Chapter Seven

221K 3K 385
                                    

Matagal nang nakaalis si Maico pero hindi pa rin ako makakilos. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. He kissed me! At ang masaklap pa, tumugon ako sa mga halik niya!

Nang mahimasmasan ako sa nangyari, pumasok agad ako sa kwarto.

Hinawakan ko ang dibdib ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pagdagundong. Ang akala ko nawala na siya nang tuluyan sa sistema ko magmula nang mahalin ko si Anthony pero mali pala ako. Sigurado naman akong mahal ko si Anthony, pero nang halikan ako ni Maico, I felt home. Para bang matagal akong nawalay at ngayon ay naka-uwi na.

I shook my head in frustration. Hindi na ako papayag na maging sunud-sunuran ni Maico. Magpapalipas lang ako ng oras at titigilan ko na rin ang pagpapanggap na ina ng anak niya.

Napalingon ako sa bedside table ko nang marinig ang ring tone ng cellphone ko.

Si Anthony ang tumatawag roon.

"Hi, hon," walang buhay na sagot ko roon.

"Bakit matamlay ka, hon? Ayaw mo bang marinig ang boses ko?" paglalambing niya.

Bahagyang tumawa ako. "Inatake lang ako ng migraine. But I'm okay now," sabi ko.

"Ow, pahinga ka na. Anong oras ka nakauwi sa unit mo?"

"Before seven nandito na ako. Sorry kung hindi na ako nakatawag. Natulog agad ako pagkarating ko rito e."

"It's fine. Busy rin naman ako kanina. Pahinga ka na. I love you," aniya.

"Love you too."

Napabuga ako nang hangin pagkababa ko ng tawag. Itutulog ko na lang siguro ang nararamdaman kong 'to. Siguro pagkagising ko, nakalimutan ko na ang ginawa ni Maico.

~*~

Akala ko, ganun na lang kadali 'yun pero kanina pa ako pabiling-biling sa higaan ko.

Inis na tinignan ko ang digital clock sa bedside table ko. Ugh! Nakakainis! Hindi mawalawala sa utak ko ang nangyari kanina! Alas tres na nang madaling araw, for Pete's sake! Gusto ko nang makatulog, please?

Napahinga na lang ako nang malalim at napatingin sa pinak-ibabang drawer ng bedside table ko. Binuksan ko 'yun at kinuha ang pamilyar na notebook na apat na taon ko rin iningatan. Maka-ilang beses ko ring sinubukan na sunugin ito pero hindi ko magawa-gawa. Ewan ko ba. Siguro dahil laman nito ang kwento ng unang pag-ibig ko. Ang kwento ng pag-ibig namin ni Maico.

Binuklat ko ang notebook at binasa ang stiky note na nakalagay sa pinakaunang pahina.

"Maybe this is not the time for us, but I promise you, we'll be together... someday." Basa ko sa isang linya na naroon.

Napabuga ako nang hangin saka ngumiti nang mapait.

Namalayan ko na lang na may tumulo nang luha sa mga mata ko.

"Wala nang someday, Maico.Sumuko na ako sa'yo two years ago at natuto na rin akong buksan ang puso ko sa iba."

~*~

Bangag pa ako nang pumasok sa opisina ni Jace. Darating ngayon si Maico at pormal na pag-uusapan ang merger. Hindi naman kasi talaga kami nakapag-usap noon dahil naging personal ang pakay niya nang pumunta ako sa opisina niya.

Nang tignan ko si Jace, ngiting-ngiti siya habang may kausap sa telepono.

Itinuro niya ang upuan sa hrap niya habang nakikipag-usap pa rin.

"Yes, Jill. Para sa apat na. Nandito si Jacky at darating si Maico mamaya. Thanks, Ma. I love you!" Napangiti na lang ako dahil doon. Nakakatuwa lang na kahit na ilang taon pa ang lumipas, sobrang sweet pa rin nilang dalawa.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon