Wow. Thanks.

86 2 0
                                    

1.Wow. Thanks.

Zoe's POV

Nandito na naman ako sa pinakamagulong parte ng Aster High, ang aming canteen. Andito kami sa isang sulok, ang mga 'nerds'. Oo, sa grupong ito ako kasali at NAPAKASAYA ko sa grupong ito. We dicuss about the flaw of Ohm's Law, the funny story of James Watt, at kung gaano kalandi si Zeus. Masaya, medyo masaya, minsan boring, madalas masakit sa ulo. Mas brainy kasi tong mga kaibigan ko.

Sa bandang gitna ng canteen, doon nakaupo ang fans ng APBC, Arrogant and Proud Boys Club. Tawag ko lang yon sa kanila, sa kanilang mga hambog na estudyante ng school na to. Iniisip ko lang sila pero naasar na ko at nararamdaman ko na ang aking APBC Alert Cells. Turukan niyo ko ng pampakalma, Doc.

“Tangent, opposite over adjacent...” Bigla namang recite ni Vine na naka-upo sa tabi ko. Siya si Divine Bautista, ang PINAKANG Nerd sa amin. Maganda siya pero syempre, nerd, hindi siya pala-ayos. Mas inuuna niya pa ang pagbabasa ng Algebra Book namin kesa sa pagtatanggal ng muta. Maniwala kayo sakin. Witness ako sa krimen na yan. (=___=)

“Divina, ano nga palang totoong pangalan nung...” Hindi pa tapos ang tanong ni Claire ng magsalita si Vine.

“Lev Nikolayevich Tolstoy.” Mabilis na sagot ni Vine. Pangalan yon nung author na diniscuss namin kanina sa Literature Class namin.

“Thank----” Hindi pa ulit tapos magsalita si Claire ng magsalita ulit si Vine.

“Welcome.”

Oo mga kaibigan, ganyan kabilis ang vibrations ng neurons ni Vine.

Lumingon lingon ako sa paligid ko. May mga emo don sa may kabilang dulo, syempre mawawala ba naman ang Pop Girls? Ang mga naggagandahan, nagniningning, naglalandian, at nagpaplastikang mga sikat na babae sa school namin.

Nanahimik ang magulo at maingay na canteen nang pumasok na... nang pumasok na ang mga dakilang hambog na bayawak ng Aster High.

“I'm not going to look up but I can sense the pikachus are already here.” Sabi ni Vine ng hindi ibinababa ang libro niya.

“Ano pa ba?” Flat toned kong tanong.

“Mukha mo pa lang Clarita de Solidad, alam na alam kong nandito na ang mga density mo... este destiny.” Sabi ni Vine. Clarita de Solidad si Clair yon, terms of endearment namin yan. Si Vine, Divina. Yung akin... Wag na. Mas mabuti ng hindi niyo alam. (=____=)

“At sa panlilisik pa lang ng mata mo, Tandang Zora. Alam kong nandito na ang mga mortal mong kaaway.” Sabi ni Vine.

Na-straight ang mukha ko. Mas straight pa sa ni-rebond na buhok ni Clair.

“Hoy Divina Mercedes, kung makapagsalita ka parang hindi ka nabaliw, nababaliw, at mababaliw sa mga yan.” Sagot ni Clair na naglalaway sa tatlong bayawak na naglalakad papunta sa table ng school na inangkin nila.

Hinayaan ko na si Divina at Clarita mag-away. Pinanuod ko na ang mga lalaking bayawak na lumandi sa mga babaeng bayawak. APBC at Pop Girls, syempre sino pa ba ang magsasama sama kundi ang mga hambog at talanding mga nilalang. Ito ang isang dahilan kung bakit hindi ako naniniwala sa Law of Attraction. Opposites attract? Likes repel? Alulululu.

“Earth to Tandang Zora...” Narinig ko ang ritwal ng dalawang baliw kong kaibigan na nakatutok pa sa akin ang mga palad nila na para bang mga pari na may dinadasalan na estudyanteng sinapian ng masamang espirito.

Raratratin ko na dapat ng hindi magagandang salita ang mga butihin kong kaibigan nang...

“Claire! Divine! Zoey! Turuan niyo ko sa Chemi---” Nang sumulpot si Seth, ang lalaking dumadamoves kay Clarita.

“Sorry, Seth---” Kagaya ng ginawa ni Vine kay Seth, inunahan din magsalita ni Seth si Vine.

“Bakit? Aalis na kayo?” Tanong ni Seth.

“Ah... O-oo. Aalis na kami.” Tumayo si Divine kaya tumayo na rin kami.

“Mabilis kasing mag-digest ng pagkain si Claire kaya alam mo na. Nature's call.” Sabi ni Vine saka kami hinigit palabas ng canteen.

(O____O) (^_____^) ( =____= )

Claire Divine Zoe Gandang Reyna

Hindi ko alam kung namalik mata lang ako o kung ano pero nakita kong pinapanuod kami ng leader ng mga bayawak, si Blue Lincoln. Si Blue Hambog Lincoln. (=___=)

**

Nandito ako sa Garden ng school namin. Kadalasang walang tao dito kundi ako lang. Kaya gusto ko dito kasi tahimik saka sariwa ang hangin dahil sa mga puno. Well, speaking of puno. May isang sikat na puno dito, ang XXX Tree, kung saan madaming 'himala' na ang naganap. Alam niyo na siguro kung anong klaseng 'himala' yon.

“Zoey Andrews.” Tawag ko sa sarili ko. Oo na. Ganito ako e. Nage-enjoy akong kausap ang sarili ko.. Kumbaga, parang pahinga ko na to. Pag si Vine at Clair ang kausap ko, kung hindi microorganisms ay space satellites ang pinaguusapan namin sa ganitong oras. Kaya minsan inaasar ako ni Vine at Clair na may invisible friend kasi kinakausap ko sarili ko.

“Umuwi ka na, Zoey.” Sabi ko sa sarili ko. Humiga ako sa damo at pumikit.

“Marami pang assignment.” Sabi ko na naman.

Bigla na namang pumasok sa isip ko ang mukha ng mga bayawak.

“Tsk. Pogi ka lang Blue Lincoln. Pogi ka lang.” Sabi ko at saka ko iminulat ang mata ko... at hulaan niyo? Light brown na mga mata ang sumalubong sa pagmulat ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay tumigil sa pag-ikot ang mundo ko dahil sa gulat. Naramdaman ko din ang puso kong gustong tumalon palabas ng rib cage ko.

(O_____________O)

“Wow. Thanks.” Sabi ng nagmamay-ari ng mga magaganda at malalambing na mata. Naramdaman ko ang malamig niyang hininga na amoy mint sa mukha ko. Yes, he's that close, with a distance of 0.05 cm between our noses.

Blue.

DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Secret GardenWhere stories live. Discover now