Chapter 69.1: Engagement Party 2

892 37 4
                                    

Hyoyeon's POVs

"ANO?!" Gulat na gulat na sigaw naming lahat at nagkatinginan pa kami.

What the!! Sino ba naman magugulat sa sinabi ni Seohyun? MAHAL RIN SIYA NI CHANYEOL?! Nakakaiyak! Nakakaiyak promise! Naiiyak ako para kay Seohyun T_T. May part sakin na masaya dahil mutual, may part ding nagaalala dahil baka pinapaasa lang siya at may part din malungkot dahil ikakasal sa si Chanyeol sa taong hindi naman pala niya mahal. Teka? Bat ba ko nagprepredict hindi ko nga alam ang buong kwento eh! -_-

"Teka nga Seohyun, dun tayo sa table natin magusap." Yakad ni Sunny at para kaming mga manok na sabay sabay na nagpuntahan sa table. Pagkaupo namin focus agad kami kay Seohyun.

"Ngayon sabihin mo samin paano mo nalaman na mahal ka rin niya?" Seryosong tanong ni Taeyeon. Si Seohyun naman parang hindi pa ata maka recover sa pagkanta niya. Tulala eh!

"Hoy Seohyun! Sagot!" Sigaw ko sa kanya at mukang nakabalik naman siya sa wisyo niya bago siya magsalita...

"Teka! Baka mamaya may nakikinig satin." Singit ni Suho habang patingin tingin sa paligid. Epal eh! Naeexcite na kaming malaman eh. "Okay na." Sabay gesture niya ng okay. Lahat naman kami sabay sabay tumingin kay Seohyun.

"Ano ba yun?" Tanong niya samin at kami ---____--- ayan ang face namin. Talagang tuliro pa siya ah. Muntanga lang?

"Paano mo nalaman na mahal ka niya?" Ulit ni Jessica.

"Tsaka kailan niya sinabi?" Sooyoung.

"Paano niya sinabi?" Yuri.

"At paano-" Yoona.

"Ahh guys. Pwedeng isa isa lang hindi malaman ni Seohyun kung ano uunahing sagutin eh." Singit ni Lay at natahimik naman yung apat. Tong apat na babaeng toh! Napaka tsismosa!

"Seohyun ano?" Tanong ko sa kanya at napayuko siya bigla at ramdam ko or siguro ramdam naming lahat ang kalungkutan niya ngayon.

"Sinabi niya yun nung nasa camping tayo. Nung nawala kami ni Sooyoung." Malungkot na sagot niya at kami gulat na gulat na may halong cruriousity!

"Hah? Ano?! Sa camping?" Yoona.

"Nung nawala kayo ni Sooyoung?" Tiffany.

"Nagwala? Sino nagwala?" Sunny.

----___----  kaming lahat.

"Sunny, nung nawala daw sila Sooyoung at Seohyun sinabi ni Chanyeol na mahal niya si Seohyun, wala dun ang nagwala." Correction ng kanyang butihing mukang siopao niyang boyfriend na si Xiumin. Napakamot naman sa ulo si Sunny.

"Paano niya sinabi?" Tanong naman sa kanya ni Jessica at tutok na naman kaming lahat kay Seohyun.

"Nalaglag ako nun sa butas at dumating siya tapos basta hinalikan niya ko tapos mahal daw niya ko."

O_______O kaming lahat.

"ANO?!!" Sigaw naming lahat at napatingin samin lahat ng bisita kaya bigla kaming natahimik.

"Yan! Ang ingay niyo kasi pwede namang moderate lang ang boses." Saway samin ni Sehun habang naka crosslegs pa. Pssh! Feeling boss! Suntukin ko panga niya.

"Seohyun hinalikan ka niya?" Jessica.

"Sa lips?" Tiffany.

"Paanong halik? Torrid?" Yuri.

----____---- kaming lahat.

"Hoy Yuri, anong pinagsasasabi mong torrid? Umayos ka nga!" Saway sa kanya ni Sooyoung at kagaya ni Sunny napakamot na lang siya sa ulo.

The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon