A/N: YOW! hahaha hi my Martyras (readers) unfortunately di ako nakapag UD agad kanina is because ngayon lang nagkanet dito sa bahay for others na nag aask sa pm if i a the real KuraiBonne. OH YES IAM, REAALLY AM. Eto po ang official account ko so if anyone copy or using my name on other matter please let me know ng mapalechon na natin HAHAHAH no joke lang. Pero please let me know thank you guys and keep reading ARIGATOU! ARIGATOU!
~Martyra's POV~[Flashback before 3 years]
"Wala ba talaga ako makakasama dito sa waltermart?" I was about to cry when i realized my bestfriend mike didn't make his invitation.
Wala naman akong magagawa kung di siya makakapunta e kasi busy siya with his mom di ko alam san siya nagpunta basta nagtext nalang siya na ayun next time nalang daw ang panlilibre niya ng burger mcdo.
Gusto daw niya try yung bagong burger ng mcdo e, yung may kantang "tuloy pa rin". Nung napanood ko yun nakarelate din ako e kasi hahaha moving on kasi.
Eto ako seating alone sa cyberzone ng waltermart at nagtitingin ng mga taong nagdaraan. At sa bawat nakikita kong tao na dumadaan, lahat sila may kasama. Alam mo yung feeling na ang lonely lonely mo. Lahat ng makita ko may ka-holding hands, may kaakbayan, tas meron pa masaya nag uusap sa gilid gilid. Inshort, tambayan ng mga couples.
" nalibot ko na buong walter pero bored na bored pa din ako. Hayyy wala ba talaga akong makakasama sa lahat ng pinasahan ko ng text?" Hayy nakakabaliw na talaga yung sooooobrang depress ka na di mo na alam kung saan kapa ba huhugot ng lakas ng loob at huhugot ng saya.
Yung wala kang makitang taong pwede mo makasama ngayong araw para damayan ka sa kalungkutan mong nadarama. Yung gusto mo mang umiyak sa paulit ulit na dahilan pero di mo pwedeng gawin kasi bukod sa wala kang kasama, magmumukha kapang kahiya hiya.
Lahat na ata ng nasa contacts ko nag gm ko na pero ni ho ni ha wala. Feeling na para bang pinagkaitan ka ng friends ngayon kung meron ka man makakausap mamaya wala na, mamaya di na interesado, mamaya iiwan ka din kasi nabored na sau.
Still loner ka pa din.
Napalingon ako sa cherry mobile stall dito sa loob. May namasdan akong lalaki at babae. Chubby at tall ung lalaki while the girl is small and thin.
Bigla kong naalala na ganun ang itsura namin ni Raiji nung kami pa. Nagtitingin ng phone sa cyberzone sa SM nung panahong binili namin ung starmobile kong phone.
Parehas na parehas ung couple na to sa amin, isang magulo utak isang pasensiyoso. Imbis na kiligin ako nalungkot pa ako lalo na .... Bakit kaya niya ako iniwan?
Ganto pa din kaya kami ngayon kung kami pa?
Masaya pa din kaya kami kung kami pa?
Hindi ba ako ganitong kamiserable kung kami pa?
Di ba ako ganito kalungkot kung kasama ko siya?
Akala ko nga valentines day ngayon e kasi ang daming couples na nagkalat. Kaloka, sa pagkakaalam ko father's day ngayon e. Bakit naglipana na kayo?! Di niyo ba alam na naiinggit ako? *sadlife*
......at nakita ko nalang ang sarili kong lumuluha habang tinitignan ung lalaki at babae sa loob ng stall.
"Miss diba ikaw ung may kasamang matangkad na lalaki?" Naglalakad ako sa loob ng dept store dito sa walter at may umentra namang saleslady na nagtatanung.
"Lalaki?"
"B-boyfriend mo ata yun. Yung chubby!" Kung kilala ko lang si ate baka nasampal ko na to ng sandugong tsinelas.
"Nasaan na nga pala yun?" At humirit pa nga e, hoy ate di mo ba alam kung gaano kapainful yang ginagawa mo?!
"Ahh wala e. " nagkibit balikat nalang ako at umalis nalang basta. Ewan, di ko na kaya marinig pa kung ano itatanong niya e, para kasing kapag nagtatanong sila sa akin mas gusto ko nalang magkulong sa kwarto.
Kaya after break up di ako naglalabas ng bahay kasi ayoko ng tinatanong. Ni kinakausap about sakaniya ayoko. Away na nga kami ni mama sa bahay at sa living hell na bahay na un dito pa ba sa labas?
"Mag bbreak din kayo. Taena niyo!" Bulong ko sa tatlong couples na nakatambay doon sa harap ng harang.
Nakakainis kayo, bakit ba naglipana na kayo, ininvade niyo na ang buong walter e! Di ba pwedeng makatagpo ako ng taong walang kasama din?!Maya maya nakita ko nalang nag aaway na ung tatlong couple sa may harang tas sinampal pa nung babae ung lalaki tapos ung isa naman tinulak. Medyo nahupa hupa ako nun kasi parang tumalab ung bulong ko.
Letse kasi bakit ba ang bitter bitter ko. Bakit sa aming dalawa ako lang yung lugmok na lugmok. Ako lang yung nasasaktan, ako lang yung nahihirapan, ako lang yung apektado. Bakit siya?! Bakit siya hindi!
Imbis na tumambay pa ako sa walter umuwi nalang ako. Akala ko kasi kapag gumala ako magiging masaya ako. Yung makakaranas akong maging ok naman kahit wala na siya. Pero imbis na masiyahan ako lalo ako nadedepress. Wala pa ako makasama actual.
Alam mo ung mahirap, ung wala ka masandalan actual kasi wala naman sila sa tabi mo? Ang hirap kasi e, buti kung lalaki ako natural sa lalaki makipagfling. Pero sa gaya kong di naman tinataglay ang kalandian? Parang mas nakakadepress na pati kaibigan busy kapag ikaw ang depress.
"What a life" sabi ko pagkahiga ko sa kama. Feeling ko gugunaw na ang mundo ko. Its been 1 month ng iniwan niya ako pero ung feeling parang kahapon lang
Parang kahapon lang kami nagbreak kasi hanggang ngayon namimiss ko pa din siya.
Ang kinaiinisan ko sa sarili ko, di ko kayang maibalingsa iba ung atensyon ko. I hate being like this. Being what i am now, i really really hate why i am so inlove with that guy na di ko magawang makalimutang mahal ko siya?
Im so fucking down right now.. Damn down..
Feeling ko wala na tong katapusan.
[End of flashback]
"Tyra! Di kana umibo diyan? Tara na maghanap nang kainan?! " di ko namalayan na nakatengga pa pala ako sa harap ng entrance ng mall at nakatulala.
Kung di pa ako tinapik ni Reinassance, baka nagkastampid na.
After 3 years..
The pain is still here...
....in my heart. Same places. Same time.
BINABASA MO ANG
The Life of Martyra (COMPLETED)
Mystery / Thriller4 years inside of a lovely and chaotic relationship was a very beautiful memory of Martyra. Martyra Nomanada is a small, strong, brave woman with a big heart who is inlove with Raiji Masase but after a day of unexpected break up from her boyfriend...