Chapter 17: IG

634 8 2
                                    

Celine’s POV

San kaya nagpunta si Fort at Tata? Parang kanina pa sila wala a. May problema kaya si Fort? Parang medyo nag-iba yung mood niya kanina e. Ano kaya nangyari dun? Kukulitin ko na nga lang mamaya.

Sakto paglingon ko sa pintuan, kakapasok lang ni Fort at Tata.

“Fort! San kayo galing ni Tata? Kayo a” pang-asar ko sakanila

“Bakit, Celine? Nagseselos ka ba?” biro sakin ni Tata

Namiss mo ko no?” sabi sakin ni Fort

Bigla namang nag-“Ayiiiiiiii” ang mga Tigers. Jusko kala mo mga babae.

 “Itatanong ko lang kasi sana kung may pagkain na ba. Gutom na kasi kami. Hahaha” sagot ko kay Fort

“Takaw takaw mo talaga. Haha Nagpadeliver na ako ng pizza. Parating na rin siguro yun” sabi niya

May superpowers ata to si Fort dahil pagkasabi na pagkasabi niya, dumating na ang delivery. Tuwang tuwa kaming lahat dahil ang daming pinadeliver ni Fort – pizza, pasta, chicken wings, at mojos.

“Mga paps, dapat pala lagi natin kasama si Celine pag andito kela Cap” sabi ni Aljon

“Ha? Bakit naman?” tanong ko

“E kasi dati pizza lang lagi pinapadeliver ni Fort” sabi ni Kevin

“Ngayon nga lang yan nagpadeliver ng pasta, chicken wings, at mojos e” dagdag naman ni Paolo

“Nandito ka kasi e, kaya special din yung pakain ni Cap. Hahaha” dugtong ni Ed

“Pati ba naman yung pagoorder ng food may malisya pa? Kumain na nga lang tayo.” sagot ko sakanila

Habang kumakain, tumabi ako kay Tata para magtanong kung may problema ba si Fort.

“Tata, may problema ba si Fort?”

“Bakit mo naman yan natanong, Celine?”

“E kasi kanina parang iba yung mood niya e. Parang di siya okay. Pero ngayon mukhang okay na. May nangyari ba?”

“Ah. Wala yun. Masyado lang kasi siya napapaisip sa next game namin. Kailangan kasi manalo para makapasok sa Final Four. Pressured lang siguro

“Baka nga. Nako kaya di tumatangkad si Fort e, bigat ng dinadala” biro ko. Nagtawanan nalang kami ni Tata.

“Pero Celine, maiba ako. Ano ba talagang meron sa inyo ni Fort?”

 Magkaibigan haha” mabilis na sagot ko sakanya “Bakit mo naman natanong?”

“Wala lang. Iba kasi yung closeness niyo

“E comfortable kasi kami sa isa’t-isa. Tsaka ganun naman siya sa lahat ng friends niya”

“Maliban sa Tigers may iba ka pa bang naiisip na madalas niya kasama?”

Napaisip ako sa tanong ni Tata. Madalas kasi pag wala silang training, nagyaya siya kumain o di kaya tumambay.

Pero hindi naman ata lagi yun? Hay ano ba to si Tata bakit ganito mga tanong niya.

“O bakit di ka makasagot dyan?” pangiti na sinabi ni Tata

“Hindi naman kasi ako stalker ni Fort kaya hindi ko alam kung sino madalas kasama niya maliban sa inyo” sagot ko kay Tata

Expected, but not really.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon