Chapter 23: Naunahan

580 9 4
                                    

Celine's POV

@jeronteng

Thanks for today, @itsmeceline! :) :) :) (IG link)

Kanina pa kami nakarating ng bahay pero hanggang ngayon gising na gising parin ako. Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga nangyari kanina. Nagtapat na si Jeron. Natatakot ako dahil ayoko siyang masaktan. Pero gusto ko rin malaman kung maggrow pa ba ang feelings ko sakanya.

* Flashback *

"Fine. Let's see where this will take us" sabi ko kay Jeron habang nasa ferris wheel kami.

Niyakap niya ako ng mahigpit at sinabing "Thank you. You don't know how happy you made me." Saktong sakto nasa taas kami nung nagstart ang fireworks show. Mas maganda pala pag nandito. Kinuha niya ang kamay ko at pinanood namin ang fireworks.

"Ang ganda no?" sabi ko sakanya habang nakatingin sa show

"Ikaw? Oo naman." sagot niya

"Alvin, ang cheesy mo ha. Hahaha"

"Totoo naman kasi yun, Karla. Ikaw lang ayaw maniwala. Haha Alvin ba talaga itatawag mo sakin? Pag naririnig ko kasi daddy ko naaalala ko e. Haha"

"E ikaw kasi tinawag mo akong Karla e. Gumanti lang ako."

"O sige, hindi na Karla. Babe nalang. Ganti ka na. Hahaha"

"Hahaha not gonna work, Jeron. Whitey nalang? Kasi maputi ka naman"

"What the. Ginawa mo naman akong aso, babe." 

"Hindi mo ba talaga ako titigilan sa 'babe' na yan?"

"Like I said, wala akong planong tumigil. Hahaha"

"Bahala ka sa buhay mo, Whitey. Kung yan ang ikasasaya mo. Hahaha"

"Ikaw ang ikasasaya ko. Oyyy kinilig! Haha" banat sakin ni Jeron. 

"Kung alam mo na, wag mo na sabihin. Ibbroadcast pa e." 

"Hahaha ang cute cute mo talaga, babe." at kinurot niya ang cheeks ko. "Tara, picture tayo." yaya niya sakin. Nakarami ata kami ng pictures kaya collage nalang ang ginawa namin. Hindi naman kami masyadong vain. 

"Whitey, may question ako." sabi ko sakanya

"Ano yun, babe?"

"Alam mo naman yung kay Fort diba? I mean yung close kami, crush ko rin siya and kinikilig din ako sa mga ginagawa niya. Like I said, ayoko maging unfair sayo that's why I want you to know that. And I won't blame you kung hindi mo na itutuloy"

"Hahaha nakakatawa ka. What kind of guy would I be kung sa ganun lang titigil na ako? I'm aware of that. And inisip ko tong mabuti. Kahit ilang lalake pa ang manligaw sayo, I still won't give up. Titigil lang ako pag nakita kitang mas masaya sa iba"

"Balak mo ba talaga akong paiyakin ngayong araw na to? Haha Nakakainis ka naman e" Sa totoo lang, hindi ko rin maexplain kung ano naramdaman ko nung sinabi niya yun. Ang sarap sarap pakinggan.

"I'm just telling the truth." tumigil siya sandali at hinawakan ang pisngi ko. "I love you, Karla Celina Herrera Madrigal." sabi niya habang nakatingin at nakangiti sakin. Ito yung tipong ngiting nakakatunaw.

"Jeron"

"I'm not asking you to say it back. Gusto ko lang malaman mo"

"Thank you, Jeron. Thank you" Niyakap ko siya ng mahigpit. Nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng isang katulad ni Jeron.

Expected, but not really.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon