Three

2.3K 124 11
                                    

~Three~

"You're the worst Jongin.." sabi ni baekhyun kay jongin. nakaupo sila sa park ngayon at hinihintay sila chanyeol na bumalik dahil inutusan nila itong bumili ng pagkain. tumawa ng pagkalakas lakas ang lalaki, sinamaan naman siya ng tingin ni baek. Hindi naman kasi tama iyon, tinuturuan niya ng masama ang inosenteng bata.

"anong problema doon hyung? tumatanda na rin naman si chanyeol eh. Kailangan na niyang makadiscover ng bago at fresh." he said and wiggled his eyebrows. Alam na niya kung anong klaseng 'discover' iyon kaya binatukan niya ito. mangiyakngiyak naman si jongin sa ginawa ng nakakatanda, magkapatid nga talaga sila ni kyungsoo.

"are you nuts? Pagtuturo ng Kabastusan ba ang ibig sabihin ng fresh at bago mo?"

"Masyado ka naman hyung. Educational nga yon eh. bakit ba sa school pinag-aaralan ang female at male reproductive system? same lang naman yun sa tinuturo ko ah! Pero yung akin mas maganda kasi advance" sabi naman nito at kumindat, napailing na lang si baekhyun. Ang hirap lang pigilan ng hormones ni jongin, iniisip niya baka mabuntis agad nito ang bunso niyang kapatid, mapapatay niya ito ng maaga kung nagkataon.

Ilang minuto din silang nagbabangayan nang dumating si chanyeol at kyungsoo. Napapout si yeol dahil mukhang nag eenjoy ang dalawa sa pag-uusap kahit ang totoo ay halos masakal na ni baekhyun ang hyung niya sa sobrang libog nito. Pumagitna siya sa dalawa at ibinigay kay baekhyun ang softdrinks na binili niya.

"Teka bro, nasaan yung akin?" tanong ni jongin, sinamaan lang niya ng tingin ang hyung niya, feeling niya kasi inaagaw ng hyung niya si baek sa kanya. seloso pa naman itong bata ito.

jongin sighed. Mukhang mali nanaman ang pagkakaintindi ni chanyeol sa friendship nila ni baekhyun kaya tumayo siya at inakbayan si kyungsoo. Tinignan lang siya ni kyungsoo ng masama, para bang ibabato sa kanya ang isang libong kutsilyo sa likod niya. Nakakakilabot.

Nang magets ni chanyeol ang ginawa ng hyung niya ay napangiti ito ng malaki at hinalikan sa pisngi si baek, the older's eyes widened sa nangyari.

"I love you baekhyun!" dahan dahan siyang tumingin sa bata na parang natural lang sa kanya na hinahalikan siya.Tumingin naman siya kay jongin na malaki ang ngisi at nagpipigil ng tawa. Tinignan naman ni baek si kyungsoo na parang sinasabi na pakibatukan si jongin kaya sinunod niya ito. Natutuwa talaga kasi siya sa tuwing sinasaktan niya physically si jongin.

Pagkatapos ng second 'date' daw nila ay umuwi na sila. hinatid muna nila ang magkapatid na park sa bahay bago umuwi sa kanila tinap ni jongin ang kapatid sa likod at tumawa, bilib siya kay chanyeol dahil nasusunod nito ang advice niya. Ang galing daw talaga niyang mag turo. Nang makauwi sila ay sinalubong sila ng eomma nila kasama si appa park at daddy kim.

"oh nakauwi na pala kayo.Lapit kayo dito at may sasabihin ang dad niyo" sumunod ang kapatid sa sinabi ng eomma nila at umupo sa couch.tumango ang dalawang ama sa isa't isa at nagsalita.

"chanyeol.. You're coming with me and your hyung sa States. Doon ka na mag-aaral hanggang sa matapos ka." nakangiting sabi ni daddy kim kay chanyeol. Sa totoo lang sa states talaga nag aaral si jongin at umuuwi lang kapag may okasyon o kapag bakasyon, sanay na rin si jongin dahil maliit pa lang siya nang dalhin siya ng dad niya doon. Hindi nagsalita ang bata sa sinabi ng dad nila, hindi nila malaman kung naintindihan ba ni yeol ang sinabi nila.

"States? Malapit lang ba yun? " tanong ng bata. Natawa silang lahat except kay jongin. Mukhang mahihirapan ang mga parents nila na kumbinsihin si yeol lalo na't matagal niyang hindi makikita si baek.

"no, yeol. Sasakay kayo ng airplane papunta doon, ayaw mo ba nun?" tanong naman ni Appa park. gusto naman ni yeol na sumakay ng airplane dahil never niyang naranasan iyon kaso paano si baek, hindi na niya ba ito makikita?

"Daddy pwede po bang isama si baek hyung?" tanong ng bata sa mga nakakatanda. Natahimik sila, alam nilang naattached na masyado si yeol kay baek at mahihirapan silang sabihin na hindi na niya makikita ang mga kakilala at kaibigan niya dito.

Lumapit si daddy kim kay yeol at umupo sa harapan nito.

"Sorry, yeol pero hindi pwede eh. Nandito nag aaral si baekhyun hyung mo at hindi niya kayang iwan ang family niya." pagpapaliwanag ni daddy kim, nagsimula nang humikbi si chanyeol. nagsimula na din magpanic ang parents nila. Sabi na nga ba't mahihirapan silang kumbinsihin si chanyeol.

"P-pero i-ikakasal pa kami eh!" at doon humagulgol si yeol. Nagtaka ang parents nila sa sinabi ni yeol, paano nito nalaman ang tungkol sa kasal. Sabay sabay silang napalingon sa binatang chill lang na nakaupo sa sofa..

"What??!"

----

Pumunta si baekhyun at kyungsoo sa bahay ng magkapatid. nabalitaan nila ang tungkol sa pag alis ni chanyeol at kung gaano sila nahihirapan na kumbinsihin ito. Naguguilty siya dahil siya ang dahilan kung bakit ayaw umalis nito kaya kailangan siya na mismo ang kumumbinsi dito.

Lumabas sa kwarto si yeol, halatang galing lang ito sa pag-iyak dahil namumula ang ilong at mga mata nito, nang makita siya nito ay tumakbo ito papalapit at yumakap sa kanya. Yumakap siya pabalik sa bata. Bigla naman siyang naawa dito.

Ang hirap din kasing iwan ang nakasanayan, pero sa tingin naman niya magiging ayos din si yeol doon. Matututo din naman siya kapag tumagal na. humiwalay siya sa yakap nila at hinarap ang bata.

"a-ayokong umalis hyung. Hindi na kita makikita." the kid said between his sobs. Baekhyun caressed chanyeol's hair.

"you need to come with them chanyeol. Mas makakabuti sa iyo iyon."

"P-pero--" pinigilan ni baek sa pagsasalita si yeol.

"Magkikita naman tayo someday yeol eh. Di ba papakasalan mo pa ako? Patangkad ka muna" aniya at tumawa. kailangan niyang sakyan ito. tumingin siya sa eomma ni yeol at ngumiti , ngumiti ito pabalik sa kanya na parang nagpapasalamat samantalang sa kabilang banda wala pa rin pakialam si kyungsoo sa nangyayari. occupied ang utak niya dahil kay nognog, sa wakas daw ay makakaalis na ito at wala nang manggugulo sa kanya.

Tumigil si yeol sa pag iyak at hopeful na tumingin kay baek.

"t-talaga hyung? Papakasalan mo ako pag mas matangkad na ako sa iyo?" tanong ng bata, tumango lang si baek at ngumiti.

ilang sandali pa lamang ay napangiti ang bata.

"Okay..babalik ako hyung kapag mas matangkad na ako sa iyo .. Promise yan hyung ah.." itinaas nito ang pinky finger nito para iseal ang promise, ngumiti siya ng malawak at nagpinky promise sila.

At pagkatapos ng limang araw natapos ang summer..

[Completed] When Summer Came▶▶ChanbaekWhere stories live. Discover now