Sixteen

2.1K 91 14
                                    

~Sixteen~

Unang pinuntahan ni baekhyun ay ang Unit ni chanyeol, Naka-ilang beses na din siya na nagdoorbell at kumatok pero walang bumubukas ng pinto. Napahilamos siya sa mukha niya, Hindi siya mapakali, gustong gusto na niyang makita si chanyeol.

Ilang minuto ang nakalipas at wala pa ring bumubukas dito. Mukhang walang tao sa loob nito, napasandal na lamang siya sa pinto. Sakto naman nito ang pagring ng phone niya, Tinignan niya ang ID Caller nito at nang makitang si kyungsoo ito ay sinagot niya agad ito.

"What kyung--"

"Nandito si chanyeol sa bahay, Umuwi ka na, may sasabihin siya.." Hindi na siya sumagot dito at dali daling umuwi sa bahay nila.. Habang nagdadrive ay marami siyang naiisip. Sasabihin na ba ni chanyeol sa kanila na aalis siya? Mapipigilan naman niya ito hindi ba? Magiging maayos din ang lahat hindi ba?

Nang makarating ay patakbo siyang pumasok sa bahay at nakita niya ang nakatayong si chanyeol na kinakausap si kyungsoo. Nabitawan niya ang bag niya at sinugod ito ng yakap, Nagulat pa ang binata sa ginawa niya.

"H-hyung.." napakamot sa batok si kyungsoo at nagsalita.

"Sige, maiwan ko na muna kayo para makapag-usap kayo." pagkatapos ay umalis na. Naiwan sila sa sala na nasa ganoon pa rin na posisyon.

Humigpit ang yakap ni sa nakababata, ayaw na pakawalan ito. Ikinalas naman ni chanyeol ang pagkakayakap nila at nakita ang umiiyak na hyung, pinunasan niya ang luha nito gamit ang hinlalaki niya. Ayaw niyang nakikitang umiiyak si baek, hindi niya kayang nakikita itong nalulungkot.

"Hyung--"

"Stay... Please stay..." Muling nagulat si chanyeol sa sinabi ni baekhyun, alam nitong aalis na sila pero sino ang nagsabi nito sa kanya?

"i can't.. babantayan ko si mabel hanggang sa matapos siya. Alam mo naman na tumigil siya after ng aksidente ng parents niya. Kailangan ko muna siyang alagaan." umiling iling si baekhyun at mas humigpit ang kapit niya sa nakababata. Ayaw niyang umalis si chanyeol, ngayong malinaw na sa kanya ang nararamdaman niya, ayaw na niyang pakawalan ito.

"Chanyeol, nagmamakaawa ako wag kang umalis." hindi pa rin matigil sa kakaiyak si baekhyun at hindi alam ni chanyeol ang gagawin. Pilit lang niyang pinapatahan ito.

"Hi-hindi ka na b-babalik kapag h-hinayaan kitang umalis. Wag kang u-umalis.."he's sobbing mess. Hindi na alam ni chanyeol kung anong sasabihin niya kaya natahimik na lang siya. Baekhyun cupped his face, lumakas bigla ang tibok ng puso niya. Ramdam niya ang mangyayari, kaya napangiti siya.

"I-i love you Chanyeol, kaya magstay ka na please. ayokong mawala ka." Mas lalong napangiti si chanyeol sa narinig at hinalikan ang nakatatanda sa labi. Dampi lang iyo pero ang lakas ng epekto sa kanila. Masaya siya dahil umamin na si baek, pero nalulungkot siya dahil hindi siya pwedeng magback out.

"I love you too baek.... pero hindi pa rin ako pwedeng magstay.." sabi niya at niyakap itong muli. Naramdaman nanaman niya ang pag iyak nito kaya hinalikan niya ang ulo nito.

"Pinapangako ko... Babalik ako baek.. Babalikan kita." sabi niya at kumalas sa pagkakayakap nila. May kinuha siya sa bulsa niya at tumingin kay baekhyun.

"Ikakasal pa tayo, hindi ba?" ngumiti siya at isinuot kay baek ang singsing na ibinalik nito sa kanya. Nang maisuot ito ay hinalikan niya ang kamay nito.

Naluluha pa rin si baek pero ngayon ay nakangiti na siya. Nagring ang phone ni chanyeol at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita na si mabel iyon ay ibinulsa niya ang phone niya at hinila na si baek palabas.

---

Magkahawak kamay silang naglalakad papunta sa lumang bahay nila chanyeol. Wala si Jongin doon dahil nagdate nanaman sila ni kyungsoo at pupunta lang naman sila para makita ulit ang garden ng eomma ni chanyeol.

Nang makarating sila doon ay hinila ni chanyeol si baek sa gitna ng garden.

"Dito sa garden na 'to.. Una kong narealize na nagkakagusto na ako sa iyo. You were so beautiful back then.. Yung expression mo nang makita mo yung roses na tanim ni eomma, wala akong magawa kung hindi ang iadmire ka.. Hindi lang iyon ang dahilan, mas inuuna mo ang ibang tao kaysa sa sarili mo, okay lang na mahuli ka basta mapasaya mo lang ang ibang tao, masaya ka na din, isa yun sa bagay na pinakanagustuhan ko sa iyo." sabi niya at nginitian ang nakatatanda. Gusto niyang malaman ni baekhyun kung paano siya nagkagusto dito, gusto niyang malaman nito na seryoso siya simula pa lang noong bata pa siya. Mahal na mahal niya ang itinuring niyang hyung.

Chanyeol cupped baekhyun's face, bringing his face closer to him. Kasabay din nito ang malakas na pagtibok ng mga puso nila.

"Byun Baekhyun.. Alam kong natanong ko na sa iyo ito noon, but will you marry and spend your whole life with me?" tanong niya, maluha luha si baek na tumango sa nakababata at hinalikan ito sa labi.

Binuhat ni chanyeol si baekhyun ng bridal style at pumasok sa bahay.

They kissed like it's their last day in the world. Walang tumigil sa kanila.

The Kiss, the touch, the 'i love you's, lahat ng iyon naramdaman nila, at masaya sila. Masaya sila lalo na si baekhyun, naging open na siya sa sarili niya. Ayaw na niyang mag isip pa ng ibang bagay, basta ang mahalaga mahal pa rin siya ni chanyeol at hindi ito magbabago.

Magkalayo man sila ng maraming taon...

Alam nila sa isa't isa na totoo ang nararamdaman nila.

---

"It's been two years since he left... Naghihintay ka pa rin?"kris asked him, ngumiti siya ng pilit. Naaalala niya ang pangako ni chanyeol sa kanya.

"Yeah, he promised.. Alam kong babalik siya.." aniya at hinawakan ang singsing na bigay nito.

"Sigurado ka ba? Hindi ka na niya kinontact nung nakaalis siya, sa tingin mo talaga babalik pa siya?" worried na tanong nito, pero tinap lang niya ang likod nito, mas bothered pa ito kaysa sa kanya grabe..

"Oo, naniniwala ako sa kanya, ikakasal pa kami" napangiti na lang si kris sa fighting spirit ni baek kaya ginulo niya ang buhok nito.

"Ang tibay mo baekhyun, hays..."

"Hyung! Hyung! " bigla naman ang pagdating ni kyungsoo. Nakasuot na ito ng tuxedo at mukhang handa nang umalis.

"Oh? Kyungsoo? Akala ko ba nakaalis ka na para sa kasal mo?" umiling iling ito at hinila ang kamay niya.

"Sumabay ka na sa akin hyung, halika!" pilit nito, napatayo siya at sinimulan na nilang maglakad palayo, nagpaalam pa siya kay kris na paalis na din.

"T-teka, bawal yun hindi b--"

"Pwede.. Tara na! Malelate na tayo!" hindi na siya sumagot pa at sumakay na sa kotse.
----

(Sorry kung ngayon lang, nagkaroon ako ng sakit last week at naging busy din sa school, so ito pampabawi lang)

[Completed] When Summer Came▶▶ChanbaekWhere stories live. Discover now