Tadhana 2

463 8 0
                                    

Andrei's Pov

Maganda siya sana e kaso masungit hahaha. Napapangiti nalang ako dito sa bench habang naalala ko yung nangyare kanina, water break kasi namin kaya naman landi landi din sila kuya thomas sa mga jowa nila

"hoy drei yang mga ngiti mo ah nakakatakot na" bulyaw ni aljun sakin, at napatingin naman silang lahat sakin problema nila?

"masama ba ngumiti?" tanung ko naman sakanila

"ou lalo na kung mag-isa kang ngumingiti jan" sagot naman ni kuya julian sakin at nagtawanan sila tsk ako na naman nakita nila

"tss ewan ko sainyo jan na nga kayo" sagot ko sakanila at bumalik na sa court

"nako ang sabihin mo  nagandahan ka kay tin" sagot naman ni ricci sakin at talagang lumapit pa sila ah, ayaw nila talaga akong tantanan tsk

"tigilan niyo nga ako sa amazona na yun, di naman yun maganda maitim kaya yun tsaka ang sungit pa" sagot ko naman sakanila at ayun binatukan pa ako ni kuya kib

"hoy bata wag ka muna magsalita ng tapos baka in the end kainin mo din mga sinasabi mo hahaha sige ka ikaw din" sagot niya pa sakin at nakisali na kila aljun na mag shoot

Tsk e hindi naman talaga ako magkakagusto sa amazonang babae na yun no. Tsaka hindi yun ang mga type ko mga niña alvia ang mga type, ko mga babaeng babae kumilos di yung mas lalaki pa sakin kumilos.

After training ay diretso klase nako. Maghapon pa naman ang klase ko ngayon kaya naman goodluck nalang talaga sakin sana wag ako antukin. Napuyat pa naman ako kakagawa ng report kagabi sa isa kong subject.

Natapos ang 2 subject ko kaya naman madali nakong naglakad papuntang elevator para magpunta sa agno at kumain. After kasi neto may klase pa ako 2 subject pa yun.Pasakay na ako sana ng elevator ng maunahan ako ng mga ibang estudyante kaya naman wala akong choice kundi ang mag hagdan nalang. Nasa 3rd floor pa naman ako kaya naman ang hassle. Pagbaba ko ng second floor ay saktong nakita ko si miss amazona sempre sino paba walang iba kundi si tin ng spikers. 

"Hi miss A" bati ko sakanya kaya naman napalingon siya bigla pero ng makita na niya ako ay bigla nalang naglaho yung ngiti sa mga labi niya, Sayang ganda pa naman niya kapag naka smile yun nga lang mataray haha

"tsk kaya naman pala bumaho e may masamang hangin akong naamoy" pangbabara niya sakin at nagtuloy ng bumaba ng hagdan kaya naman sinundan ko na siya

"bakit ang sungit mo sakin?" tanung ko naman sakanya habang pilit siyang sinasabayan sa pagbaba sa hagdan

"bakit ang yabang mo?" balik tanung naman niya sakin at binilisan pa yung paglalakad

"bakit ba parang inis ka sakin?" tanung ko pa din sakanya habang patuloy pa din na nakikipag sabayan sakanya sa pagbaba ng hagdan

"bakit ba ang kulit mo?" tanung na naman niya sakin at this time tumigil na siya sa pagbaba ng hagdan, hay buti naman mejo hinihingal na ako e

"bakit nga ang sungit mo sakin, hindi naman kita inaaway ah" balik tanung ko naman ulit sakanya at inirapan lang ako tsk sungit talaga

"wala kang pake, tabi nga jan" sabay tulak sakin at nagtuloy na sa pagbaba. Tsk kakaibang babae sa gwapo kong ito ni hindi man lang nahumaling o nagwapuhan? 

Ang hangin naman drei...

Hindi ko nalang siya sinundan pa at nagtuloy nalang sa agno for sure naman magkikita pa kami dahil madalas naman na magkasunod lang ang training ng spikers at archers. Pagdating ko sa agno ay agad na akong pumunta sa mismong stall namin at dun na kumain sempre para libre hahaha. Wala man lang akong makitang teammates ko para makasabay kumain hay lungkot naman ng life hahah.

Tadhana (#TinDrei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon