Chapter 1

3.7K 113 11
                                    

Photo on the side credits to my sweet, crazy daughter, Yelle @cyphemeral. <3

CHAPTER 1

Ten years later…

PUNO NG kagalakan na tinunghayan ni DC ang isang may kalakihang bahay na nakatayo sa loob ng isang malawak na bakuran. It was very beautiful! Kulang ang sabihing namangha siya sa nakikita niya sa kanyang harapan. The house in front of her was country-styled just like those she had seen from her favorite American movies with a combination of mint green and creamy white colors. The very house she wished to have!

Sa front porch ay may nakalagay na malapad na swing, just big enough for her to relax whenever she wanted to. And the stairs in front was just perfect for stargazing. Oh Lord, a country home in the middle of the city!

“Wow, Kuya! Is this really for me?” namamanghang bulalas niya nang harapin niya ang kanyang nakatatandang kapatid na noon ay may nakapaskil na masuyong ngiti sa mga labi. “This is the best gift ever!”

“Of course, silly. Kanino pa nga ba?” naaaliw na sagot ng kanyang kapatid sabay gulo sa buhok niya. Hindi niya magawang sumimangot dahil na rin sa sobrang kasiyahang nadarama niya.

She could finally smell her independence. Yehey!

“You’re the best kuya in town! Thanks, Kuya Den!” tuwang-tuwang niyakap niya ito. She just loved her brother to bits for practically everything but mainly because he also loved spoiling her. “Can we go inside now? Excited na akong tumira dito!”

“Sino nagsabing dito ka titira?” nakataas ang isang kilay na turan nito na halos ikalaglag ng kanyang mga balikat. Napansin naman ng kanyang kapatid ang biglang panghahaba ng kanyang mukha at natatawang inakbayan siya nito. “Kidding, baby sis! Ganyan ka na ba kaatat na iwan kami sa bahay?”

Nahimigan niya ang bahagyang hinampo at lungkot sa tinig nito. Napapalatak ako yumakap na rin sa baywang niya. Naglalambing na inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat nito. She would surely miss her siblings’ presence everyday.

 “Kuya?”

“O, ano na naman?” ramdam niyang nakasimangot ito kaya naman nanggigigil na kinurot niya ito sa tagiliran. “Ouch, DC!”

“Kuya kasi!” napalabi siya at bumuntong-hininga. “You know I need this right? Hindi naman ako pupunta sa malayong lugar. Nandito lang naman ako and besides, dadalawin ko pa rin naman kayo sa bahay. Tsaka ‘di ba, you made a promise to Mom?” aniya na ang tinutukoy ay ang binitiwan nitong pangako sa kanilang namayapang ina na hahayaan siya nitong magdesisyon para sa sarili niya.

She suddenly felt sad upon remembering their parents. Pinisil ng kapatid niya nag kanyang balikat at masuyo siyang nginitian.

“I’m sure they’re proud of you, sweetheart.”

Ginantihan niya ito ng isang masayang ngiti at tumango.

“And you better make sure to pay us a visit. Kundi ay araw-araw ka naming guguluhin dito nina Dean at Danny,” he scoffed, trying to lighten the atmosphere. “Come on, pasok na tayo sa loob?”

Kahit na hindi niya nakikita ay alam niyang kumislap ang kanyang mga mata sa labis na katuwaan. Sa likod ng isip niya ay nakikita niyang nakangiti ang mga magulang niya mula sa langit.

Hinila na niya ang braso ng kapatid at nagpatiuna na sa paglalakad.

“Let’s go, brother! You’re too ma-drama, kanina ko pa gusto mag-tour sa loob ng bago kong bahay!”

Kian's Dream Chance (Self-published)Where stories live. Discover now