33. First Date

90 16 15
                                    

Yona's POV

Hila hila niya ako hanggang sa makalabas na kami ng gym.

Papunta kami sa parking lot kung nasan ang sasakyan niya. Agad niya akong pinasakay sa kotse nito.

Ang taray may kotse. Kulay puti. Ang yaman talaga ng lalaking to. May sarling kotse pa.

Para naman akong tanga sa ginagawa ko sa loob ng sasakyan niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Para naman akong tanga sa ginagawa ko sa loob ng sasakyan niya. Nagpapakainosente ako na parang ngayon lang nakasakay ng ganitong kagandang sasakyan.

Ang likot ko nga eh.

Napalingon ako ng tawa ng tawa si Tristan. Ni hindi ko na namalayan na nasa driver seat na pala siya.

"Hahaha ngayon ka lang ba nakasakay at nakakita ng magarang kotse?" Tanong niya sakin.

Napapout nalang ako sa sinabi niya.

"Hey stop pouting! Ang panget mo." Dahil sa sinabi niyang panget ako mas lalo ko pang hinabaan ang nguso ko.

"Ayst. Stop it or else I'll kiss you right here, right now." Agad ko namang tinakpan ang bibig ko ng mga kamay ko.

Mahirap na at baka totohanin niya pa sinasabi niya.

Nagulat ako ng lumapit ito sakin.

Hala bakit siya lumalapit? Hahalikan niya ata talaga ako!

"Anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Mas lalo itong lumapit. Isang dangkal nalang ang lapit namin.

Napapikit nalang ako ng tuluyan na itong makalapit.

"Bakit nakapikit ka? Are you thingking that I'm gonna kiss you?"

Napamulat ako ng mga mata sa sinabi niya.

Ay kamote! Kahiya!

Hindi niya ako hinalikan. Inayos lang niya pala ang seatbelt ko.

Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan.

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin.

Saan kaya kami pupunta?

Hindi na ako nakatiis at tinanong ko na siya.

"Ah Tristan saan ba tayo pupunta?"

Isang ngiti lang ang isinagot nito sakin.

Grabe! Malalaman ko ba sagot dun sa ngiti niya? Hay naku!

Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa dinadaanan naman. Wala akong ideya kong saan kami papunta kaya umidlip muna ako.

Naalimpungatan ako ng may tumapik sa pisngi ko.

"Hey sleeping ugly, wake up! We're here." Mukha niya ang nakita ko sa pagmulat ng mga mata ko.

Bumababa agad ito at agad na pumunta sa may pinto ng sasakyan para pagbuksan ako.

Hate You? Or Love You?Where stories live. Discover now