{002} Chapter 34: See You Again

235 16 1
                                    

Chapter 35: See you again

-----------------------------------*

"Aba gago talaga 'to? Ba't ka ba umiiyak?! Anong iniiyak iyak mo?! Nagpapakamartyr at nagpapakatanga ka dyan eh ang ganda ganda mo?! Huy Krystal maganda ka marami pang iba dyan! Pustahan pa tayo maglalaway sayo 'yang ex-bff mo!"

Sigaw sakin ni Amber habang nakatungo at pinupunasan ng maingat ang luhang nangingilid sa mata 'ko. Hindi naman ako nababahalang may makakita saakin dahil halos lahat ng staff at organizer sa shoot na ito ay nakapalibot sa Ikon. Ang tanging kasama 'ko lang dito ngayon ay si Amber.

"Kingina neto sisirain 'yung make up, nakita lang 'yung nanakit sa kanya? Kung ako ikaw aawra ako bes! Taas noo akong maglalakad sa harap nya at paglalawayin ko ang deputang 'yan!"Tinitigan 'ko lang ng masama si Amber. Kita na nga nyang umiiyak 'yung tao hindi pa nagseseryoso ang gaga!

"Akala 'ko ba naka move on ka na? Eh ano 'yan?! Tears of joy?!" Iniangat 'ko ang ulo 'ko ng maayos at huminga na ng malalim. "Alam mo ewan 'ko ba sayo kung bakit ikaw pa talaga 'yung umiyak dyan eh ikaw na 'tong nang iwan eh." –Amber.

Oo nga naman... ako 'tong nang-iwan kaya naman bakit ako iiyak diba?

"Miss Amber give me signals kapag ready na kayo. Thanks!" Sumigaw si Miss Erika, 'yung main organizer ng shoot. Sumenyas naman si Amber ng thumbs up. "Huy ano? Keri mo ba?" Alam 'kong kahit puro kashitan itong si Amber ay nag aalala rin 'to saakin.

"I think... no?" Matapos 'kong sabihin 'yon nagpakawala ako ng mabigat at malalim na buntong hininga.

"Okay sige let's pack up. Mahirap magtrabaho kapag ganyan 'yung nararamdaman mo. Makikiusap na lang ako. Mauna na kayo ni Mecay sa van. Ako na bahala dito. Umalis ka na habang di ka pa napapansin ng Ikon." Sabi ni Amber na para bang na-disappoint ata saakin.

Sorry na. Hindi 'ko kasi talaga kaya. Ang arte 'ko! Napaka unprofessional kingina.

xxx

Ilang minuto rin namin hinintay ni Mecayla sa loob ng van si Amber. Nakonsensya ako bigla. It's Amber's big break hindi lang saakin. At dahil sa kaartehan 'ko ngayon, napurnada lahat.

Ang bobo 'ko!

"Uy prend, kung bukas ganito ka parin, itigil mo na 'to. At aalis na rin ako prend. I need a job prend, hindi pwedeng ikaw lang 'yung lagi naming inaasikaso. Sorry to tell you this, pero kasi di ba? Group tayo nila Amber, i-set aside mo muna 'yung mga personal mong nararamdaman pag oras na ng trabaho." Lalo akong nakonsensya sa sinabi ni Mecayla. Magsasalita pa sana ako at magpapaliwanag kaso agad nyang inilagay 'yung earphone nya sa tenga nya at nagcellfone na lang.

Kasalanan 'ko talaga lahat!

Bumukas na ang sliding door ng van at pumasok na rin si Amber.

"Woo! Hirap makipag usap kay Miss Erika. Buti na lang daw at walang schedule ang Ikon bukas. Pero tayo, meron! Mahihirapan tayo nito bukas Krystal. Hassle."

"Sorry talaga guys." Nakatungo 'kong sabi.

"Okay lang, naiintindihan ka namin." –Amber.

"By the way, nag text si Jaehyun pala kanina buti na lang at hindi na rin pumunta si Jaehyun dito. After daw ng shoot mo, in-invite nya tayo. Reunion daw ng elementary friends nya sa condo niya." Inabot ni Amber ang fone nya at pinakita ang text message saakin ni Jaehyun.

"Ano G?" Wala naman sigurong masama kung makikiparty kami diba? At saka invited naman kami kaya siguro di naman kami magmumukhang panira ng party. At saka... parang ang sarap din mag chill, puro stress naramdaman 'ko ngayon eh.

He's Still My Bestfriend - HSMB (MBMCB 2nd Half)Where stories live. Discover now