Chapter 73: Imbestigation

1K 35 4
                                    

Third Person POVs

Lahat sila ay nasa bahay na except Seohyun and Chanyeol, yung iba na nonood lang ng tv, yung iba nakain at yung iba nagkwekwentuhan. May kanya kanya silang mundo pero mahahalata mo naman sa muka nila na masaya at akala mong walang problema pero siyempre except Tao na kanina pa nakatingin kay Sooyoung na kumakain kasama nila Yoona at Yuri.

"Grabe Sooyoung, lakas mong kumain." Sabi sa kanya Yoona habang nanguyanguya pa.

"Oo nga daig mo pa naglilihi eh."

*cough!*

Napaubo naman si Sooyoung sa sinabi ni Yuri, dali dali naman siyang inabutan ni Yoona ng tubig dahil nga sa nasamid ito. Pagkatapos uminom ni Sooyoung huminga ng malalim at napabuntong hininga na lang.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Yoona.

"Ayaw kasing magdahan dahan sa pagkain." Sabi naman ni Yuri.

Hindi na lang umimik si Sooyoung at pinagpatuloy na lang niya ang kumain lalo na naglilihi nga talaga siya at kailangan laging busog ang baby nila ni Tao.

"Hello Guys!"

Lahat ay napatingin sa biglang pumasok at sumigaw. Napangiti naman lahat sila nang makita nila sila Chanyeol at Seohyun na magkaholding hands. Todo ngiti pa ang dalawa.

"Finally, nagkatuluyan ang dapat naman talagang magkatuluyan." Bored na sabi ni Hyoyeon.

"Oo nga! Im so happy for two of you!" Nakangiti namang sabi ni Sunny.

"Salamat, dahil sa inyo toh, dahil sa mga tulong niyo." Sabay ngiti ni Seohyun.

"So kasalan na ba?!" Singit ni Chen at binatukan naman siya ni Lay. "Aray!"

"Kasal agad?!" Sambit ni Lay.

"Hahaha! Dont worry guys. Hindi muna kami magpapakasal gusto namin namnamin ang pagiging in a relationship namin." Nakangiting sabi ni Chanyeol sabay akbay niya kay Seohyun.

Kinikilig naman ang lahat at ganon din naman si Seohyun dahil namumula ito. Habang nagkwekwentuhan sila may biglang tumawag kay Sooyoung kaya tumayo ito at lumayo sa kanila.

"Hello! Bakit?!" Inis na sagot niya dahil ang tumawag ay ang kanyang fiance na si Luke.

[Pumunta ka dito, meron akong sasabihin sayo.]

"Ayoko! May ginagawa ako!" Inis parin niyang sabi.

[pag hindi ka pumunta, ako mismo pupunta diyan para kaladkarin ka dito.]

"Edi gawin mo!" Sabay baba niya ng tawag at inis siya nakatingin sa phone niya.

Tumulo naman ang kanyang luha dahil sa inis pero pinunasan naman niya agad ito at huminga ng malalim. Bumalik na siya sa mga kaibigan niya.

Ang hindi niya alam, nagtatago sa may gilid ng pader kanina si Tao at nakikinig sa kanya at nakita rin nito ang pagpunas niya sa luha niya kaya lalong nacurious si Tao kung ano nga ba talaga ang sa likod nito? Ano nga ba ang tinatago ni Sooyoung.

Tao's POVs

Tahimik lang akong nakaupo sa may garden at kasama ko sila Chen at Kris, mga pakape kape na lang sila. Samantalang ako eto napapaisip parin dahil sa nakita at narinig ko kanina.

Nakita ko siyang inis na inis habang may kausap sa phone at nakita ko rin siya na tumulo ang luha niya sabay pinunasan niya. Ano un? Anong nangyayari sa kanya? Sino yung kausap niya at inis na inis siya?

The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن