LM13-HIS POV

4.9K 103 4
                                    

A/N:
So, sa kinatagal tagal. Ito na ang POV ni A! 😊 So iikot tayo ng konti ah? Wag malito. Enjoy reading peopletz.😘

Btw, Aiden's Picture sa taas! 😍

Unediteddd!

LM13-HIS POV

Aiden's Point of View

Flashback

I SLOWLY opened my eyes. Noong una ay hirap ako. Bukod kasi sa masakit ang katawan ko at pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ay nahihirapan din akong idilat ang mga mata ko na para bang napakatagal ko iyong di idinilat.

Kahit hirap ay dahan dahan ko iyong idinilat, puti at maliwanag na kwarto ang namulatan ko. Sa una ay nasilaw pa ako, pero kalaunan ay naging maayos na ang vision ng mga mata ko.

Nagtatakang inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Puro puti? Doon ko lang napagtantong nasa ospital ako. Pero anong ginagawa ko dito?

Akmang uupo sana ko nang bigla ay may mapansin ako sa gilid ko.

Napakunot noo ako. I saw a very beautiful woman beside me. She's holding my hand at bakas sa magandang mukha niya ang pagod na para bang matagal niya akong binantayan at nakatulugan na niya iyon.

Di ko alam pero may naramdaman akong kung ano sa dibdib ko. Pero ipinagsawalang bahala ko iyon.

Bukod sa di ko alam kung bakit ako nasa ospital ay di ko rin kilala ang babaing nasa gilid ko.

Akmang tatanggalin ko na ang kamay kong hawak niya nang bigla ay maalimpungatan siya. Pinagmasdan ko siya at naramdaman ko na naman ang kung ano sa dibdib ko.

Dahan dahan ay nagmulat siya ng mga mata. Agad na tumutok sakin ang magagandang mata niya at bigla ay nanlaki ang mga iyon.

Mabilis siyang napaupo, nangunot ang noo ko sa naging reaksyon niya.

Napaigtad ako nang haplosin niya ang mukha ko at kitang kita ko ang pagkalaglag ng luha sa mga mata niya. Mas lalo akong nagtaka. Sino ba siya at bakit niya ako iniiyakan?

Nagulat na lamang ako nang bigla ay niyakap niya ako nang mahigpit.

"A..A." Wika niya at ramdam ko ang paghagulgol niya.

Doon biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang mga magulang ko. Nakahinga ako nang maluwang.

"Aiden." Wika ni mommy at malalaki ang hakbang na tinungo ako. Nagbigay nang distansiya ang babae na nakayakap sakin. Niyakap ako ni Mommy.

Nakita ko naman ang babae na tumayo at niyakap ni Dad na ngayon ay umiiyak din.

Teka? Ano ba talaga ang nangyayari?

"Sweetie?" Si mommy at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Okay ka lang ba? Wala bang masakit?" Umiling ako.

Then I ask her.

"Bakit ako nasa ospital mmy? Sino siya?" Sabay turo ko sa babaing nasa gilid ko kanina. "Sino ka?" Tanong ko na sakanya na mismo nakatingin.

Nakita ko ang pag awang ng mga labi nang babae, ang pagkagulat ni Dad at ang paninigas ni Mommy na nakahawak sakin. Mas lalo akong naguluhan.

Hinawakan akong muli ni Mmy. "Sweetie look at me." And I did. "Wala kang maalala?" I shook my head. Nakita ko ang muling pangingilid ng luha niya.

Napatingin ako muli sa babae.

"Who are you?" I ask her.

She calm herself, then she smiled a little. But I can see pain in her eyes.

Lost Memories (CURRENTLY EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon