"Sayang naman Ron, dapat sinabi mo kay ate Charmaine kasama ako." nag-pout si Kyra
"Ky, ayoko nang naabala pa kita para lang matulungan ako. Promise ok lang talaga kahit ako lang mag-trabaho mag-isa, kaya ko yun ako pa!"
"Paano kung papagudin ka nila doon? Sasama na lang ako mamaya para matulungan kita." pangungulit niya
"Ky wag ka na makulit."
"Eh basta sasama ako. Kahit anong sabihin mo, sasama ako."
"Tsk. Bahala ka nga ang kulit mo. Basta pag napagod ka wag ka magrereklamo. Tsaka kung sasama ka talaga lulubus-lubusin ko na tulungan mo ako."
"Hehehe. Konting tulong lang naman Ron."
Nag-ring na ang phone ko. Nag-text na si ate Charmaine.
"Tara nasa labas na daw si ate Charmaine." yaya ko kay Ky
"Yey! Ano kayang trabaho mo noh? Bakit kaya hindi sinasabi ni ate Charmaine?"
"Ayyyy naku wag na natin isipin yun. Ang mahalaga magkakapera ako."
Sumakay na kami sa car. Nakita namin si ate Charmaine sa loob, sobrang ganda na nakaayos pang model.
"WOW ate Charmaine! You look like a goddess. Ang galing ng nagmake-up." bola ni Ky
"Tchhhh. Anong magaling ang nagmake-up? Sadyang maganda lang talaga ako , duh." pambobola ni ate Charmaine sa sarili niya
"Ehem ehem." pang-aasar ko
"Parang biglang humangin." asar din ni Ky
"Uh? Tignan mo itong mga batang ito. Pagkatapos ko tulungan ide-deny niyo ang kagandahan ko? I can't believe it!"
"Ate Cha, wag ipilit ang mali. Hahahaha! Peace tayo ^___^ V" -Ky
BINABASA MO ANG
Miss Feign Look
Teen FictionVeronica Lim,a 15 year old girl, is born from a rich family. Her parents decide to arrange a fixed marriage between her and her childhood friend, Janus Chui. To be able to escape, she thinks of a plan together with her bestfriend Kyra and cousin, Ja...