36. Akyat Ligaw #1

84 17 20
                                    

Trisha's POV

Tatlong araw na ang nagdaan mula ng makauwi ako dito sa amin. Sobrang sarap sa pakiramdam na finally nakauwi narin ako sa Pilipinas. I'm so happy to be back home again.

Sa tatlong araw ko rito, talagang binawi ko ang mga panahon na nahiwalay ako sa pamilya ko. Super duper ko silang namiss. I've been in Malaysia for almost six years. Kasama kong nanirahan sila lola at lolo sa Malaysia. May pagkakataon ding binibisita ako ni daddy doon. Sa Malaysia rin kasi ako nag aaral.

Sa hindi ko malaman na dahilan bigla nalang naisipan nila daddy at mommy na pauwiin ako rito sa Pilipinas at kahit masyado ng late para mag enrol sa M.U. nagawa parin akong mapaenroll nila daddy sa school na pinapasukan din ni hyung. 

Katunayan nga magkasama kami ni hyung na pumunta ng M.U kahapon para eenroll ako. Tinanggap naman ako dahil malaki rin naman ang naging share nila daddy sa school na yun. Isa pa maganda naman ang record ko sa card kaya di naman mahirap makapasok sa school na yun.

Sa tatlong araw na to, parang gusto na ring lumabas at yayaing mamasyal ang mga friends ko na matagal ko ng hindi nakikita.

Wala sila mommy at daddy ngayon, may importante silang pinuntahan kaya kami lang naiwan dito ni hyung ko.

Nandito ako ngayon sa sala at nagbabasa ng paborito kong aklat nang mapansin ko ang pagbaba ni hyung sa hagdan. Nagtaka ako sa nakita kong hitsura niya. Bihis na bihis ang hyung ko.

Agad ko siyang nilapitan.

"Hyung, where are you going? Pwede sumama?" Sabay ngisi ko sa kanya. Malay niyo madala ko sa ngisi si hyung at pumayag.

Agad naman itong napasimangot. Kunot ang noo at salubong ang mga kilay.

Huh? What's with the face? Sabi ng kabilang isip ko.

"If your thinking na mamamasyal ako, your wrong my dear sister. Ayoko nga umalis eh kaso masyadong makulit sila Tj at Renz." Sabi niya habang inaayos ang sintas ng rubber shoes niya.

Nagtataka naman ako sa sinabi niya. Hindi ko nga siya maintindihan eh.

"Bakit po hyung? Ano po gagawin ninyong tatlo at ganyan ka nalang kung sumimangot?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya. Napabuntong hininga naman siya matapos maiaayos ang sintas.

"Ewan ko sa mga siraulong yun at sinama pa ako sa plano nila. Ito kasing si Tj aakyat ng ligaw kay Marie." Sabi niya sabay kuha ng susi ng kotse.
So, magiging chaperone pala itong hyung ko? Tama ba narinig ko? Si kuya Tj, aakyat ng ligaw? Ang alam ko sila pa ni ate Hanylet bago ako pumunta ng Malaysia.

Alam ko kasi ang tungkol sa kanila dahil saksi ako sa pagmamahalan nila ni ate Hanylet.

Hmm I wonder what happened?

Tsaka sino naman si Marie na tinutukoy nitong si hyung? Hindi naman kasi nagkukwento sakin si hyung sa mga ganitong bagay. We're close but when it comes to lovelife hindi yan nagkukwento.

"I'm going with you hyung. Gusto kong makita sila kuya Renz and Tj. Tsaka para na rin makapamasyal na rin ako. Tatlong araw na ako rito sa bahay eh." Paliwanag ko sa kanya. Inunahan ko na siyang makasakay ng kotse niya para di na siya makapagprotesta.

Nakita ko pang umiling ito tsaka tuluyang pinaandar ang sasakyan.

*******

Yona's POV

Linggo ngayon at kompleto kaming magpamilya. Every sunday ay family day namin. Hindi pwedeng hindi kami magkakasama. Kagagaling lang din naming magsimbang magpamilya. Matapos makapagsimba deretso na kagad kami ng uwi. Naisipan din naming dito magpicnic after namin magsimba.

Hate You? Or Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon