Chapter Nine

25.8K 881 185
                                    

Chapter Nine

It's half past six. Ang sama ng pakiramdam ko. I feel like barfing. My head's about to explode. I try to go back to sleep, but I can't. Tumayo na ako, still half-asleep, at pumunta sa kitchen para kumuha ng tubig.

"Ah!" Natamaan hip bone ko. Memories from last night suddenly flash in. Sht. Sobrang nakakahiya. Pagtingin ko sa isang upuan, tabi ng upuan kung saan ako tumama, nakita ko si Eisley na nakaupo habang busy mag type sa laptop.

I clear my throat, chinning up. Kunwari walang nangyari. Dumiretso lang ako sa counter at kumuha ng tubig. Nararamdaman ko siyang nakatingin sa akin, pero pakiramdam ko lang 'yun.

Binaba ko lang sa sink yung baso dahil gusto ko na talaga umalis sa kitchen. Mabilis akong tumingin sa kanya, pero nahuli ko siyang nakatingin din sa akin. Sabay kaming umiwas at nag lakad na ako papunta sa sofa at binuksan yung TV. Ang awkward!

Mas naging awkward pa dahil tinabihan niya ako. Hindi ako makapagconcentrate sa pinapanood ko. National Geographic Channel. panda. Bakit lahat na lang related sa kanya?

"Gusto mo ba mag-alaga ng panda?" Awkward niyang tanong. Lahat talaga awkward. And him trying to act normal makes it more awkward.

"I only want to cuddle pandas, but I don't think I can take care of them. Baka hindi ko sila maalagaan mabuti tapos mamatay. Nah, mas safe sila sa kamay ng iba. Mas safe sila sa wild."

"Ah."

"Nasaan nga pala si Mommy Sexy?" cold kong tanong, hindi pa rin ako makatingin sa kanya.

"Hindi siya dito natulog."

"Pansin ko nga." I clear my throat. "Nasaan siya?"

Palipat-lipat na ako ng channel. Nalipat ko pa sa MTV tapos saktong Dreaming of You ni Selena yung piniplay kaya nilipat ko ulit.

"Tita Berna." He clears his throat.

I turn off the TV and look at him. I have to end this awkward situation. "I remember everything. May isang favor lang ako. Isa lang. I'll accept your apology if you agree."

He nods.

I close my eyes. "Please... Please forget everything. Lahat ng sinabi ko sa mga kaibigan ko, sa dedication letter, sa taxi, sa CR, sa lahat. Kalimutan mong nag mukha akong tanga kagabi."

He shrugs. "I don't remember anything." What a bad liar. Hindi talaga siya magaling mag sinungaling. Ni hindi nga siya makatingin sa akin.

"Good." It's better this way.

Akala ko tapos na kami mag-usap, pero bigla siyang tumayo sa harap ko at medyo lumuhod para makita niya ako. My arms are folded. I look mad and he looks... nervous and scared. What? First time namin nagtitigan ngayong araw. Nakakagulat talaga yung lalaking 'to.

"May sasabihin ka?" tanong ko.

Kinuha niya yung panyo niya sa bulsa niya at inabot sa akin.

I look so clueless. "Anong gagawin ko diyan?"

"Kunin mo na lang." He avoids my gaze, then he stands up. Mabilis siyang pumasok sa kwarto niya at iniwan ako sa sala mag-isa. Unfolding the handkerchief, a paper falls on the floor.

It's a panda with an apologetic look. It's a sad panda, asking for forgivenesss. He even adds a big comic balloon beside the panda, saying, "I'm guilty and I'm sorry. I remember everything. I heard everything. Don't forgive me. Don't ever forgive the table and the door. Don't forgive us for hurting you."

Have I Told You (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon