Maldita Tips

9K 124 10
                                    

7th

"Eyes"- And seventh your eyes. Di naman to masyado kailangan pero kung gusto mo basahin mo at gawin sige lang basahin mo lang, at kung Ayaw mo naman, HINDI kita pinipilit. Sige sa mga ayaw na nitong eye part I-skip niyo na lang. At sa mga Maldita naman na gusto tong basahin, ang mga "mata" mo, good. Hindi ka magpapakita sa ibang tao na napipikon o naiirita ka na towards your eyes. Just stay still. As much as possible just give a cold stare from your eyes or a boredom on it. And always remember tulad ng sinabi ko sa recent chapter dapat nakangiti pero may dahilan ang ngiti na yun, yung tipong pamatay at kung ganun ang mga mata mo ay dapat ganun hindi yung kapag ngingiti ka tapos yung mata mo ngingiti din. Hindi ganun. At kung singkit ka o sa Ingles may chinky eyes ka may advantage yun. Dahil naniniwala ako na ang mga taong may pagkasingkit ay may KaMalditahan din. So remember smile as if it can kill and match it with a cold/fierce eye stare dear.





8th

"Don't be nervous"- And eight, don't be nervous. This is one of the most important, Wag na Wag kang Kakabahan. Relax ka lang dear. Kapag may sasampolan ka na dapat kalma ka lang at kapag magtataray ka na dun mo ilabas lahat ng lait. Sabihin mo na ang lahat at tulad din ng sinabi ko, wag kang mag-isip ng mag-isip ng ibabatong salita sa kanyadapat yung hindi planado ang sasabihin para mas MALDITA ang dating. At kung kakabahan ka malamang mau-utal utal ka o mag-puputol putol ang salita mo kaya wag kang kabahan. Dahil kapag kinabahan ka at nag-putol putol ang pagsasalita mo, hindi Maldita ang tawag sayo dear kung hindi TRYING HARD! Trying hard magMaldita. At ikaw din ang mapapahiya. So don't be nervous and just relax yourself then burst out all the insults. Kaya mo yan Maldita ka nga diba?




9th

"Confidence"- And ninth your confidence. Napakahalaga nito dear. Dahil kung wala kang confidence wala kang lakas ng loob at alam mo ba ibig sabihin nun? Loser ka. Oo loser dahil kapag wala kang self confidence, ibig sabihin wala kang lakas ng loob na ipakita sa buong mundo kung anong meron ka. At sinasabi ko sayo, walang Maldita ang walang kumpyansa sa sarili. And what I mean by that is, kung pinagkalooban ka ng magandang pagmumukha ay wag mong ikahiya at sa mga hindi, wag pa rin kayong mahiya! Dahil tulad ng sinabi ko hindi yan nababase sa mukha, sa kamalditahan yan at sa taas ng self-confident mo, gets mo?!

At hindi porke't may may mukha kang maipagmamalaki sa lahat, hindi dahilan yun para magmayabang ka na, sinabi ko ipakita sa mundo at wag ikahiya, hindi ko sinabing ipagmayabang mo. Maldita ka hindi Mayabang! At sa mga aangal sa taas ng self-confidence mo, dedmahin mo lang, wala kang panahon para intindihin ang mga pangit na inggit!



10th

"Feelings"- And the last of all, your feelings. Siguro sa harap ng ibang tao Maldita ka o cold hearted pero lahat tayo merong soft side. Kaya ka nga naging ganyan dahil may nanakit sayo o may nangyari sayo na dahilan para magpabago sa sarili mo. Minsan dumanas ka ng matinding sakit sa heart break kaya inisip mo na maging ganan na lang. Minsan may family issues ka. Minsan may gumago lang talaga sayo at minsan pagod na pagod ka lang talaga.

Pagod sa lahat ng bagay. Pagod nang masaktan. Pagod nang umasa at pagod nang mag-try pa. Napakadaming dahilan. Kasi ako may dahilan din ako kung bakit ako ganto. Ikaw meron ka ring dahilan. Sila, siya, meron din silang rason. Lahat tayo meron. Pero tandaan mo hindi masamang ipakita sa ibang tao ang nararamdaman mo minsan.

Hindi masamang iparamdam sa kanila na nasasaktan ka. Hindi masamang ipakita sa kanila na nalulungkot ka. Cry if you want, if you need. Crying is the best solution of all. Cry yourself. Umiyak ka. Hindi masama yun, ang pag-iyak ay hindi ibig sabihin na mahina ka, it just simply means you've been strong for a very long time that you just need to cry for a moment. Be yourself. Wag mong ikahiya kung sino at kung ano ka. Kung ganyan ang ugali mo ipakita mo sakanila. Wag mong intindihin ang sasabihin ng ibang tao. Be wild, live your life. Be inlove if you chose to be. Love yourself. Love someone, love a guy who makes you happy- who makes you feel that you're not alone at all. Be true. Be young. Be inlove. And be yourself. Express your feelings. Don't hide it. Express it to the world so they'll understand you.

Be someone who makes you happy. Be someone who is strong enough to pass through all the struggles and failures. Be strong. Be strong enough to handle the pain. Let go of everything that makes you miserable. And for the last time, always remember that someone out there is secretly loving you from afar. Don't lose hope.

Maldita TipsWhere stories live. Discover now