14.

66.4K 2.1K 138
                                    

Chapter 14

Miss Suzzane took over the class of Mr. Quijada—ang professor namin na may katandaan na at balita ko'y nagretire na—and she will be the new professor for the whole semester.

"Now," she started. 

Nakapatong ang mga kamay niya sa lamesa habang nakatayo. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng room at nang makita ako, ngumiti siya't bahagyang yumuko at muling nagsalita. 

"I don't want anyone to sleep in my class. The key to your future is to fill knowledge to your brain. Listen, take down notes, and you'll be having a passing grade. Kung basag-ulo ka, babasag din ang ulo mo 'pag nakita mo ang grades mo."

Tumalikod mula sa 'min si Miss Suzzane at sinulat ang buong pangalan niya. Suzzane Riana Fidget.

"Do you understand me?"

The whole class startled from Miss Suzzane's raised voice, so we all answered in chorus, "Yes, Miss Suzzane."

Tumango si Miss at binuksan ang notebook na nasa harapan niya. "Now, I want to know you all more. When I call your name, stand up and tell me about yourself."

* * *

Break time. Nauna akong lumabas nina Reign at Jesse dahil may pinautos si Miss Suzzane sa kanila. Hindi ko napansin si Tyler na nakatayo sa gilid ng pintuan at bigla pa niya akong kinaladkad. 

Oo nga pala. I didn't told him I'd quit the cotillion dance. Si Reign at Jesse lang ang pinagsabihan ko. And I don't have any intention in telling him, either.

"Ano bang problema mo sa 'kin?" galit na galit niyang tanong nang tumigil kami sa paglalakad sa hallway ng east wing, second floor. The hallway's empty and looks like everyone already went to canteen to take lunch.

Tinaasan ko ng kilay si Tyler. "I'm sorry to make you look like a fool. Pero hindi na ako tutuloy pa do'n. Thank you for inviting me to be your partner kahit na ayaw ko. End of conversation."

Akmang tatalikod na ako para umalis sa harap niya nang muli niya akong hinila. This time, he did not let go of my hands. He tried his best to smoothen his expression but failed. Nagka-salubong parin ang kilay niya at ang lamig parin ng mga titig niya.

"Galit na galit na sa 'tin yung trainor. Pati narin ang magbi-birthday. Kapag titigil ka, tayo ang sisisihin nila sa pagkasira ng party."

Umiwas ako sa titig niya. Hindi ako pwedeng madala sa pagpapa-konsensya niya sa 'kin. Hindi ako pwedeng madala sa sinabi niya. No, I shouldn't be listening to him. Madadamay lang sila kapag nando'n ako.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na ayoko na—"

"Bumili ng damit si Mama para sa 'yo. And accessories. She knew you were going to be my partner on someone's debut."

Bumagsak ang balikat ko. Wala na, tapos na. He really drowned me with guilt and now I have to think of a plan.

Una, hihingi ako ng tulong nila Ma Luisa at Papa Aldrin para protektahan ang buong bahay habang nagaganap ang party. I can also call a help to the other vampires. Besides, everyone will be thrilled in taking down Locious.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang muling magsalita si Tyler.

"Last rehearsal na bukas. Meet me there at the dance studio. Six in the morning."

* * *

Mag-isa akong naglalakad pauwi sa madilim na eskinita habang iniisip kung ano ang magiging plano ko at kung ano ang pipiliin ko. This was the same road where I saved Suzy from that vampire. Hindi ko alam kung bakit pero natatandaan ko palagi si Suzy dito kada dadaan ako.

Huminto ako sa tapat ng lamppost na patay-sindi ang ilaw. Tumingala ako dito at bahagyang pumikit dahil sa liwanag. Maglalakad ulit sana ako nang may marinig akong malakas na pagbagsak at parang may nabali pa.

Hinanap ko kung saan 'yon galing. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang isang kulay puting pusa na nakahilata sa malamig na semento, punong-puno ng dugo. Tumingala ako sa ibabaw at sa pangatlong palapag ng gusali, may nakita akong pares ng mata na nakatitig sa 'kin.

A black cat. May something sa noo nito na lumilawanag. When I stared at it to see what's on it, bigla itong tumalikod at umalis na para bang wala lang sa kaniya ang ginawa niya.

That black cat killed this white cat? Pero paano naman niya maitulak 'to?

Lumapit ako sa nakakaawang pusa na naliligo sa sariling dugo. Ngumiwi ako nang makita ang kaniyang buto at laman loob.

Babalewalain ko na sana 'yon nang maalala ko si Andi. She was already in a critical situation yet I saved her life. I mean hindi kritikal kundi wala na talagang buhay. I brought Andi's life back.

Humarap ako sa pusa. Nakakadiri mang tingnan at nakakaawa ang kalagayan niya, lumuhod ako malayo sa dugong nasa paligid niya at inabot ang katawan niya. When I touched its head, para akong masusuka dahil pakiramdam ko pati ang bungo niya ay nawasak.

I closed my eyes to prevent seeing the dead body. I felt a familiar sensation on the tip of my finger. It's burning. And now my eyes felt burning, too. Napadilat ako dahil sa sakit ng mga mata ko. Tiningnan ko ang pusa at 'gaya ng inaasahan, nabuhay ito.

Gumapang pabalik sa katawan niya ang mga dugo at ang mga buto niya ay muling nabuo. Tumayo ito na para bang walang nangyari sa kaniya. She even meowed and purred before leaving.

Nang mawala sa paningin ko ang pusa ay pakiramdam ko may nagmamasid sa 'kin. The burning sensation of my eyes's still there.

Hinanap ko ang may-ari ng matang kanina ko pa naramdamang nakamasid sa 'kin. I tried my best to look around, but I can find no one. The presence isn't familiar. May nagmamasid din sa 'kin noon malapit sa bahay namin but this feeling, the presence, is dangerous and peculiar.

* * *

Kinabukasan ay alas-kwatro ng umaga ay nakabangon na ako. Somebody just knocked on my door and left a huge box. Gusto ko pa mang bumalik sa pagtulog ay tiningnan ko kung kanino galing ang package. 

Para akong nabuhusan ng bagong timpla na kape nang makita ang pangalan ni Ma'am Esmeralda. Dali-dali kong binuksan ang kahon at halos lumuwa ang mata ko sa nakitang mga damit, accessories at isang note.

Couldn't find a pretty dress for you. You can choose with these clothes I bought. See you later!—Esmeralda

Oh fangs. I already expected this pero hindi ko inaasahan na ganito kadami ang ibibigay niya. Ang laki pa ng kahon na pinaglagyan.

* * *

"For real?!"

Tinapat ko agad ang hintuturo ko sa labi ko. Jesse's mouth is really something. Parang nakalunok ng mikropono.

"Tapos magkikita pa kayo mamaya?" tanong ni Reign.

"Hindi ko rin alam kung sa'n kami pupunta."

I just told them about what happened this morning. About the box and its contents. Kahit ngayon hindi parin ako makapaniwalang binigay ni Ma'am Esme lahat ng 'yon sa 'kin. I won't be needing it so I probably be sending it back to her.

"Oh my Jesse. Botong-boto ata sa 'yo 'yang mamshie ni Tyler!" tili ni Jesse dahilan para mapalingon sa 'min ang ibang mananayaw ng cotillion. It includes Suzy and her minions.

"Oh? Tyler's mom? Boto para kay Lucy? What the fu—" naputol si Suzy nang pumasok ang tatlong magkakaibigan na sina Tyler, Christian at Mario sa loob ng dance studio. 

Nagtagpo ang mga mata namin ni Tyler at tanging pag-taas ng kilay ang binato niya sa 'kin. Bet he's grateful seeing me here.

Christian grunted from the stares that they received. "Anong tinititigan niyo diyan?"

Dali-daling umiwas ang lahat at muling bumalik sa kanilang ginagawa. 

Yes, I already made up my mind. I went straight to the dance studio for the last rehearsal. Mamayang gabi na ang party and I don't know what'll happen. Minessage ko na rin si Ma Luisa na dadalo ako sa party and I typed sorry several times. As of now, naka-off ang cellphone ko kasi ayokong masermunan sa tawag.

Defying Geek
graciangwttpd

That Nerd Is A Vampire (New Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon