TIPS ON MAKING A STORY UNPREDICTABLE

3.3K 154 34
                                    

REPOSTED

Trinie: Two years ago ko pa 'to na-post sa kabilang account pero sana effective pa rin. :)

Dedicated sa poser daw ni Ulan, wahaha XD

Let's start...

1. READ

 To make your story unpredictable, read other stories. Malaki ang maitutulong ng pagbabasa para matulungan ka sa pag-iisip kung ano ba ang mga madalas nang nababasa ng mga tao. It may trigger you na hindi na gawin kung anuman ang nagawa na ng iba.

It will be better kung babasahin mo ang mga kwentong nagsa-substantiate ng genre mo sa pagsusulat para magkaroon ka ng mas malawak na idea tungkol sa genre mo.

2. EMOTION

Sa mga katulad kong hindi naman talaga magaling magsulat, pinaka-effective gamitin ang emosyon ng mga reader para maging unpredictable ang isang kwento. A writer should work on putting effective emotions in his/her story.

Let’s put it this way: Ang isang mambabasa, kapag nadadala sa emosyon ng isang story, sa emotion na 'yun siya nag-ki-cling kaya nakakalimutan na niyang mag-isip ng iba pang possibilities.

For example, gusto ni Writer na palabasing Happy Ending na ang isang kwento, syempre ilalagay niya munang sobrang saya nung mga main character at kung naramdaman ng mga reader ang ambiance na sobrang saya ng kuwento, hindi na nila iisipin ang possibility na magkakaroon pa ng twist ang kwento. Then follows the twist, biglang may mamamatay pala because of some twists. Most probably almost none would think of that probability. Why? Because they felt the delight. That's unpredictability.

3. THINK

Think of the possible guesses that may come from the readers. Doon mo ibase ang gagawin mong scenes. Make the possibilities exceptions. I mean, huwag mo na silang ituloy. Change topic kumbaga. Don't be afraid to make modificattions in your storyline. That way, mas lalong mapapaisip ang mga reader at mas lalo nilang aabangan ang kwento mo.

4. DO NOT BE AFRAID OF TURNING IMPOSSIBLE POSSIBLE

Maraming writer ang nag-iisip na gusto nilang magsulat ng kakaiba but what hinders them in doing so? Probably, dahil takot silang sumubok ng bago. Dahil imposible. Dahil hindi nila kaya. But let me tell you this, mas unpredictable ang mga kwentong hindi common dahil maraming conflict na pwedeng ipasok, maraming eksperimento ang pwedeng ilagay. Huwag matakot na sumubok na bago.

Turning impossible things possible is more than excellence. 

TIPS ON MAKING A STORY UNPREDICTABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon