Chapter Two

15.7K 109 26
                                    

Chapter 2

It's been a week ng mangyari ang press conference. Nandito pa rin ako sa hotel kung saan ako tumutuloy at pansamantal ulit itong pinagbuksan para sa publiko. Ang sabi sa akin ni tita Isabela ay isasara at gagawin ulit pribado itong hotel bukas dahil bukas na magsi-simula ang pag-shoot ng aming show. Nakakaramdam ako ng bahagyang excitement at kaba para sa mga mangyayari bukas.

Kasalukuyan namang bumalik si Georgina sa manila dahil may nakatakda siyang mall showing sa Quezon City ngayon ngunit ang sabi niya sa amin ay babalik rin siya mamayang gabi. Pinagbawalan naman akong lumabas ng hotel ni tita Isabela at ni direk Sy dahil baka may masagap daw akong balita patungkol sa mga participant ng aking show. Wala na rin ang flat screen ng kwartong aking tinutuluyan at maging ang mga gadgets ko ay pansamantalang cinonfiscate ni tita Isabela. Even my laptop! Allowed lang akong kumain sa mga resto sa ground floor ng hotel. Maging ang mga tv's ng ilang resto rito ay nakapatay rin. They are being too harsh to me! Gusto ko pa naman sanang lumibot sa Isla Laloma dahil nagagandahan ako rito tuwing titignan ko ang view nito sa glass wall sa aking kwarto. Ni-hindi ko rin lubos na maisip kung paano ako na-survive ng isang linggo ng hindi man lang ino-open ang instagram ko. Tanging ang P.A. ko lamang at manager ko ang nakakausap ko sa tuwing nabo-bored ako.

Nagsimula na rin palang ipalatastas ang roster ng mga participants sa aking show. Pinilit ko noon si Lydia na ikwento sa akin kung ano ang hitsura nila dahil sa aming dalawa, siya ang may chance na manood ng tv, ngunit ayaw niya. Pinagbabawalan daw siya ng management at lalo na ni tita Isabela. Nungit naging mapilit ako dahilan para magkwento siya at ang tanging sinabi niya lang sa akin ay may mga hitsura daw ang mga kalahok. Napairap na lamang ako dahil doon. Well, ano pa nga ba ang aasahan ko. Talagang yung mga may hitsurang lalaki lang ang pipiliin nila para maging part ng show na ito upang mag-enjoy ang mga viewers lalo na ang mga kababaihan at hindi ko gusto 'yon.

Anyway, maaga akong nagising ngayon dahil may mall show rin ako na gaganapin sa nagiisang mall dito Isla Laloma. Kailangan kong gawin 'yon upang ma-ipromote ang aking show. Saglit ako ng bihis ng pamalit na damit matapos kong mag-body wash. Pagkatapos ay agad akong nagtungo sa breadtalk sa ground floor upang mag-almusal. I really miss the taste of home made pandesal ngunit hindi ko magawang makabili ng ganoon dahil sa may curfew ako.

Habang tinatahak ko ang hallway galing sa aking kwarto ay marami na agad ang naka-recognize sa akin. May ilang civilian ang bumabati sa akin ngunit may ilan namang hindi ako pinapansin sa akin. I have this feeling na mga nasa upper class ang mga taong 'yon. Marami na ulit tao sa hotel ng buksan ito sa publiko. Karamihan dito ay mga businessmen at mga nagbabaksyon lamang. Nang sumakay ako sa elevator pababang ground floor ay may isang pamilya akong nakasabay. Kakapasok ko pa lamang sa elevator ng biglang magti-tili at magta-talon ang isang batang babae sa loob nito. Agad siyang sinaway ng mga magulang niya na natatawa sa kaniyang ginagawa.

She was cute, I guess mga pitong taong gulang pa lamang siya. Nang magsara ang pinto ng elevator ay agad itong tumakbo papalapit sa akin at niyakap nito. Nagulat ako sa ginawa ng bata ngunit natawa rin ako.

"Kendall!" saway ng ina ng bata. Natatawang lumapit ito sa amin, bahagya niyang hinawakan ang magkabilang balikat ng bata upang ilayo ito sa akin. Ngunit pinigilan ko siya.

I smiled at her as I said, "Okay lang po, Ma'am." Sabi ko ngunit kumawala sa pagkakayakap sa akin ang batang babae. Agad itong nag-angat ng tingin sa akin at ang malawak niyang ngiti at fluffy niyang cheeks ang sumalubong sa akin. My gosh! She's too cute and pretty.

"Ah, Ms. Grace," napalingon ako sa nagsalita. I guess it was the father of this child. "Pagpa-sensyahan mo na ang anak namin ah. Idol na idol ka lang talaga ng anak ko. Katunayan nga ay lagi ka niyang ginagaya sa bahay." Lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Dahan dahan akong lumuhod upang maging magpakantay na kami ng bata sa aking harapan. Nagkasalubong na ang mga titig at kitang-kita ko kung gaano siya kasaya na nasa harapan niya ako.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Sep 17, 2017 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

A Tale of a BacheloretteOnde histórias criam vida. Descubra agora