Chapter 5 : Crush

3.7K 138 19
                                    

Chapter 5 : Crush

Kristin's Pov,

Julian. A nice name. Gwapo but not too much. Para siguro sa ibang mayayaman na kaklase ko, ang panget at ang baduy na soot niya. But I adore him even if he wear nothing. Just kidding, ang landi ko naman kapag nangyari 'yon.

Malandi na kung malandi basta ang pogi nya, period. He looks so innocent. Gano'n ang mga tipo ko, kaya sana ako din ang tipo ng babaeng gusto ni Julian. Even his simple smile is so attractive.

Feeling ko, seductive siya. Lalo tuloy namula ang mukha ko sa naisip.

***

I get used to Julian kaya ayun, now he's my inspiration. Siguro kung wala siya hindi na lang din ako papasok. Gano'n katindi ang nararamdaman kong inspiration sa kaniya. I don't know, kakikilala palang namin at bago palang siya sa school pero tinamaan agad ako.

Ang talino nya, ang ganda ng hugis ng katawan nya. 'Yong brown eyes nya kapag tumatama ang sikat ng araw, at ang kinis ng mukha nya. Hindi mo na mapapansin ang damit kapag ang gwapo niyang mukha ang pinaka-focused mo.

Agad akong nag-madali dahil baka mamaya nasa room na si Julian. Ayoko nga na maunahan niya akong pumasok. It's a pleasure na ako ang mauna bago siya. Para naman nakuha ko na ang kagwapuhan niya sa araw na ito bago ang ibang babae.

***

Bakit wala pa rin si Julian? Dati naman mas maaga sya saakin. Sabagay, Napa-aga ata ako ng pasok. Kasi naman, nag-madali pa ako. Pero ayus na rin 'yun.

Habang hinihintay si Julian, naka-pansin ako ng isang libro malapit sa tabi ko. To be specific, sa loob ng book shelf na ngayon ay katabi ko.

Wait? Parang pamilyar saakin itong libro na ito. Ito 'yong librong laging binabasa ni Julian. I wonder kung bakit niya laging binabasa ito. Maganda naman siguro ito at hindi naman siguro low class si Julian sa pag-pili ng libro 'no?

Agad ko iyong kinuha nang makita kong walang nakamasid sa paligid. Agad kong nilagay ito sa bag ko. Babasahin ko nalang kapag may time na ako.

Napansin ko, bago ko ipasok sa bag ko ang libro, tungkol sa bampira ang kwento. Base na rin sa pabalat ng libro. So, Julian must be interested in Vampires? From now on then, magiging paborito ko na rin ang bampira, Just like him.

Napansin ko ang pag-pasok ni Julia. Kaya naman dali-dali akong tumayo at hinanap si Julian, kaso wala s'ya.

"Ang LT mo Kristin. Hinahanap mo si Julian ah," sabi ni Carl saakin, isa sa mga mapangasar na lalaki sa school. Anong LT do'n? Tsaka gano'n ba ako kadaling basahin? Isang tingin lang, alam na agad kung ano o sino ang hinahanap ko?

Napaupo na lang ako ng dahan dahan,at yumuko. Nagtaka kami ng mga kaklase ko, dahil si Julia lang ang pumasok at wala si Julian. Now, I'm disappointed na hindi siya makikita this whole day.

"Julia, bakit wala yung kakambal mo?" tanong ng isa kong kaklase na nasa likod ni Julia. Buti hindi galing sa akin ang tanong kase baka lalo akong tawanan ni Carl kung ako ang mag-tatanong.

"Ah, kase may sakit ang nanay namin kaya nagpaiwan s'ya sa bahay" sabi ni Julia.

Natuwa naman ako. Hindi lang pala gwapo sa panlabas si Julian. Maging sa panloob din pala. Konti nalang ang mga kagaya niya. How I wish na sana lahat ng lalaki gaya niya.

Pumasok na sa room si Maam Louisa. "Good morning Maam Louisa," bati namin kay Ma'am.

"Okay, may absent ba?" Agad na tanong ni Ma'am habang nilalagay ang mga gamit nya sa table ni Ma'am Kacey. Nagtaas ng kamay si Julia.

Twin Vampire: Fake IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon