Chapter 19

47 3 3
                                    

Chapter 19
"Frame up"

Nakarating kami sa mansion ng mga Sze. Namamangha na lumingon ako sa bawat muwebles na madaanan ko. Mahahalata agad ang kakaibang yaman mayroon ang mga Sze.

Bawat maid na madaanan namin ay yumuyuko bilang paggalang kay Yohance. Now that I am seeing this, alam kong napaka importante na tao ni Yohance.

Dumiretso kami sa basement ng mansion nila kung saan makikita ang ilang mga armas. Bigla akong kinilabutan ng makita ang mga ito. Kahit ngayon ay hindi pa rin ako sanay na nakikita si Yohance na ganito.

Ginagalang siya sa school bilang SG President pero hindi ko talaga akalain na isa siyang anak ng Mafia.

Tumigil ito sa harap ng armalite, itinutok niya ito sa akin at bigla akong napaluhod ng paputukan niya ako. Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. Akala ko ba kailangan niya ng tulong ko! Bakit balak niya yata akong patayin?

Narinig ko ang pagtawa ni Ayen. She is Yohance's bestfriend and I know she's been used to it since they are friend since childhood.

Napalingon ako sa likod ko at nakita ang nabutas na pinto. Bakit niya ba ako pinapunta dito? Lumingon ako kay Yohance at nakatingin pa rin ito sa baril na hawak niya.

"Everyone of us bears one secret that may unfold soon." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ayen. What did she mean by that?

Ngumiti ito sa akin na mas lalong nagpagulo ng isipan ko. Teka? Bakit nga ba sumama ako sa kanya dito ngayon? Anong kailangan kong gawin para makatulong sa kanya?

"And this is my secret Yugin. Tanggapin ko man o hindi, hindi mawawala ang katotohanan na anak ako ng isang Mafia."

Ano kinalaman nito sa gagawin ko? Wag niya sabihin na gagawin niya ko kasapi ng Mafia niya.

Ngumiti ito sa akin at inanyayahan niya akong umupo sa tapat ng table niya. Kaharap ko si Yohance at nasa gilid ko si Ayen na seryoso ang mukha.

"Do you know why am I telling you this Yugin?" Umiling ako.

"It is because you're the only person I trust now Yugin aside from Ayen of course."

Lumingon ako kay Ayen at nahihiya na inipit nito ang buhok sa tenga.

"Wag na tayong magpaligoy ligoy pa Yohance. Anong gusto mong gawin ko ngayon?"

Tumalim ang mata nito at tumayo. Nagsalin ito ng scotch sa dalawang maliit na baso at ibinigay sa akin ang isa.

"Gusto kong alamin niyo ni Ayen ang buong ginagawa ni Eric. He is the reason why I ended up locked in our mansion not until my name is already clean. Na frame up ako ng sugurin tayo ng mga tauhan niya."

Nagtataka na lumingon ako sa kanya. "Tauhan niya? Siya may kagagawan ng lahat ng ito?"

Natahimik ito at tumango. "Eric is my twin and I don't really know why he is acting like that."

Natahimik ako. Kung gusto niyang tulungan ko siya dapat tulungan niya rin ako. I need to get the card to give it to Mira, para hindi na kami mag away. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam ang kinaroroonan niya.

I can't help not to heaved out a deep sighed. Kahit ayoko man aminin ay nami-miss ko na siya. When can I be able to see her? Ni hindi siya nagbigay ng definite place kung saan siya makikita. Habang ako dito ay nababaliw kakaisip kung nasaan siya! Ang hilig talaga ako paalalahanin ng babae na yun.

Lumingon ako kay Yohance na nakatingin lang sa akin. "If you want me to help you, what can I get in return?"

Tumalim ang mata nito. Ng hinawakan siya ni Ayen sa kaliwang balikat ay nawala ang pagkakakunot ng noo nito. He placed his hand on his lap while his legs is sit-crossed.

MIRA : The PixieDove le storie prendono vita. Scoprilo ora