Chapter 29 "Culprits in Disguise"

6 0 0
                                    

CHANDRIA ALEXEL

Balik sa trabaho. Hindi ako nakikinig sa klase dahil ginagamit ko ang clairvoyance para tignan ang mga nangyayari sa ibang lugar. Hindi ko naman siya mahanap. Kung saan saan na nakakarating ang paningin ko kaso wala pa rin.

"Good afternoon class"

Si Ms. Sizume na pala. Buti maayos na siya, muntik na siyang nadamay noon sa sunog na kagahawan nung tauhan ng Vantriass na yun. Pero teka, ang pagkakaalala ko teacher siya ng grade 10 pero kinailangan niyang magturo sa grade 11 sa amin dahil sa paglipat ni Sir Funesto. Anong ginagawa niya sa 3rd floor eh nasa ground floor lang naman ang classroom niya. Napatitig ako sa kanya. May ilang nagsabi na lalaki ang bumugbug sa kanila, may iba namang babae. Si Ms. Sizume, babae siya pero para siyang lalaki. Hindi naman kaya siya yung nakahoodie. Malabo pero paano kung siya.

Malabo, si Ms. Sizume. Wala sa itchura niya pero...

After ng klase namin sa kanya dismissal na kaya naman sinundan ko siya at pinapanood. Normal naman siyang kumilos sa harap ng lahat at walang kahinahinala. Pero kailangan ko pa siyang subaybayan, masyado pang maaga para hindi siya paghinalaan ng tuluyan. Nalaman ko rin na dito na rin pala siya sa academy nagsstay. Hindi na ako nagdinner para lang subaybayan siya. Tumambay ako sa silong ng isang umbrella tree na nasa tapat ng kwarto niya sa teachers dorm. Siguro ilang oras na rin ako ngayon. Gabing gabi na at karamihan ng mga tao tulog na. Wala na masyadong ilaw sa mga dorm pero yung ilaw ng kwarto ni Ms. Sizume nakaon pa rin.

Di nagtagal nagbukas yung pintuan niya at nagulat ako sa get up niya.

Siya nga!!

Nakablack jacket siya na may hoodie. Nagulat din ako sa ginawa niya dahil tumalon siya mula sa second floor at maayos na lumanding sa lupa. Simple siyang naglakad papunta sa girls dorm. Napatingin ako sa listahan ko, nilagay ko dito kung anong number at floor ng dorm ng mga nakalista dito. Sa second floor siya pumunta, at ang mga nasa second floor, sina Jam, Sophie, isa pang babae at si Thelina.

Sinundan ko naman siya hanggang sa tumigil siya sa tapat ng room number 36. Room number nila Jam at Sophie.

"Pakshit!!"

Naglabas siya ng susi at agad binuksan yung pintuan. Tumakbo naman na ako para sundan siya at saktong pagdating ko sasaksakin na sana niya si Sophie ng isang injection. Malamang kukuha siya ng blood sample.

Gulat na gulat siya ng makita ko at nakumpirma ko, si Ms. Sizume nga.

"Axel" sabi niya.

"Ikaw" sabi ko.

Dumukot naman siya ng dagger at akmang sasaksakin si Sophie ng tumakbo ako at tinulak yung kamay niya. Nagising naman si Sophie at gulat na gulat ng makita kami.

"Labas" sabi ko sa kanya.

Magising din si Jam at agad silang lumabas ng kwarto. Sinuntok ko si Ms. Sizume hanggang sa matumba siya. Susuntukin ko pa sana siya ulit ng binaril niya ako ng kung ano dahilan para manghina ako bigla. Bumagsak na lang ang katawan ko sa sahig. Bumangon naman siya at nilapitan ako. Kinunan niya ako ng blood sample saka niya yun nilagay sa isang device. After few second nakangisi siyang tumingin sa akin.

"Sa wakas nahanap na kita, demon god candidate" sabi niya.

Demon god candidate??

"Ikaw pala ang V13 carrier, masyado mo naman akong pinaghirapan sa paghahanap" sabi niya.

Gusto ko man siyang suntukin o saksakin at kung ano ano hindi ko naman magawa dahil hindi ako makagalaw. Mata ko lang yata ang naigagalaw ko. Hindi to pwede.

Hindi.

Pinikit ko yung mga mata ko at pinilit kong gumalaw. Akmang may ituturok siyang syringe sa akin ng hinawakan ko yung kamay niya saka ko inagaw yung syringe saka ko sinaksak yun sa hita niya. Mabilis ko naman yung pinisil para mapunta sa kanya yung laman. Napatayo naman siya palayo sa akin saka na ko bumangon.

"Kailangan kitang dalhin kay King Vantriass" saad niya.

"Bangkay mo ang makakarating kay King Vantriass" sabi ko naman saka ko ulit siya pinagsusuntok.

Lumalaban naman siya pero halatang nanghihina siya dahil sa epekto nung laman nung syringe. Di nagtagal bigla siyang bumagsak. Mukang pagkaparalisa ang epekto nung laman nung syringe kaya naman hindi na siya makagalaw.

"I won" nakangiting sabi ko sa kanya.

Nagawa naman niyang ngumisi.

"Ako lang ang natalo mo. Hindi mo pa kami lahat nahahanap" sabi niya bago siya pumikit. Sakto namang pumasok sina Gio.

"Anong nangyari??" tanong ni Aphrodite.

"Ms. Sizume is the culprit" sagot ko.

Dumating naman agad ang kapulisan at sina na ang bahala kay Ms. Sizume. Hindi ko talaga inakala na siya ang nasa likod ng mga nangyari. Pero sabi niya hindi ko pa nahanap lahat. Ibig sabihin may mga kasama siya.

Pagkabalik sa dorm namin sinabi ko kay Alex lahat ng nangyari.

"Kung may mga kasama siya, hindi pa pala tayo tapos" sabi niya.

"Pero problema, nalaman ni Ms. Sizume na ako yung candidate ng hinahanap nila. Tapos tinawag niya akong demon god candidate" sabi ko.

"Demon god??"

"Hindi ko rin alam pero kinakabahan ako"

SIZUME ORELLE

Nasa kulungan na ako pagkagising ko at hindi basta bastang kulungan. Ako lang ang nandito at tatlong beses na mas makapal ang mga rehas. Wala rinh bintana at mukang makakapal ang mga pader.

Chandria Alexel Medina Zeucerberg.

Hindi ko inakalang isang ang demon god candidate. Ngayong alam kung ikaw nga, nandito naman ako sa kulungan ng dahil sayo. Pero gaya ng sabi ko, hindi mo pa kami nahahanap lahat.

May mga kasama pa ako at alam kong sila ng bahala sayo. Alam kong kaya ka nilang dalhin kay King Vantriass.



SOMEONE's POV

Natagpuan na rin sa wakas ang demon god candidate dahil kay Sizume.

Chandria Alexel, ikaw pala.

Ngayong alam na namin, magiging madali na lang ang trabaho kaming dalhin ka kay King Vantriass.

"Hindi natin pwedeng ipaalam kay young master na nahanap na natin siya. Baka maging problema siya kapag nalaman pa niya to" sabi ko sa dalawa ko pang kasama niya.

"Kailan natin siya kikidnappin??" tanong nung isa.

"Bukas ng gabi kaya ihanda niyo na yung sasakyan natin" sagot ko.

Kinuha ko yung picture ni Chandria at nilagay sa pinakataas ng cork board. Naglakad naman ako palayo saka ko kinuha yung dagger at tinarget yung picture.

"Wala ka ng kawala"










Sorry ang short ulit. Bawi ako promise. Mwah mwah.

CursedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora