Chaper VI -The New Heartthrob

77 2 0
                                    

As usual, nagsimula nanaman ang classes namin. Boring nanaman! Turo nito turo niyan as if naman pumapasok lahat sa utak namin. Buti na lang at natapos na ang Physics class namin at dumating na ang teacher namin si Math.



Kapag Math time nabubuhayan ako dahil ito ang favorite subject ko. Pero yung mga kaklase ko mukhang ito ang hatest class nila dahil dumarami ang natutulog kapag Math time. Anyway, natapos na din ang iba naming classes at dismissal na. Natuloy naman yung plano namin ni Kyra na manood ngayon ng movie sa bahay nila.




Pababa na kami nang biglang may tumawag sa akin. Feeling ko kilala ko na kung sino ito . . .



"Hello? Bakit nanaman?" pasigaw kong sagot


"Uh-uhm. Ron?" iba yung boses na narinig ko. Serious and silent


"Uy Ron sino yan?" bulong ni Kyra


"Si Janus yata." bulong ko din


At nag-make face si Kyra kaya natawa ako.


"Ah hello, Janus?"


"Yes, it's me. Uh. . .  pauwi ka na diba?"


"Hmmm. Oo . .  bakit?" naku! Mukhang maninira pa ng plano namin ni Kyra ito


"I'm waiting here outside the gate. Let's go home together. Sige bye!"


At bigla niyang binaba yung phone niya.


GOSH!


Hinawakan ko agad ang kamay ni Kyra at hinila. Tumakbo ako ng mabilis


"Aray ko Ron! Uy bakit tayo tumatakbo?" reklamo ni Ky


"Ay excuse me!" ang daming nakaharang sa daan.


"Ron, saan tayo pupunta?"


"Basta sumunod ka na lang."


Tumigil kami sa pagtakbo ng nakarating na kami sa likod ng school.


"Sooooooo, anong ginagawa natin dito Ron?"


"Akyat." nanlaki ang mga mata ni Kyra sa akin


"What do you mean 'AKYAT'?" gulat na gulat niyang tanong sa akin,


"Akyat. Mago-over the bakod tayo."


Miss Feign LookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon