my plan. O baka sa generation na 'to, mapanghusga na talaga ang mga tao.

"I mean, bakit mo piniling itago ang totoong ikaw kung pwede ka naman magpaganda? Talbugan mo si Suzy. Try to at least look human, Lucy."

Ngumiti lang ako sa kaniya at nagpaalam na. I don't need to answer him. If I leave with no answer, they'll get what I need to answer. Ayoko.

Try to at least look human, Lucy.

Kumalabog nang malakas ang dibdib ko nang may pumasok na idea sa isip ko. Did he know something about me? Alam kaya niyang... Shit!

Did Tyler told them about that night? About the party? Nakita niya talaga ako no'n? Oh my.

Nang makarating na ako sa ground floor ay pinilit kong alisin ang ideyang pumasok sa isip ko. Napaparanoid na naman ako. I should've talked to Tyler in private and begged him not to say a word to anyone.

Dumiretso ako sa banyo dahil nakakaramdam ako ng, of course, ihi. Pero bago pa man ako makatapak sa female's bathroom ay may humila sa braso ko at inikot ako upang magkaharap kami. Namilog ang mga mata ko nang maproseso sa utak ko na si Tyler pala ang kaharap ko—hawak ang braso ko.

"Anong ginagawa mo—"

"Wala akong sinabihan kahit nino," diretsong sinabi niya. Binitawan niya ang braso ko. 

"Paano mo..." I tried to process what he said. Ano bang ibig niyang sabihin? How did he even know about my concern? 

"You looked puzzled by what Mario said. Kaya sinundan agad kita para ipaalala sa 'yo 'yon," sagot niya sa tanong na nasa isip ko. "And I don't have a single intention in telling anybody."

Nakilala niya nga ako no'ng gabing 'yon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at hinawakan siya sa kamay. 

"Maraming salamat!"

We were in the middle of this position—me, holding his hand tightly, and him, looking down at me—when Suzy came into the scene. Nung una'y nagulat siya nang makita si Tyler. Pero nang makitang kasama ko ang ultimate crush niya, biglang nandilim ang paningin niya.

Dali-dali kong binitawan ang kamay ni Tyler at natulak ko pa siya nang konti. He looked confused as what I've done to him after I said thanks. 

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Suzy, looking at me with a disgusted look. 

That Nerd Is A Vampire (New Version)Where stories live. Discover now