LM11-Changes

4.8K 93 1
                                    

LM11-Changes

#Unedited.

Althea's POV

MATAMAN akong nakatingin kay Aiden na ngayo'y matamang nakatingin din sakin. Nandito kami sa labas ng bahay at papasok na sa opisina. Nakaharang siya sa daraanan ko at ayaw niyang lumayas. Mula sa pag uusap namin kagabi at sa paghalik --ah! Erase that thought! Ay di ko pa rin siya pinapansin.

Naglakad ako at akmang liliko para lagpasan siya nang bigla ay gumalaw siya at humarang muli sa daraanan ko. Inis na binalingan ko siya.

"What?" I ask him. Ano bang kailangan niya? Kailangan ko nang pumasok dahil kailangang ayusin ko ang gul na ginawa niya kahapon.

He raised an eyebrow. Ang loko, ang gwapo pa rin kahit anong gawin!

"I told you ihahatid kita." Wika niya. Iniiwas ko ang tingin sakanya. Malay ko bang seryoso siya kanina nang sabihin niyang ihahatid niya ako? Shaka i want to distance myself, ayoko na kasing umasa..umasa sa wala.

I sighed, then I looked at him again.

"I told you kaya ko diba? Magaling na ko--"

"I know, pero gusto kong ako parin ang maghatid sayo." Pormal na sabi niya.

Napapikit ako. Ano ba naman!

"Di na nga kailangan diba? Shaka bakit mo ba ito ginagawa? Dahil ba naguguilty ka sa di mo pagsipot sakin at--" di ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla ay inilang hakbang niya ang distansiya naming dalawa. Napaatras ako pero umabante siya hanggang sa maradaman ko ang pader sa likod ko. Napalunok ako habang makatingin sa seryoso niyang mukha. I'm trap.

He meet my gaze, at talaga namang napalunok ako dahil nandoon na naman ang emosyong iyon sa mga mata niya na di ko mabigyan nang pangalan.

"I told you wag mong pag isipan ng iba ang mga ginagawa ko para sayo. Sinabi ko na, na hindi to pagpapanggap hindi ba?" He said in a formal voice.

Nailayo ko ng konti ang mukha ko sakanya at lihim na napalunok. Walanghiyang lalaki! Ang bango, ang sarap kainin!

Ah erase! Erase! Kainin? Like arrgghh! Kainis naman kasi!

Sa nanginginig na mga kamay ay marahan ko siyang tinulak sa kanyang dibdib.

"A-ano. Oo alam ko naman. It's j-just..ahm." utal utal kong sabi.

Di nakaligtas sa mga mata ko ang pagngisi niya. Sa halip na lumayo ay mas lalo pa niyang inilapit ang katawan niya sakin. Napasinghap ako at di ko na alam ang gagawin ko. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko na natatakot na ko na marinig niya.

"A-A." Mahinang wika ko. Tahimik siya at sa naginginig na katawan ay dahan dahan ko siyang tiningala. Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko siyang matamang nakatitig sakin, partikular sa mga labi ko. Napansin ko ang ilang beses niyang paglunok at maya maya pa.

"Sh*t! I can't hold it anymore." Napakunot noo ako sa sinabi niya. Can't hold it? Saa-

Nanlaki ang mga mata ko at feeling ko nanigas ako sa kinatatayuan ko. Malakas ang tibok ng puso ko.

He kissed me! Di ko alam kung paano mag rereact! Itutulak ko ba siya? Pero bago ko pa iyon magawa ay hinawakan niya ang mga kamay ko at itinaas iyon sa ulunan ko. Mas pinalalim pa niya ang halik then I lost it. Pumikit ako at tumugon sa halik niya. I admit that I really do missed him. I really miss this side of him.

Ilang minuto kaming ganoon at nang maubusan ng hangin ay binitiwan na niya ko.

Nagtama ang mga mata namin. Iniiwas ko ang mga mata ko dahil alam kong namumula na nang todo ang mukha ko. Nahihiya ako!

Napapitlag pa ako nang hawakan niya ang pisngi ko at iharap sa mukha niya. Nagtamang muli ang mga mata namin.

"You're blushing." He smirked.

Sinimangutan ko siya at hinampas sa braso.

"Kainis ka." I hissed at him.

Natawa naman siya at talaga namang napanganga ako. Why not? Sa loob ng isang taon ngayon ko lang siya muling nakitang ganyan.

"Why?" He suddenly ask. I smiled then I shook my head. I know naniniwala na naman ako sa mga nakikita ko. I know nag aasume na naman ako. But who cares? Masaya ako. Yun muna ang iisipin ko. Shaka ko na iisipin ang susunod.

Nagulat ako nang bigla ay yakapin niya ako. Pero napalitan yun ng ngiti matapos. I hugged him back.

Ramdam ko. Ramdam kong nagbabago na siya at bumabalik na ang dating Aiden na kilala ko.

---
AT OFFICE

NAHAHAPONG napasandal ako sa swivel chair ko. Grabii iti, nakakapagod!

Tumingala ako at pumikit. Inaantok na din ako, sumasakit pa ang ulo ko. Feeling ko nabinat yata ako.

Habang nakapikit ay naisip ko ang mga pagbabagong nakikita ko kay A. Oo alam ko, pinapaasa ko na naman ang sarili ko na bumabalik na talaga siya, pero naman kasi..paano ko di maiiwasang isipin iyon kung sa bawat pagdaan nang araw nakikita ko yung dating Aiden na kilala ko?

I sighed.

"What was that for?" Wika ng baritonong boses.

Bigla ay napaupo ako at literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya sa harap ko.

Nakita kong napangiti siya at napailing nang makita ang naging reaksiyon ko.

"W-what are you doing here?" Nautal pa ako.

He shrugged his shoulder.

"It's already 6 pm. Nagtext ako kay Mang Caloy at nasabi niyang di ka pa raw nagpapasundo. So dito na ako dumeretso, sabay na tayong umuwi." Daldal niya.

Nakatingin lang ako sakanya. Ang...ang... ang daldal niya yata?

Tumaas ang kilay niya.

"What's with the face?" He ask me.

Napakurap naman ako at umiling. I smiled a little.

"Nothing." I said. Iniwas ko na ang tingin ko sakanya at inayos ang mga gamit sa mesa ko. Medyo nailang pa nga ako dahil habang ginagawa ko iyon ay ramdam kong di niya ako hinihiwalayan nang tingin.

Ilang minuto ay natapos ako. Nag angat ako nang tingin at nasalubong ko ang mga mata niya, at ayun na naman ang emosyong di ko mabigyan nang pangalan.

"Ahm. Tara na?" Ako sabay tayo.

Tumango siya at hinayaan akong magpatiuna sa paglalakad.

Tahimik ang paligid dahil narin siguro sa umuwi na ang mga empleyado ko.

Paglabas namin sa building ay nagderetso kami sa nakaparada niyang Lambo.

Napataas pa ang kilay ko. Lambo? Alam ko pag may mahalagang okasyon lang siya gumagamit ng ganito ah?

Nagulat pa ako nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

"Hop in." Wika niya.

Napatango na lamang ako at sumakay na.

Sinara na niya ang pinto at umikot para sumakay sa kabila. Ilang segundo lang ay tinatahak na namin ang daan pauwi?

Pauwi nga ba? Bakit parang iba ang daan?

Nilingon ko siya para sana tanungin nang bigla ay nagsalita niya.

"Naiinip ako. Samahan mo akong maglibot."

Napaawang na lamang ang labi ko, pero unti unti ay gumuhit ang ngiti ko.

So, lilibot kami? I'm so excited!

TBC...

A/N:
Sorry for the late update!!! Busy po talaga! Sana maintindihan!

Salamat sa nagbabasa at magbabasa pa lang! :)

GodSpeed! :*

#N.

Lost Memories (CURRENTLY EDITING)Where stories live. Discover now