Prologue

28.8K 146 25
                                    

Simula

Nagising ako sa tapik ng manager ko. I removed my shades habang dahan dahan akong umayos ng pagkaka-upo. Nakatulog na pala ako sa tagal ng biyahe. Agad kong ibinaba ang salamin ng sasakyan sa at tinignan ang labas. I saw a lot of pine trees. Berdeng berde ang paligid dahil sa mga puno at damong nagkalat sa paligid. It was more like a paradise. Buhay na buhay ang mga nagkalat na iba't-ibang bulaklak sa paligid. Ang kakaibang simoy ng hangin ay bahagyang naglalaro sa ilong ko. Ibang-iba ang lugar na ito sa manila.

"Grace we're here na. Kumilos ka na," napalingon ako sa nagsalita. It was my manager, Tita Isabela. Tumango ako bilang pag-sang ayon sa kanya.

So after ng ten hours na biyahe ay talagang nandito na kami sa magiging set ng project ko. My project after 4 years.

Napasinghap ako ng dinampot ko ang handbag ko sa aking tabi. Naunang bumaba ng SUV ang P.A. ko samantalang binuksan naman Tita Isabela ang sliding door ng sasakyan. Agad na pumasok ang sinag ng araw sa loob ng madilim, kasabay noon ang biglang pag-ingay ng paligid. May mga newscaster na agad na humarang sa kakabukas pa lang na pintuan.

Sobrang ingay nila. Ang dami agad nilang tanong sa akin habang hawak hawak nila ang mga microphones nila na may mga logo kung saang station sila nagtra-trabaho.

Nandito kami ngayon sa isla laloma upang i-shoot ang pinakabago kong television series. Actually, it wasn't a tv drama pero a reality show. Sa show na ito, I'm the queen, the judge, and everything.

"Kamusta naman po ang biyahe ni Ms. Grace?"

"Kailan po maguumpisa ang The Bachelorette Party?"

"Ano po ang dapat naming abangan sa show ni Grace?"

"Bakit po ang Isla Laloma ang napili niyong lugar upang mag-shoot?"

"Totoo bang tinanggap mo lang ang project na 'to upang isalba ang iyong career?" napalunok ako ng lalamunan sa narinig na tanong. Narinig din 'yon ni tita Isabela kung kaya't mabilis niyang hinawi ang nagkakagulong mga press sa harapan ko.

Hindi ko alam pero nasaktan ako sa narinig ko. Actually, she was right. This project is my last chance upang buhayin ang tila namamatay ko ng career. Actually it has been four years ago ng huli akong gumawa ng show para sa isang television company. Natigil ito ng mag simulang magsipasukan ang ilang teen idol sa aming industriya na siyang naging dahilan ng pagkakaiwan sa akin sa likuran ng spotlight. Though, napapasama naman ako sa ilang game shows at interviews, hindi naging sapat yon upang muli akong makilala sa harapan ng camera. Ngayong nabigyan ako ng pagkakataon upang mapatunog ulit ang aking pangalan ay hindi ko na sasayangin ito.

"We will going to entertain your questions tonight during sa presscon ng The Bachelorette Party," sigaw ni tita Isabela kasabay ng pagpigili niya sa press na muling makalapit sa akin. Tinutulungan na rin siya ng mga marshalls na kasama namin sa biyahe.

Bachelorette Party is the biggest blessing for me that I ever had. Kung hindi pa dumating sa akin ang project na to ay hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko. Hindi ko na siguro alam kung saan ako kukuha ng pera na pang-gastos sa lahat ng pangangailangan ko. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa susunod pang mga taon ko as an actress.

Nilingon ako ni tita Isabel at bahagya siyang tumango. It was the go signal, sumunod na ako sa pagbaba mula sa loob ng sasakyan. I widen my smile habang mga flash ng cameras mula sa iba't-ibang tao ang sumalubong sa akin. Kinawayan ko ang mga press na kumukuha ng litrato, patuloy pa rin ang iilan sa kanila sa pagtatanong sa akin ngunit hindi na sila nakakalapit sa akin sapagkat hinaharangan na sila ng mga naglalakihang katawan ng mga marshalls sa paligid. Patuloy ko namang sinusundan ko naman sa paglalakad si tita Isabel patungo sa hotel  kung saan magiging primary location ito ng aming show.

Mabilis kaming nakarating sa hotel. Agad kaming pinagbuksan ng mala-medieval type na pinto ng dalawang guard. Pumasok kami rito at isang napakalaking bulwagan ang agad na sumalubong sa amin. Iginala ko ang mata sa paligid at agad kong napansin ang pagka-classy ng hotel. May mga nagkalat na medieval figurines sa bulwagan. May mga restaurants din sa gilid at sa gitna ng lobby ay may malaking fountain na may mala-lumang na disenyo. Tumingala ako sa itaas ng hotel at ang napakalaking golden chandelier ang agad na sumalubong sa akin. Tumatagos ang liwanag ng araw mula sa labas dahil sa bubong ng uong hotel na gawa sa isang makapal na salamin. Sobrang pagka-class ng paligid.

"Good afternoon maám and sir," napalingon ako nagsalita. Isang matangkad na babae ang nakatayo sa aming harapan. She was wearing a red fitted dress habang maayos ang pagkakabagsak ng tuwid niyang buhok sa kaniyang mga balikat. Sa paraan ng pananamit niya ay alam kong may mahalaga siyang role sa hotel na ito. Nasa likuran niya ang receptionist na nasa-reception area kanina at ang isang matangkad na lalaki. Sa likuran nila ay naka-helera ang iba't-iba at nagdadamihang staffs. Hindi ko napansin ang pag-helera nila dahil sa pagkamangha ko sa ganda ng paligid.

"Welcome to Isla Laloma. Welcome to Golden Fourth Hotel and Resort, we will make sure that you will be happy with us." Sabay-sabay na pagbanggit ng mga hotel staffs na siya namang ikinangiti ko.

Humakbang naman papalapit sa amin ang babae at naglahad siya ng kamay sa harapan ni tita Isabela. "I'm Desiree Alonzo, the vice president of Golden Fourth Hotel and Resort." They shook their hands at pagkatapos ay lumapit naman sa akin ang nagpakilalang Desiree. We shook our hands too bago niya nilingon ang mga staffs sa likuran niya. Binigyan niya ito ng isang go signal dahilan para umalis ang mga ito at upang bumalik na muli sa kanilang ginagawa. Naiwan naman sa likuran niya ang matangkad na lalaki.

"Welcome to Isla Laloma," dagdag niya.

A Tale of a BacheloretteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon