Tadhana 3

380 6 0
                                    

Tin's Pov

3 weeks to be exact since kumalat ang picture namin ni Andrei at naging usap usapan kami sa social media maging sa loob ng school campus, mas malala pa dahil sa mga pinaggagawa ng mga teammates namin.

Grabe sila kung mang asar samin lalo na kapag nagkakasabay ang training namin sa archers kasi sempre andun si Andrei.

Hindi ko nga din malaman kung paano nagkaroon ng ship na TinDrei e, Sabi ng mga teammates namin ay mula daw sa pangalan namin ni Andrei. Hindi ko nalang pinansin kasi ayaw ko ng issue.

Basta ako focus lang ako sa volleyball at sa academics ko yung mga ganyang bagay ayaw ko munang pagtuunan kasi hindi naman yun dapat  ang inuuna may mas marami pang importanteng bagay ang dapat unahin.

"Hi Ernestine" napalingon ako sa taong nagsalita sa likod at nakita ko si Andrei na naka smile sakin

"Hi" i said then nagtuloy nako sa paglalakad papunta ng razon

"Saan punta mo?" Akala ko naman umalis na siya sumunod pa pala

"Sa razon" hindi ba siya makahalata na ayaw ko siya kausap or kasama? Gosh

"Sabay na tayo dun din naman punta ko eh" luh fc si kuya

Hindi nalang ako nagsalita at binilisan nalang ang paglalakad. Napalingon naman ako sa mga studyante na nagbubulungan tss yan na nga ba sinasabi ko eh pag uusapan na naman kami.

Binilisan ko pa ang paglalakad para makalayo na sa mga taong chismosa na ito jusko.

"Ang bilis mo naman lumakad nagmamadali kaba Tin?" Tanung niya pero hindi ako sumagot kasi ayaw ko lang 

"Ang sungit mo talaga pagdating sakin, i just want to be friends with you lang naman eh" napahinto nako sa paglalakad dahil ang kulit niya at naiinis nako kaya naman hinarap ko na siya talaga.

"Hindi mo ba talaga ma-gets na ayaw kita kausap? Gosh bakit hindi ka makaramdam hindi na nga kita pinapansin eh umiiwas na nga ako pero eto kapa din lapit ng lapit. Tigilan mo na ako please ayaw ko ng issue" and then i left him there ang dami na kasing taong nakatingin. Hindi kasi siya makaramdam eh

Nakarating ako sa razon ng nakasimangot na buti nalang sila Mayang at Mich palang ang andito kundi baka maasar na naman ako ng iba pang teammates namin.

"Aga aga pa girl lukot na agad fes mo" sita sakin ni Mayang pagkalapit ko sakanila

"Paano naman kasi aga aga mang badtrip ni Drei, diko na nga kinakausap sunod pa ng sunod jusko" reklamo ko sakanila at tinawanan lang nila ako. Hays sabi ko na nga ba eh maling mali na sinabi ko sakanila yung nangyare dahil aasarin na naman nila ako.

"Ikaw naman gusto lang naman yata nung tao na makipag friends sayo pero bakit ayaw mo, wala naman masama dun ah." Sermon sakin ni Mich

"Ayaw ko lang naman ng issue kita niyo nga ilang weeks nakong pinagpipyestahan ng mga fans dahil sa picture naming dalawa" sagot ko naman at nag ayos na para makapag stretching na.

"Sabi mo eh, ikaw din baka magsisi ka sa huli" sabi pa ni Mayang pero hindi nako kumibo at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko.

Hanggang sa nagdatingan na ang ibang teammates namin at nag start na mag training ay hindi na ulit nabuksan pa yung topic tungkol samin ni Drei na pinagpapasalamat ko naman kaya naging tahimik ang buhay ko during training hours.

But not until the Archers came and my tahimik na buhay ay nagulo na naman dahil sa walang sawa nilang pang iinis saming dalawa.

Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko hanggang sa idismiss kami ni coach. After cooling down ay diretso shower room ako para makapag freshen up.

Tadhana (#TinDrei)Where stories live. Discover now