~Martyra's POV~
"Alam ko wala akong karapatan na yakapin ka pero..." hanggang ngayon umiiyak pa din ako. Siguro iniiyak ko na yung tatlong taon na pinigil ko, yung inipon ko, yung binaon ko sa limot.
"Sa huling pagkakataon, gusto kong yakapin ka ng mahigpit. " nakayakap siya sa akin at ng sinabi niya yon lalo niyang hinigpitan yung pagkakayakap niya.
"At maamoy muli ang samyo ng iyong amoy. Amoy na hinahanap hanap ko.." pumiyok na naman ang boses niya. Parang pinipigil niyang maiyak uli pero di niya magawa.
"Kasi" lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin habang ako luuluha pa din at pinakikinggan siya.
"Sobra kitang namiss.." nakaramdam ako ng nahulog na luha mula sa taas at pumatak sa braso ko na nakahawak sa braso niya.
"Pleasssee, can we stay like this for a minute before i let you go.." hanggang ngayon pa din hindi siya pumapalya na paiyakin ako.
"And after this, hopefully kapag nagkita uli tayo. Masaya kana.." yumuyugyog siya at umiiyak, humihikbi siya at pigil na pigil ang pag iyak.
"at sana kapag nagkita uli tayo. Hindi kana galit sa akin, hindi kana maghihiganti." Hinaplos niya ang buhok ko at sinuklay suklay iyon habang umiiyak kami pareho.
Kung titignan kami para kaming umeeksenang artista sa ilalim ng camera pero ang totoo, para kaming tanga na nagpapatawaran at nag iiyakan.
Hindi ko inaasahan na dadating ang araw na ito na lalabas ako sa barrier na ginawa ko, sa Martyra'ng matapang, siga, walang inaasahan, walang kinakatakutan.
At hindi ko inaasahan na ako? Si Martyra? Makakayakap ang lalaking nasa tabi ko ngayon at inaalo ako para maging masaya habang wala siya.
Humihingi ng kapatawaran sa kasalanan niyang ginawa. At ako, eto ako...
Lugmok sa nakakalunod na sakit at pighati. Nilalamon ng higanti at galit.
"Sana maalala mo yung mga panahong napasaya kita. Alam kong di madaling makalimutan yung mga masasamang ginawa ko. " singot ke singot siya habang yakap yakap niya pa din ako na kaisng higpit ng nakabiting tao.
"Pero ako, di ko nakakalimutan yung mga araw na napangiti kita. Napatawa kita, napasaya kita, napakilig kita at yung araw na minahal kita.." habang nakikinig ako sakaniya, nararamdaman ko na hindi pa din pala ako nakakamove on sa lalaking ito.
Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi ko pa din pala talaga nagawang maging masaya kahit successful na ako. Ang miserable ko pa din pala gaya niya.. Parehas lang pala kaming naging miserable sa relasyong iniwan na namin pareho.
Akala ko talaga nakalimutan ko na siya, akala ko magiging masaya na akong makaganti sakanila. Pero eto ako, nasasaktan, umiiyak sa kamay ng taong sumira sa akin.
At eto siya...
Humihingi ng tawad at humihingi ng pabor na maging masaya ako..
"Pero sadya atang gago ang tadhana eh!" napatawa siya kahit kaunti bago suminghot uli at napaiyak na naman.
"Kasi pinagtagpo lang tayo pero hindi naman tayo para sa isat isa.." bakit ang bigat nung sinabi mo? Bakit ang bigat sa pakiramdam na nilelet go mo na naman uli ako?
"Pinagtagpo tayo Martyra para magmahalan lang pero hindi ata tayo inilaan ni Lord para maging tayo talaga.." tumulo ang masagana kong luha sa mata ko habang pinakikinggan ko, bakit kasi nararamdaman ko to. Ang sakit sakit na...
"Masakit Martyra, masakit na kailangan kong saktan ka para lumayo ka sakin. Sorry ha, napakaduwag at gago ng ex mo, isa lang kasi akong lalaking asa pa sa magulang ko. Di pa nakakagraduate at wala pang nararating sa buhay."
"Sobrang confused ko na ng panahon na yun at ikaw ang una kong naisip.." damang dama ko ang yakap na mahigpit niya na nagsisimbolo ng tatlong taon na pagkakahiwalay namin.
Pati na din ang namiss kong amoy niya.. Why can't we be like that..
"Naisip ko na sobra kanang nasasaktan sakin Martyra, di na talaga kita mapasaya ehh.. Sobrang gulong gulo ko na at di ko na alam paano pa makakabawi sayo." How missed this moment. His hugs, His touched, This feeling..
Lahat namimiss ko na kahit ang boses niya..
"Kaya naisip ko nalang na mas mabuting palayain na kita, di kana masaya sakin Martyra e.. Kaya kahit gaano kahirap at kasakit, ginawa ko yun kasi Mahal kita. At ngayon, pinagtagpo uli siguro tayo ng tadhana para sa araw na ito. Para magsorry ako at makalet go na talaga ako sayo.." umiyak na siya ng umiyak uli at hagulgol siyang yumuyugyog.
Bakit ngayon mo lang sinabi?
"Mahal kita. Pero di na tayo pwede. Masaklap man ang kinahantungan natin pero hinding hindi ko makakalimutan na minahal ko ang isang katulad mo, Martyra." Bigla akong nagitla at napanganga ng dahan dahan siyang lumayo sa akin at lumuwag na ang pagkakayakap niya.
Tinignan ko siya na tumatayo na at tinitignan din ako mula sa taas. Parang sinasabi niyang eto na ang huli naming pagkikita. Ang huli naming yakap..
"Be happy, okay? I'll be okay basta okay kana.." naninigas na tinignan ko ang mukha niyang punong puno na ng luha. Luhang galing sa namiss kong mata. Bakit ba hindi tayo pwede?
"Promise me na magiging masaya kana ha.. That's my last wish.." pagkatapos niyang sabihin yun ay hinalikan niya ako ng matagal sa noo kaya napapikit ako at dinama ko ang halik na yun.
What the hell.. I missed his kisses, his aura, his soft lips, his hard body and warm arms.. God knows how i missed this man! Pero bakit di kami pwede?
At nang pagkamulat ko wala na siya sa harap ko..
Naiwan ako sa sahig na nakatanga at di makapaniwalang nawala na naman siya sakin...
BINABASA MO ANG
The Life of Martyra (COMPLETED)
Mystery / Thriller4 years inside of a lovely and chaotic relationship was a very beautiful memory of Martyra. Martyra Nomanada is a small, strong, brave woman with a big heart who is inlove with Raiji Masase but after a day of unexpected break up from her boyfriend...